-------------------------------------------
It's already 9:45 am. At napagdesisyonan ko na'ng maligo at magbihis para makipagkita kay Austin.
Hindi naman ako nagtagal sa pag-aayos. Pero gusto ko pa din na maayos ako sa paningin niya kaya naman naglagay ako ng konting lipgloss.
Kinuha ko ang sling bag ko at bumaba na. Nasa kitchen sila Mommy nang makababa ako. Kasama niya sila Chali na nagnggugulo habang nagluluyo si Mommy. Si Daddy naman ay hindi ko makita kung nasaan.
Lumapit ako sa kanila para magpaalam. "Mom,"tawag ko. Napatingin naman siya agad sa'kin. "May kikitain lang ako, sa inyo muna sila Talia."paalam ko.
"Sige, ako na ang bahala sa kanila. Alam ko kung sino ang kikitain mo, nakaayos ka pa talaga."aniya.
Nahiya naman ako. "Where are you going Mommy?"tanong naman ni Chali.
"Just somewhere, babalik din ako kaagad okay?"humalik pa ako sa kanila bago umalis.
"Saan ka pupunta?"tanong ni ate na pababa ng hagdan. Hindi ko alam na nandito na pala siya. Tuwing umaga kasi ay nasa Coffee shop siya at tanghali na kung dumating.
"Makikipagkita lang kay Austin ate."
Tumango naman siya. "Siguraduhin mong usap lang ah, 'yang labi mo naka-lipgloss pa."makahulugan pang aniya.
Natawa pa kaming parehas. "Sige na, alis na'ko."sabi ko at lumabas na.
Pinaandar ko ang kotse papunta sa lugar kung saan niya sinabing magkita kami. Sa totoo lang kinakabahan ako.
Napailing nalang ako at ibinaling nalang ang atensyon sa daan.Ilang saglit pa ay nakarating na din ako. Sa building nila niya ako pinapunta. Hindi naman na ako nagreklamo dahil naisip ko din na baka busy talaga siya at isiningit lang niya ako sa time niya. But it's okay with me, i understand.
Ipinark ko ang kotse at pumasok sa loob ng building. Nagtanong ako kung saan ang office ni Austin na agad naman nilang itinuro sa akin. Hindi na ako nagsayang ng oras at sumakay na agad ng elevator at pininfot ang gloor kung nasaan si Austin.
May mga nakasabay pa akong empleyado niya. "May bisita daw si Sir?"rinig ko oa ang paguusap ng mga babae sa harap ko na kakapasok lang.
"Oo daw, inform naman ni Ms. Secretary kaya nga hindi pwedeng istorbuhin si Sir mamaya."sagot nung kausap niya.
"Sino naman kaya ang bisita ni Sir?"tanong pa nung isa.
"Siguro isa lang sa mga babae niya? Naalala niyo si Ms. Clarize na bumisita kay Sir?"that really got my atensyon. So pumupunta dito si Clarize?
Nagkibit-balikat ang mga kasama nito. "Siguro nga."
Natapos ang usapan nila at siya namang pagbukas ng elevator kaya naman nauna na silang lumabas bago ako sumunod na lumabas. Sinunod ko ang sinabi ng nagturo sa akin kanina kung saan makikita ang opisina ni Austin.
Agad ko naman itong nakita at nilapitan. Wala sa desk nito ang secretary niya kaya kumatok nalang ako. "Who's that?"tanong ng nasa loob.
"Uhh.. it's me."nahihiyang sagot ko naman.
"Come in."anito. Ako naman ay agad na binuksan ang pinto at pumasok sa loob.
![](https://img.wattpad.com/cover/234054565-288-k516055.jpg)
YOU ARE READING
TORTURE OF LOVE [Completed]
RomanceMaxine dreamed of a beautiful wedding and a good husband. But unfortunately she was arranged marriage. It's her luck and bad luck because she wed to her ultimate crush. And the bad luck, her crush hates her. Would their marriage work or get worst?