"Hey, you are not that active today," puna ni Ruki nang nakangiti sa 'kin. Sanay siya na sobrang sigla ko kahit maaga pa.
Nangiti naman ako, kung alam lang niya kung bakit puyat na puyat ako! Kung hindi naman kasi sabik na sabik yata sa kahalikan si Claude at halos pamagain ang labi ko—pero mesherep nemen.
"Nakakapanibago ba?" dagdag ko na nginitian lalo siya.
"Hindi naman," hindi nawawala ang ngiti niya.
"Pasensiya na kayo sa kaibigan ko, ha?" kumilos na ako sa kusina. Nagkakape siya sa mesa roon.
"Buti pala pumayag si Claude na magkaro'n ka nang bisita, knowing him—"
Nilingon ko si Ruki, "Siya ang nagpapunta! Hindi ko nga alam diyan kay Claude kung anong saltik ba mayro'n 'yang lalaking 'yan!"
Natawa naman si Ruki, "Well, he's not easy to read honestly. Pero kung siya nga, for sure there's a reason behind—"
"Good morning, baby!"
Nabaling ang atensiyon ko kay Aoi.
"Good morning, baby!" Dali-dali ko siyang niyakap at nag teddy-bear hug kami. Ang bango-bango kahit wala pang ligo!
"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Ruki kay Aoi.
Nangunot ang noo ni Aoi, kaagad ding nakangiti, "May bago na 'kong mommy, Ruki," inakbayan ako ni Aoi.
"Oy, anong mommy!" natatawang reklamo ko.
"Si Ruki kasi ang mommy ko dati,"natatawang paliwanag ni Aoi.
Napapailing na lang si Ruki, nakasanayan niya sigurong tanong iyon.
"Don't worry, ako na bahala sa kakainin ninyo."
Tumango naman si Aoi, "Is there something I can do to help you?"
"No, kayang-kaya ko 'to. Maupo ka lang diyan."
"I'll make my own cup of coffee," nakangiting sabi ni Aoi.
Nangiti rin ako, "Sige, may gusto ba kayong breakfast food? Puwede naman din tayong umorder, puro frozen goods kasi madalas ang amin dito, alam ninyo na, bihira kasing kumain 'yong ibon kong alaga."
"I want pizza—"
"Blue, hindi puwede." Pigil kaagad ni Ruki.
Napasimangot si Aoi, "Yuki, puwede bang may sabaw?" inosenteng tanong niya sa 'kin.
"Sure, gusto mo ng cream and mushroom soup?"
"Yeah," natuwa na si Aoi. Medyo hindi pa ako sanay tawagin siyang Blue dahil as a band member, tinatawag siyang Aoi ng mga kasamahan, same as kaming fans ay gano'n ang tawag sa kanya. Pero ang Aoi ay Blue rin naman daw ang English trans.
"Hey, morning," bati ni Takumi. "Wow, what a nice smell—" lumapit siya sa niluluto ko hawak ang kinuha niyang bottled water, "Looking good, tingin ko kung mapapadalas akong narito masisira ang inaalagaan kong handsome and sexy body."
"Oh? Sa sexy ko na 'to tingin mo ba hindi ko pinag-aralan ang mga puwede kong ipakain sa 'yo na low carb?"
Nangiti siya sa 'kin, "Hey, how din you know I'm into low carb?"
"Madali lang sa 'kin iyon 'no—"
"Pero hindi ko naman 'yon ipinagsasabi."
"Napansin ko lang na palagi mong tinitingnan ang content sa likuran ng mga kinakain at iniinom mo and most of them, low carb ang nakikita kong iniinom at kinakain mo. Ganoon din kapag nakakain ka ng high carbs tuwing maliligaw ka rito ay mahabang exercise time ang ginagawa mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/32409788-288-k341265.jpg)
BINABASA MO ANG
My Devil Crush!( Renfield Syndrome )
General FictionHindi gusto ni Yuki na maging TEAM BAHAY at TEAM IYAK at TEAM ASA SA PHOTO NI BES para makita ang long time crush niyang si Claude. Kaya naman kahit maging muchacha nang isang 'di kilalang tao, ay nagpursige siyang puntahan, kahit pakiramdam niya ma...