CHAPTER 10
Akala ko simula na nang magandang relasyon sa pagitan namin ni Claude 'yong huling gabi na nginitian niya 'ko. Pero kinabukasan, nagbago siya—mas malamig sa pangkaraniwan. Sabi ko sanay na 'ko sa kanya, may mood swing naman talaga siya. Pero ilang araw na rin, at bihira na rin siya umuuwi. Ilang beses akong sumubok tanungin si Ruki, pero sinasabi niya lang na 'Wag mo na lang isipin nang isipin'.
Ang hirap naman no'n!
Hindi niya na 'ko halos kinakausap. Hindi 'yong pangkaraniwang sungit niya ang isinasagot niya sa 'kin, kundi 'yong parang iritang-irita na siya at kung 'di ako titigil, palalayasin niya na 'ko?
Hinanda ko naman ang sarili ko sa dadaan lang siya sa buhay ko, pero bakit parang ang sakit? Bakit parang mas matindi pa sa first heart break ko? Bakit kasi ako umasa? Bakit kasi ang feelingerang frog ko?
Pinahid ko 'yong luha ko, isang linggo na siyang ganito sa 'kin. Para ngang iwas na iwas siya, at nararamdaman niya t'wing magsisimula akong magtanong. Sinusubukan ko naman na maging hyper araw-araw, pero ayaw nang lumabas ng boses ko.
Sabi na, hindi naman siya seryoso sa 'kin.
Naputol ang pag-iisip ko nang tumunog ang cellphone ko.
"Ruks!" masigla 'yong boses ko nang sagutin ko 'yon.
Nakagat ko 'yong ibabang labi ko dahil parang sasabog ang puso ko.
Kainis, nakakawala ng ganda ang pagiging heart broken, slash pala-asang frog!
"Ipinagpaalam na kita kay Claude, kailangan ko ng makakatulong sa pagsasaayos ng unit na nabili ko, pumayag naman siya." Masaya siya, buti pa siya. "Susunduin kita."
"Okay!" masiglang sagot ko, ayokong habaan baka mabasag lang 'yong boses ko, ayoko nga nang may nakakaalam kapag nasasaktan ako.
Nadaanan ko si Claude sa sala, nakatingin lang siya sa cellphone niya.
"Aalis muna 'ko,"
"Mag-ayos ka na rin ng gamit mo, pagbalik mo." Wala lang na sabi niya saka iniabot sa 'kin ang tseke nang 'di ako tinitingnan.
Nakatitig lang ako sa kanya. Tapos na 'yong trabaho ko? Pero hindi naman 'yon ang dahilan bakit pigil na pigil akong lumuha pero hindi ko 'yon mapigil talaga, nakakainis! Alam mo 'yong pakiramdam na parang may ginawa kang kasalanan pero hindi mo alam kung ano 'yon, at wala kang mahanap na sagot kung ano 'yon dahil kahit anong isip mo, alam mo na wala ka namang mabigat na nagawa para pakitaan ng ganito?
"Ma..maya na lang," tinalikuran ko siya.
Kaagad kong pinahid ang luha ko. Masisira ang kagandahan ko.
Hinintay ko sa gate si Ruki, dumating naman siya after twenty minutes.
Nakangiti siya kaya nangiti rin ako kahit pilit na pilit. Kinaya ko 'to noon sa unang boyfriend ko, tumagal pa kami ng two years, bakit hindi ko 'to kakayanin sa wala pang isang buwan na lalaking nakasama ko?
Pero gusto ko na siya, dalawang taon na!
"Tutulong din si Blue," si Ruki habang nag-drive.
"Mabuti naman, mas mapapabilis tayo no'n."
Bumagsak na talaga 'yong luha ko uli. Ilang beses ko 'yong pinunasan para 'di niya mapansin. Pero sa sobrang pagpipigil ko, hindi ko na kontrol ang sarili ko, parang sasabog na kasi 'yong puso ko, kaya isinubsob ko na 'yong mukha ko sa palad ko at malakas akong umiyak.
Hindi kumibo si Ruki. Nagpatuloy lang siya sa pagda-drive. Hindi siya nagtanong, nagpapasalamat ako ro'n.
Umasa kasi talaga 'ko. Ang paasa niya sa parteng 'yon, b'wisit siya! Nahalikan niya 'ko sa ibang paraan, nakuha pa niya 'yong harapan ko, at nag-iwan pa siya ng mga bite mark niya na sa dalawang taon ko sa first boyfriend ko, hindi nangyari, tapos, ganito lang? Walang proper explanation? Ba't di na lang niya sabihin na nakulangan siya sa size ng harapan ko, at gusto niya 'yong halos malulunod siya. Atleast kahit 'yon, 'di ba? May explanation! Hindi 'yong aabutan ka ng tseke at pauuwiin na!
![](https://img.wattpad.com/cover/32409788-288-k341265.jpg)
BINABASA MO ANG
My Devil Crush!( Renfield Syndrome )
General FictionHindi gusto ni Yuki na maging TEAM BAHAY at TEAM IYAK at TEAM ASA SA PHOTO NI BES para makita ang long time crush niyang si Claude. Kaya naman kahit maging muchacha nang isang 'di kilalang tao, ay nagpursige siyang puntahan, kahit pakiramdam niya ma...