PHILIPPINES
Matapos ang mga oras na bumagot sa kanya, nakababa na rin si Claude ng eroplano mas maaga ng tatlong araw sa alam ng media.
Hindi siya madaling mamukhaan lalo at naka-sunglass siya. Pero masyado siyang tinitignan ng mga tao, kahit pa hindi siya nakikilala ng mga 'to.
Maraming bumati sakanya ng "Hi" kahit hindi naman siya nakikilala, pero wala siyang pinansin kahit isa, kahit ngiti ay ipinagdamot niya.
"Seniorito!" malakas na sigaw nang labis na kasiyahan ng kasambahay ng daddy niya.
Daddy niya na siyang pasimuno bakit siya umuwi ng Pilipinas nang mas maaga.
"Lower your voice," malamig na tugon niya rito.
Si Claude lang yata ang nanggagaling sa ibang bansa na walang dalang kahit ano maliban sa headset na permanente na yatang dala nito na ngayon ay nakababa sa batok nito, black and green ang combination no'n.
"Sorry po, halika na kayo naghihintay na ang daddy ninyo," sabi nito na tila natakot sa kakikita pa lang na amo.
"I need personal maid. Ikaw ang mananagot sa 'kin kapag may ginawa siyang 'di ko nagustuhan."
"Bakit naman ako ang mananagot, ako ba ang gagawa?" sa isip-isip ni Anjie, ang kasambahay.
"Ako na lang, Seniorito!" presinta ni Anjie na halos magkandarapa na paghabol sa mabilis na paglakad ni Claude patungo sa sasakyan.
Sa pagkakasabi ni Anjie, napahinto si Claude at tiningnan mula paa hanggang ulo si Anjie na kinabahan nang husto. At sa pagtatama ng mata nila ay tila gustong matunaw ni Angie sa titig nito, hindi dahil sa kilig kundi dahil sa takot sa pagkakasalubong bigla ng kilay nito.
"No, I don't like you."
Iniwan nito si Anjie na nakatulala sa sinabi nito.
Inilahad ni Claude ang palad niya sa driver nang makita niya 'to sa parking lot dahil doon siya hinatid ni Angie.
Hindi naman 'agad naintindihan iyon ng bago ring Driver na unang beses lang makita ang bunsong anak ni Mr. Hartwell, kaya kinamayan niya 'to sa pag-aakalang ikinagagalak siyang makilala nito sa tahimik na paraan.
Inatake na naman ng pagiging maiinitin ng ulo ni Claude at gusto na 'tong bulyawan pero nagpigil ito.
"Where's the key?" iritang tanong ni Claude.
Halos magkandalito sa pagalit na tono ng amo si Jose.
"Ito po sir," si Jose na dali-daling ibinigay dito ang susi na may kasamang panginginig
. Sumakay naman agad sa driver's seat si Claude at pinaharurot ang sasakyan.
"Iniwan tayo?" si Anjie na napatingin kay Jose.
"Hindi ako tatagal sa kanya daig pang may regla!" si Jose na napakamot sa ulo.
"Bunganga mo! May pamasahe ka bang dala? Wala ako e," si Anjie na naiinis na rin.
"Wala rin nagmadali nga ako, paano na tayo niyan?: si Jose na naaalarma na.
Ang layo kaya ng airport sa Mansion ng mga Hartwell!
"Hay! Anong klase siyang tao walang konsiderasyon! Hindi man lang inisip kung may pamasahe tayo!" si Anjie na nanggigil talaga kay Claude.
Si Claude, wala talaga siyang pakialam kung paano uuwi ang dalawa.
BINABASA MO ANG
My Devil Crush!( Renfield Syndrome )
General FictionHindi gusto ni Yuki na maging TEAM BAHAY at TEAM IYAK at TEAM ASA SA PHOTO NI BES para makita ang long time crush niyang si Claude. Kaya naman kahit maging muchacha nang isang 'di kilalang tao, ay nagpursige siyang puntahan, kahit pakiramdam niya ma...