Thank you pa rin kasi may nagbabasa pa!❤
-------------------------
Austin's POV
Pagdating ko sa Hospital agad kong tinanong kung nasan si Maxine at agad na naglakad papunta foon nang sabihin nila sakin kung saan.
Nang makarating sa tapat ng kwarto ay agad kong binuksan ang pinto nang hindi kumakatok at agad na natigilam nang makita ang nasa loob. Nakaupo si Maxine sa kama niya at sinusubuan siya ni Silver.
Why does he have to do that? Tss
Nang makabawi ay umayos ako ng tayo at tumingin kay Maxine na nagtuloy lang sa pagpapasubo ng pagkain na parang walang taong dumating. At ang dumating ay asawa niya. Tch!
Medyo nakakasanayan ko nang tawagin siyang asawa ko.. hindi dapat.
Lumapit ako ng konti sa kanila. "Why do you have to do that?"kunot-noong tanong ko kay Silver.
Tinignan niya muna yung hawak bago sumagot. "Nagpapasubo siya."
"Seriously Maxine? Pano kung sila Mommy ang pumasok at nakita kayo?"medyo inis na tanong ko sa kanya.
Umirap lang siya at hindi sumagot. "Alis na muna ako."paalam ni Silver.
"Bakit?"
"Babalik na lang ako mamaya."
Tumango nalang si Maxine at pinanood na lumabas si Silver. Nang makalabas lumapit ako sa kanya. Tumingin naman siya sakin.
"What are you doing here?"masungit na tanong niya.
"You're sick and i'm a concern husband."
"I told you don't call yourself my husband!"inis na sigaw niya.
Uminom siya ng tubig at inayos ang aarili para makahiga sa kama. Lumapit ako at umupo sa gilid niya. "Anong nangyari sa'yo? Anong sabi ng doctor?"
"None of your business. I'm going to rest."
"Tch! Why are you like this? Mas gusto mo bang kasama yung lalaking yon?"
"Yes."walang pagaalinlangan at mabilis na sagot niya. Napatitig naman ako sa kanya na nakatalikod sa akin.
Is she inlove with that guy?! If yes, that's bullsh*t! She said it's just me!
Natigilan naman ako at na narealize yung naisip ko. What the heck?!
Naalala ko namang tawagan si mommy katulad ng sinabi niya sakin. Nakailang ring lang ay sinagot na niya.
"Hello Austin, how is she?"
"Okay na.. i think she is. Ang saya nga niya kanina eh."halos pabulong ko nang sabihin ang huling mga salita.
"What?"
"Nothing mom. Talk to her."
Nilingon ko naman si Maxine. "It's mom."sabi ko at inabot ang phone sa kanya na agad naman niyang kinuha.
"I'm okay mommy.. Kulang lang sa kain and de-hydrated kaya nawalan ako kanina ng malay.. may tumulong po sakin na kaibigan ko, buti nga po at nandon din siya."
YOU ARE READING
TORTURE OF LOVE [Completed]
RomanceMaxine dreamed of a beautiful wedding and a good husband. But unfortunately she was arranged marriage. It's her luck and bad luck because she wed to her ultimate crush. And the bad luck, her crush hates her. Would their marriage work or get worst?