CHAPTER 16

160 2 0
                                    

--------------------------------------------
-------


2 days later dumating na ang parents ko kasama si Silver kaya naman tuwang-tuwa yung dalawa. At nandito kami ngayon sa kwarto para magbihis. Mamamasyal daw kami sa mall sabi ni Silver.






"Mommy, tie my hair?"ani ni Talia. Hindi kasi siya sanay na nakalugay ang buhok niya dahil naiirita daw siya. Lumapit ako sa kanya para ayusin ang buhok niya itali ito.






Sila nalang naman ang nag-aayos, kanina pa ako nakabihis bago ko sila bihisan. Ilang saglit pa ay may kumatok sa pinto at nasisiguro kong si Silver iyon. Nagtext kasi siya kanina na papunta na siya.







Tumuloy si Silver sa dati niyang condo niya nung nandito pa siya sa Pilipinas. Ayaw niya namang tumira dito sa bahay dahil may gagawin pa din siya sa condo niya.






Binuksan ko ang pinto at bumungad sa'kin si Silver na malawak ang ngiti. "Hi lady, and my princesses."kumaway pa siya sa dalawa.






"Papa!"sabay na ani nung dalawa at patakbong lumapit kay Silver para yakapin ito.






"Hey. Okay na ba kayo? Tara na?"tanong ni Silver.






Tumango naman ako. Ayos naman na yung dalawa. "Yep! Let's go."kinuha ko ang bag ko at sumunod sa kanila pababa.







Pagbaba namin nakasalubong namin si Ate, sa tingin ko'y papunta sa kwarto niya. "Ate ayaw mo sumama sa'min?"






Umiling agad siya. "Hindi na, pupunta nalang ako sa Cafe."nakangiting aniya. "Ingat kayo. Bye, buy me pasalubong ha?"aniya pa sa dalawa na nakangiti namang tumango-tango.







"Sige Ate, bibilhan ka nalang namin ng pagkain."sabi ko na tinanguan naman niya saka siya muling naglakad paakyat.






Kahapon ay nagsimula si Ate na tumambay sa Cafe. Kilala siya ng mga crew doon kaya ayos naman siya. Minsan ay tumutulong din siya dahil nabobored na daw siya.






Nagpaalam kami kila Mommy at Daddy bago kami tuluyang lumabas ng bahay. Katulad ni Ate gusto din daw nila ng pagkain. It's already 2p.m kaya mainit. Pero dahil gusto din nila Chali na mamasyal kaya pumayag na ako.






Medyo malayo ang mall sa bahay kaya naman pinanood ko nalang muna sila sa phone ko. Habang ako naman ay nasa bintana ang tingin. Nang biglang magsalita si Silver.





"Pano pag nagkita kayo?"tanong niya.





Bigla naman ako kinabahan sa tanong niya pero hindi ko ipinahalata. Pano nga ba? Anong gagawin ko? Malapit na birthday nila Talia, alam kong gusto pa din nila siyang makilala kahit pa sinabi nilang nandyan naman si Silver.





Napabuntong-hininga naman ako. "Hindi ko pa alam."sabi ko.





"Hindi mo man lang ba ipapakilala kila Talia ang daddy nila, malapit na birthday nila."sabi pa niya.





"Daddy? Where po?"biglang sabat ni Chali.





Nilingon ko sila at pareho silang nakatingin sa'kin at naghihintay ng sagot. "Ahm.. do you want to meet him before your birthday?"i asked them.





"Hmm.. yes po mommy."sagot ni Talia.
"Yes po."sagot din ni Chali.





Ngumiti nalang ako sa kanila. "Okay, i'll talk to him some time."sabi ko.





TORTURE OF LOVE [Completed]Where stories live. Discover now