MDC17: UNTIL WHEN?

7.6K 243 38
                                    

                                                          MY DEVIL CRUSH  17

"Good morning!"

Narinig ko ang boses ni Blue, hindi ko naman maintindihan ang sinasabi ni Ruki at Takumi pero sabay-sabay silang dumating. Pero hindi ko kayang salubungin sila dahil sinagip ko pa sa pagkakalunod ang cellphone ni Claude!

"Papatayin ako ni Claude!"

Naku naman! Napakamahal ng cellphone ng baliw na 'yon!

"Yuki, I'm hungry..." boses 'yon ni Aoi.

"Aoi, 'yong cellphone ni Claude!" umiiyak na ako sa sobrang takot kay Claude. Baka mabigwasan niya ako nang wala sa oras!

"Ano bang nangyari?" tanong ni Aoi, kasunod niya sila Ruki.

"Napakaaga naman ng ingay mo, Yuki!"

Si Claude! Si Claude!

"Claude," naiiyak ako.

"Ano bang problema?" sabay-sabay nilang tanong apat. Lalo akong naiyak. Pero ipinakita ko 'yong cellphone ni Claude. "N-nahulog sa tubig, Claude!"

"Sorry, hindi ko sinasadya! Babayaran ko 'yan, kahit anong kabayaran, babe! Sorry hindi ko sinasadya talaga, babe!" bumaba ako at ginapang si Claude, niyakap ko ang kanyang binti! "Sorry talaga, babe!" umangat ako para tingnan ang reaksiyon niya, sh-t! sh-t! B-baka manakmal ang nakabukol niya sa pantalon! Bumaba ako nang tingin... Hindi, hindi ko 'yon dapat tinitingnan.

"Hoy—"

Tumingala uli ako pero iyong bukol niya na naman ang sumalubong sa 'kin. T—ngina—m-malaki!

"Tumayo ka nga, akala mo 'di ko napapansin kung ano ang tinitignan mo."

Narinig kong natawa si Takumi.

Tumungo si Claude at alam kong tumama sa noo ko ang ahas niya!

Kinuha niya sa 'kin ang cellphone at ipinunas 'yon sa 'king damit.

"Maaga pa pero kung ano-ano na ang laman ng utak mo." Pinitik ni Claude ang noo ko.

"Wala akong tinitingnan! Kasalanan ko ba na ano 'yan!" namula ako.

Ipinakita niya sa 'kin ang cellphone niya, "Kailan ka ba ipinanganak?"

"Hindi nasira, babe?" takang tanong ko dahil umiilaw 'yon at maayos.

"Sabagay, 'yong sa iyo five minutes pa lang dead battery na."

"Hoy!"

Tumayo ako nang tumayo siya.

"Tara na nga at kumain!" si Takumi 'yon.

Tanghalian.

"Babe, kumain na tayo!" sigaw ko mula sa kumedro.

"Babe! Kumain na tayo!" inis na ulit ko. Pinatay ko 'yong TV.

"Puro kain na lang," tinatamad na sabi ni Claude.

"Aba, tamad na tama ka talagang kumain?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hindi ka pa ba sanay diyan?" natatawang sabi ni Ruki.

Naupo na kami sa dining table ng kumedor. Bukas naman ang T.V. Kumpleto kami ngayon. Nasa gitna namin ni Takumi si Claude. Si Ruki at Blue ay nakatalikod sa T.V.

tawag ko kay Claude na nasa sofa, pinatay ko yung TV niya, may tv naman sa kumedor doon na siya manood aksayado sa kuryente.Sumunod naman siya, kakain na kami ang ggwapo naman ng mga lalaking to kinikilabutan ako.Katabi ko si Claude kaya kami nakakapanood, si Takumi din napapagitnaan namin si Claude.

My Devil Crush!( Renfield Syndrome )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon