MY DEVIL CRUSH 13
YUKI'S POV
"Jammie, tara na!"
Ano ba naman 'tong kaibigan ko! Baka naman bumangon si Claude at masigawan pa kaming dalawa. Pero ayaw talagang maniwala nitong si Jammie lalo pa at si Ruki ang type nito at naniniwala itong satanista si Claude at kaya ito most hated nang ibang fandom dahil masama ang ugali nito.
"Sa ibaba na tayo, baka magising pa siya—"
"Aba, Yuki, karapatan kong malaman kung nasa maayos ka bang kalagayan lalo sa katinunang mayroon kang pabigla-bigla! Alam kong willing kang maging donor ng organs makapunta lang sa concert ng GZ kaya talagang kinakabahan ako sa mga pinaggagawa mong bruha ka!"
"Jammie!"
"Tumigil ka, Yuki, oh kaya umamin ka na lang sa 'kin kung sino ang kinakasama mong bruha ka!" Nameywang siya sa harapan ko.
"Hay—"
"Hinahanap ka ni Jordan—"
Muntik na kaming mapatalon ni Jammie nang bumukas nang malakas ang pintuan at kung mahinang klase ng kahoy 'yon malamang ay wasak-wasak na iyon sa puwersadong pagbubukas.
"Claude—" gulat na gulat ako.
Si Jammie halos hindi makapagsalita.
"What's with the noises?" iritang tanong ni Claude.
Nakita kong napalunok si Jammie pero naroon pa rin ang gulat niyang hitsura.
"What's the problem?"
Nakita kong umaarko na ang kilay ni Claude kaya naman kaagad ko nang sinalo si Jammie dahil paniguradong na shock talaga siyang makita si Claude lalo at mukhang mannequin sa personal.
"Wala, babe, magpahinga ka na at ibababa ko lang 'tong si Jammie," marahan ko siyang tinulak sa katawan.
"Are you sure, babe?" Pa-charming na sabi ni Claude.
Tangina! Napatid na naman yata ang panty ko!
"Y-yes, babe," nangingiwi ako dahil kitang-kita ko ang pagtiim nang titig niya. Patay ako mamaya!
Inilayo ko na si Jammie kay Claude, sa kusina kami humantong dalawa. Binigyan ko siya nang isang basong tubig at mukhang hindi pa rin siya nakaka-get over."Besh, ang guwapo..." tila nagpapantasya si Jammie.
"At boyfriend ko na siya," tumatangos ang ilong na sabi ko.
"S-seryoso? Hindi ba chimimay ka lang?!"
"Oo nga, pero boyfriend ko rin siya!"
"Hindi ka naman niya tinuturuan ng mga abracadabra? Pinapakain ng buhay na manok? Pinasasamba sa mga demonyo—"
"Hindi gano'n si Claude 'no! Mali ang mga nakakalap mong news, sobrang bait niya, sweet, at caring—" nakakangiwi naman magsinungaling.
"B-baka naman natusok na niya ang bataan mo!"
"Sa totoo niyan—"
"Oh, my! Nasaan na ang pangako natin sa isa't isa na magpapatusok lang sa lalaking pakakasalan natin kung hindi man 'yong five years relationship na!" Duro niya sa 'kin.
"Violent much?" natatawa ako, parang siyang ewan.
"Wala pa, soon, kapag naka-five months na, puwede na 'yon—"
"Yuki!"
"Aba, choosy pa ba ako? Sa dami nang nakapilang babae niya suwerte ko nang maano niya—"
BINABASA MO ANG
My Devil Crush!( Renfield Syndrome )
General FictionHindi gusto ni Yuki na maging TEAM BAHAY at TEAM IYAK at TEAM ASA SA PHOTO NI BES para makita ang long time crush niyang si Claude. Kaya naman kahit maging muchacha nang isang 'di kilalang tao, ay nagpursige siyang puntahan, kahit pakiramdam niya ma...