MDC12: JORDAN OR CLAUDE?

6.6K 230 9
                                    

CHAPTER 12


Jammie's POV

Sikat na ang bruhilda naming kaibigan na si Yuki! Iyong bigla siyang nawala at may trabaho raw siyang aasikasuhin tapos makikita namin sa kabilaang balita na kasama niya mismo si Claude Stephen Hartwell! Nahawakan niya at madalas niyang nakikita! Isipin ko pa lang kung gaano kahalay si Yuki, alam ko na kaagad na dapat akong mainggit nang sobra! Tapos sasabay pa 'tong isang nasa harapan ko, napakahaba talaga ng buhok nitong si Yuki!

"Ano nga uli 'yon, Jordan?" pilit kong nginitian si Jordan, ex ni Yuki. Close naman kami dahil mabait naman si Jordan at distansiya lang talaga sumira sa relasyon nila.

"Alam mo kung nasaan si Yuki? Hindi ko na makontak 'yong dating number niya," mukhang problemado naman siya.

"Ah," mukhang hindi pa niya alam na si Yuki ang laman ng mga balita dahil kay Claude!

"Huwag kang mag-alala, parang 'di mo naman kilala 'yong bruhang 'yon, lahat kinakaya no'n."

"I really wanna talk to her,"

Ang guwapo rin nito, eh! Naku, ano ba at kahit babaliw-baliw si Yuki marami talagang nabibingwit! Muse ng basketball team si Yuki, doon niya nakilala si Jordan na M.V.P naman ng taon na 'yon.

Their relationship seems so perfect, mayaman si Jordan at legal sila sa both part ng family. Kaso nga lang pumunta sa ibang bansa si Jordan kaya nakipaghiwalay si Yuki. After niyang hiwalayan umiyak siya nang umiyak. Ewan sa babaeng iyon mahal na mahal pero hindi daw talaga nag work ang LDR sa tingin niya at may mantra iyon na 'Kung kayo, kayo'.

Pero isang taon lang, narito na kaagad si Jordan, hinahanap na si Yuki. Alam ko na mahal ni Yuki si Jordan, sa totoo lang naghihintay naman talaga siya kay Jordan. Pero buhay niya kasi 'yon, hindi ko puwedeng sabihin ang nararamdaman niya kay Jordan kahit gusto kong pagaanin ang loob ng lalaking 'to na mukhang dismayadong hindi makontak si Yuki.

"Hindi ko talaga alam kung nasaan siya. Pero iyang number na binigay ko sa 'yo ay number talaga ni Yuki. Try and try lang, baka walang signal."

"Pero may nakapagsabi sa 'kin nang tungkol sa GZ at kay Yuki,"

Nabigla ako kay Jordan, may alam naman pala!

"Ah, alam mo naman fan na fan ng GZ 'yon lalo ni Claude kahit maging tagalaba ng brief papatusin no'n nang walang halong pagsisisi," nangiti ako nang maisip ko ang hitsura ni Yuki na ngiting-ngiti.

"Iyon nga, kaya nag-aalala ako dahil walang may alam kung nasaan siya, even her parents! Ano ba naman 'yan!"

Napatingin ako sa paligid. Nagtinginan sa 'min ang mga naroon.

"Huminahon ka nga!" pabulong na asik ko kay Jordan.

"Paano ako hihinahon mga satanista ata 'yong mga 'yon!"

"Shhh!"

Huminga siya nang malalim. "If you happen to contact her, please tell me as soon as possible, I really wanna talk to her, please..."

Tumango-tango ako. Alam ko naman na nag-aalala lang talaga siya. Pero tingin ko naman hindi niya talaga kailangan na mag-alala dahil mukhang tuwang-tuwa ang bruhang 'yon!

"See yah," paalam ko kay Jordan nang makalabas kami ng café.

"Hindi na kita ihahatid?"

Umiling ako. "May dadaanan pa 'ko, Salamat!"

Tumango naman siya bago sumakay sa kanyang sasakyan, "Take care!"

Kinawayan ko siya.

Unfair naman ni Yuki! Hindi man lang siya nagsabi sa 'min! Hindi ko man lang narinig ang boses niyang nag hyperventilate sa sobrang kilig at tuwa. Bakit inilihim ng bruhang 'yon ang pagkikita nila ng GZ!

My Devil Crush!( Renfield Syndrome )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon