EPILOGUE

200 4 2
                                    

First, i wanna thank you for reading this work of mine even if it's this lame. Hindi ko pa kasi masyadong alam at natututo pa ako sa bawat araw na nagbabasa ako. But i think i did a great job naman.

Sobrang nagpapasalamat talaga ako dahil may nagbasa ng gawa ko. This is my first story so yeah. And please support my other stories, 'Falling Game', You are Hired!. Falling Game ang isusunod ko dito. Hehe Take care babes! Always!<//3

___________________________

A month later.

Nandito kami ngayon sa kwarto. Nasa banyo naman ang dalawa at naliligo. Pagkatapos ko'ng magbihis iniwan ko na si Austin na nagbibihis para pinuntahan ang dalawa at patigilin na sa pagligo.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto nila at diretso sa banyo. Nakita ko naman silang naglalaro pa doon. "Hey! Stop na 'yan!"saway ko sa kanila. Gulat naman silang nilingon ako.

Hinanda ko ang towel at roba nilang dalawa. Unang natapos si Talia. Pinunasan ko ito at sinuotan ng roba niya, sumunod si Chali. Pinauna ko sila sa kama dahil inayos ko pa ang mga ginamit nila.

Isang buwan na kaming dito nakatira sa bahay. Tuwang-tuwa ang dalawa dahil may sarili silang kwarto at may bookshelf na laman ang mga iniregalo sa kanila ng magbirthday sila.

"Bilisan niyo na hinihintay na tayo nila Mommy-la niyo."ani ko habang binibihisan silang dalawa. Inayusan ko sila at sinuotan ng sandals.

Birthday ni mommy kaya naman pupunta kami ngayon doon. Family and friends lang ang pupunta. Ang mga amiga nila at sila Stella. Pagkatapos ko sila ayusan pumasok si Austin sa kwarto. "You guys ready?"tanong niya. Sakto nama'ng tapos na sila ayusan.

"Yes, let's go. Siguradong hinihintay na nila tayo doon."sabi ko at hinawakan ang kamay ng dalawa. Sabay-sabay kaming lumabas ng kwarto saka bumaba.


Sumakay kami sa kotse habang nakasunod si Austin hawak ang regalo ng dalawa kay mommy. Ako din ay may regalo pero mamaya ko na sasabihin. Hindi na kami nag aksaya ng oras at umalis na ng bahay.

Ayos naman kaming nakarating kila mommy. They are all there. Sa tingin ko'y kumpleto na sila at kami nalang siguro ang kulang. Hinanap ng mga mata ko sila mom at agad ko naman silang nakita. Hawak ang kamay ng dalawa lumapit kami sa kanya. Nakikipagusap siya sa kanyang mga bisita.

"Mommy-la!"tawag pansin ng dalawa na agad nitong nilingon. Sinalubong niya sila ng yakap at agad na bumawi ang dalawa. "Happy birthday po."bati ni Chali.

"Happy birthday po Mommy-la."sabi naman ni Talia. Sabay pa silang humalik sa magkabilang pisngi ni Mom na tuwang-tuwa naman.

"Happy birthday mom."i said and kissed her cheek then gave her a hug.
"Happy birthday mom."bati naman ni Austin na nasa tabi ko at bumeso din kay mom.

"Thank you lovebirds. Kumain na ba kayo? Come on let's eat."aya na niya sa'min pagkatapos binalingan ng tingin ang kanina'ng mga kinakausap.

Lumapit kami sa table na nakalaan para sa'ming magkakaibigan. Nandoon na sila Agatha ganon din ang mga kaibigan ni Austin. Umupo kami sa bakanteng upuan. Si Austin na ang kumuha ng pagkain namin na tinutungan naman ni Chander.

Sa tingin ko ay gusto lang niyang umiwas dahil dumating si Stella. Gulat pa itong napatingin sa'min. "Buti nandito na kayo. Kanina pa kami naghihintay."aniya at umupo sa upuang katapat ko.

TORTURE OF LOVE [Completed]Where stories live. Discover now