CHAPTER 26

110 2 0
                                    

Sa sobrang agang nagising ng dalawa ako pa ang ginising nila pati na si Austin. Sinabi nila na nag aayos na sila mommy kaya naman bumangon na kami para maligo at magbihis.





Inayos ko na din ang dalawang maleta namin nila Austin. Magkakasama ang damit ko at kay Austin. Sa isa naman ang kay Talia at Chalissah. Si Austin ang nagbuhat niyon pababa habang nakasunod kaming tatlo ng kambal.






Nadatnan naman namin ang lahat sa labas na naglalagay ng gamit sa kaniya-kaniyang kotse. Nandito na kasi sila Chander at ang mga kaibigan ko. Si Chander at Tyron ang may dalang kotse.





Napagusapan naman kung kanino sila sasakay. Si Mommy, Daddy, ate at ang mga magulang ni sa kotse namin. Ang isa sa kaibigan kong kambal ay kasama ang kasintahan sa kotse ni Chander.






Bigla namang nagtalo nang sabihin ni Stella na kay Tyron siya sasabay at hindi kay Chander. "What? No! Sa akin ka sasakay."inis na ani nitong si Chander. Agad namang natawa ang iba dahil sa pagkakasabi niya.







Agad namang rumehistro iyon sa utak niya. "W-what i mean is.. sa kotse ko. Arggh! Whatever. Sumakay ka kung saang kotse mo gusto."inis nang sabi nito at sumakay nalang sa kotse niya.







Sa huli sumakay si Stella sa kotse ni Tyron. Hindi nalang namin binagkaabalahan iyon at sumakay na din sa mga sasakyan naming kotse. Sa kotse naman kami ni Austin kasama  ang dalawang bata.






Sunod-sunod kaming umalis sa bahay. Tahimik lang kami sa daan dahil natutulog ang dalawa sa sobrang agang nagising. Katabi ko kasi sila dito sa backseat dahil may driver kami na magbabalik ng sasakyan ni Austin sa bahay pag naihatid na kami.






Nakaidlip din pala ako ng hindi ko namamalayan. Paggising ko gising na din ang dalawa. Humingi sila sa'kin ng tubig. Binigyan ko na din sila ng chips para may kinakain sila habang hindi pa kami nakakarating.






Humingi din si Austin ng inumin kaya binigyan ko din siya. Pati sandwich na ginawa ko ay inabutan ko siya. Kumain na kami pero konti lang kaya sigurado akong nagugutom pa siya pati ang mga bata. Tahimik ang naging byahe namin hanggang sa makarating kami da pier kung saan nandoon ang sasakyan naming barko.






Ilang chips din ang nakain ng dalawa. Buti nalang at marami ang binili namin. Binigyan din kasi namin sila Mommy pati na ang mga kaibigan namin. Bumaba na kami at sumakay sa barko na nagmamayari din ng resort sa islang pupuntahan namin. Na kaibigan ni Mommy Kat.



...

Hindi nagtagal nakarating na din kami sa isla. Excited na nakatanaw ang lahat habang papalapit kami sa daungan. Hawak namin ni Austin ang dalawang bata. Kanya-kanya naman ang mga kasama namin.





Si mommy ang nagayos ng mga kwarto namin. Hindi naman nagtagal may mga kwarto na kami. Magkakasama sila Stella, Agatha, at Althea. Si Chander, Tyron, Jordan, at Stephen. Si Mommy at Daddy. Ang mga magulang ni Austin. Habang magkakasama namin kami nila Austin at ang mga bata. Si ate ay sumama nalang kila Stella, hindi naman na siya mahihirapan dahil kilala niya ang mga kaibigan ko at close sila.






Pumasok kami nila Austin sa kwarto namin. Malaki iyon, lahat naman ng kwarto na kinuha namin ay malaki para na rin magkasya ang lahat. Inilagay ko sa gilid ang maleta namin saka umupo sa kama.






"Let's rest first. After lunch nalang tayo mag libot."sabi ko kila Chali. Agad naman silang tumango at nahiga ng diretso sa kama. Si Austin naman sa mga kaibigan nito pumunta. Sa kabilang kwarto lang iyon.





TORTURE OF LOVE [Completed]Where stories live. Discover now