Naimulat ko ang mata ko dahil sa taong nakaupo ngayon sa tyan ko.
"Mommy! Wake up na!"anito at niyuyugyog pa ako."Mommy! Morning na po oh!"sabi naman ng isa. Hindi ko alam kung nasaan. Sinilip ko iyon at nakita ko'ng nahihirapan siya sa pag-akyat ng kama.
Bahagya pa akong natawa bago ako bumango at umupo ng maayos sa kama. Tinulungan ko siyang umakyat at nakangiting niyakap ito.
"Good morning babies."ani ko at hinalikan sila sa pisngi."Mommy, let's go down na'po. Let's play."aya nilang dalawa sa akin. Hindi naman na ako tumanggi at bumangon nalang. Sabay-sabay kami'ng naghilamos at bumaba na para kumain.
Hindi ko na nakita si ate pagbaba namin. Panigurado ay nagpahatid na iyon sa Cafe. Siguro'y sumabay siya kila mommy sa pagalis. Ngayon kasi pupunta sila mommy sa pago orderan nila ng cake at iba pa'ng kailangan para sa birthday nila na gaganapin na sa isang araw sa bahay nila mommy Kat.
Napagdesisyunan namin na doon nalang ganapin. Sumang ayon na din kasi sila mommy dahil daw ngayon lang magb-birthday sila Chali dito sa Pilipinas kaya naman sa bahay nalang nila mommy Kat.
"Mommy, where's Lola-Mommy?"tanong ni Talia habang nakaupo sa isang upuan sa dining.
"May pinuntahan lang sila baby. Tayo lang ang magkasama ngayon, ayaw niyo ba yon?"sabi ko habang ibinibigay sa kanila ang agkain nila.
Wala din naman si Manang. Baka nasa likod lang at may ginagawa.
"Gusto po mommy."sagot agad nila na ikinangiti ko.Ngayon ko nalang din kasi sila makakasama ng buong araw at sana naman ay walang istorbo. "Eat. Then let's play? You want to play?"magiliw naman sila'ng tumango kaya umupo na ako sa tabi nila at nagsimula na din kumain.
"Baby! Careful! Baka matapakan niyo yung mga laruan niyo."paalala ko sa kanila. Nandito kami ngayon sa sala at naglalaro sila. Hindi na kami lumabas dahil mainit. Ayaw din naman nila doon.
"Mommy, water."lumapit si Talia sa'kin ng pawis na pawis.
Tumango naman ako at tumayo saka naglakad papunta sa kitchen para manguha ng tubig. Pati na rin si Chali ay kinuhanan ko.
"Here."pinainom ko siya ng tubig sa tumbler niya. "Chali! Come here."tawag ko naman sa isa pa na nakaupo habang nilalaro ang isang barbie nito.Pinainom ko din siya ng tubig at nilagyan ko na din ng hand towel ang likod nila. Masyado na kasi'ng basa at baka matuyuan sila.
Pagkatapos ay nagtuloy na sila sa paglalaro. Kalahating oras pa ang lumipas ng panonood ko ng tv ay biglang tumunog ang cellphone ko.May tumatawag. Tinignan ko naman kung sino at agad na napatayo na'ng makita ang pangalan ni Austin. Ang sabi ko walang mangiistorbo!
"I'll just answer this call baby ha?"paalam ko sa kanila. Hindi ko naman na sila hinintay pa na sumagot dahil busy din naman sila sa paglalaro.
Lumayo ako ng kaunti sa kanila at sinagot ito. "What is it?"bungad ko na'ng masagot ang tawag.
"Can we meet? I want to ask you something."anita na nagpakunot ng noo ko.
"What is it? You can ask it now. No need to meet."sabi ko.
Hindi naman agad siya sumagot. "We needed to. I'll pick you up."makulit na aniya. Hindi ata niya naintindihan ang sinabi ko na hindi na kailangang magkita. Tsk
![](https://img.wattpad.com/cover/234054565-288-k516055.jpg)
YOU ARE READING
TORTURE OF LOVE [Completed]
RomanceMaxine dreamed of a beautiful wedding and a good husband. But unfortunately she was arranged marriage. It's her luck and bad luck because she wed to her ultimate crush. And the bad luck, her crush hates her. Would their marriage work or get worst?