CHAPTER 18
"It's okay... isipin ko na lang na wala tayong pinag-usapan ngayon."
Tumalikod na ako dahil baka hindi ko na kayanin pa ang emosyon. Kahit kailan hindi ako nagpumilit maging bahagi ng buhay ng kahit na sinong lalaki. Pero bakit kapag kay Claude parang gusto kong ipilit na gustuhin niya ako? Bakit nasa punto ako na dapat mahalin niya ako.
Nabigla ako nang hilahin niya ako pabalik. Nagkatitigan kaming dalawa.
"I'm yours... you're mine... I'm still yours..." tila hirap na aniya.Kumabog nang husto ang dibdib ko.
"You mean kahit—"
"Kahit umalis ako o bumalik as long as we're okay, you'll always be my only Snow."'
Lalong nag-init ang mga mata ko. Nakagat ko ang ibaba ng labi ko. Nagsunod-sunod na ang pagragasa ng luha sa 'king mga mata.
Hinawakan niya ang baba ko at tinawid ang pagitan ng labi namin. It was a gentle soothing kiss. Pakiramdam ko idinuduyan ako no'n. Alam ko na hindi ako naging ganito kasaya noon. Is it because crush ko rin kasi siya? Hindi ko alam. Ang alam ko lang, my devil crush is now mine!
Nang maghiwalay ang labi namin ay nagdikit ang aming noo.
"I know it will be a mess but let me tell you, I nver had a relationship as real as I want you."
Nangiti ako. Imbis na kiligin binaha ako ng luha hanggang maging malakas na pag-iyak 'yon. Niyakap ko siya nang mahigpit.
"I know it will not be easy naman, pero let me tell you rin na I'm a loyal person. Kahit diyosa ako mayroon akong imperfections, pero I will try my best to treasure every moment I have with you. Thank you for letting me in, Claude..."
Tumingala ako sa kanya, "M.U. na tayo?"
Nangiti siya, "Mutual understanding, you mean?"
Nailing ako kaya nangunot ang noo niya.
"Then what is M.U. then?" hindi kumbinsidong tanong niya.
"Isang manloloko at isang umaasa..."
Natawa siya kasunod nang pagpitik sa noo ko.
"How many nonsense joke you had on your sleeve?"
"Sus, joke meant to make someone laugh at natawa ka, so nasaan ang nonsense ro'n, aber?"
"Napakadaldal mo."
Inikutan niya ako ng mata kaya natawa ako.
"Are we what?" tanong ko na ngiting-ngiti.
"Don't ask the obvious."
"Eh, I wanna hear it with you."
"Snow—"
"Please, let me hear it..." nag puppy dog eyes ako sa kanya.
Napailing siya, "Live-in partner."
"Real quick!"
Natawa siya.
"What's wrong with your head." Pinitik-pitik niya ang noo ko.
"Can I sleep here?"
"Yah, I don't wanna remember those blood of yours."
Sinuntok ko siya sa sikmura.
"Aray!"
**
"Tawagin mo si Yuki, Ruki kakain na tayo sabihin mo!" si Blue kay Ruki habang naghahalungkat sila sa kusina. Si Takumi lang ang naiwan sa labas at katatapos lang din nila manood ng horror movie.
BINABASA MO ANG
My Devil Crush!( Renfield Syndrome )
Narrativa generaleHindi gusto ni Yuki na maging TEAM BAHAY at TEAM IYAK at TEAM ASA SA PHOTO NI BES para makita ang long time crush niyang si Claude. Kaya naman kahit maging muchacha nang isang 'di kilalang tao, ay nagpursige siyang puntahan, kahit pakiramdam niya ma...