MDC9:YUMMY

6.1K 209 12
                                    


MDC 9: YUMMY

HINDI ko na siya inabutan sa tabi ko nang gumising ako. Napansin ko lang na nakakumot na 'ko na alam ko na hindi ko ginawang gamitin kagabi dahil nga mas mainit ang pakiramdam na katabi siya kesa mag-isa.

Naghanda na 'ko ng almusal, sumunod ang tanghalian. Pero parang 3:00 pm na hindi pa rin siya bumababa. Nasa k'warto niya siya dahil naro'n naman 'yong sasakyan niya.

Nagdesisyon na 'kong katukin siya sa k'warto niya. Kung 'di lang ako nasanay na may araw talagang halos 'di siya lumabas ng k'warto niya baka alalang-alala na 'ko ngayon. Pero ewan ko ba, strange 'yung feeling ko sa mga oras na 'to.

Ilang beses ko siyang binalikan sa k'warto niya pero wala talagang sumasagot. Tatawagan ko na nga si Ruki at Blue, sila lang may number ako sa mga kasamahan niya. Pero bago ko pa 'yon magawa may sasakyan na 'kong narinig kaya naman nagmamadali akong lumabas.

Ibinukas ko 'yong gate ng makita ko na si Takie 'yon, may kasunod siyang shihtzu. Iniwan niya 'yong sasakyan niya sa labas at sila lang 'yong pumasok sa loob. Ang meaty niya talaga. Pero bago pa 'ko makapagsalita, nauna na siya sa loob, deadma 'yong beauty ko?

Pumunta nga siya sa k'warto ni Claude ng 'di nagtatanong ng kahit na ano sa 'kin. Siyempre, sumunod ako, dahil kukutusan ko si Claude kapag pinagbuksan niya 'to ng pintuan at hindi ako—

May duplicated key, siya?! Hindi applicable sa kanya 'yong bawal pasukin 'yong k'warto ni Claude?!

Isang oras yata 'kong nakatayo lang do'n sa nakasarang pintuan. Hanggang magulat ako ng bumukas 'yon at lumabas si Takie, napatingin din siya sa 'kin, pero ngayon lang niya 'ko nginitian.

"Mabilis talaga siyang magkasakit," sabi niya.

Bakit hindi ko masabi sa kanya 'yon? Strange.

"Excuse," 'tinaas niya 'yong phone niya na nag-ring at kinausap kung sino man 'yon. Pababa siya ng hagdanan.

Bago ko sundan si Takie, sinipa ko 'yong pintuan ni Claude.

"Pabebe!"

Ipagluluto ko na lang siya kung may sakit siya. Nakatayo si Takie sa bukas na refrigerator habang may kausap. Balak niya rin magluto at alisan ako ng role?!

"Sa Sunday na lang, may sakit si Claude."

"Oo, palagi naman siyang may sakit, may bago ba do'n?"

Tumawa pa siya, "He's my first priority, I'm sorry..."

"Yeah, dito 'ko mag sleep over, kahit hindi naman ako makakatulog sa pagtingin sa kanya."

My ears! Hindi ko gusto kung ano 'yong tumatakbo sa isipan ko! Itong lalaking 'to kaya wala akong vibes ng kaharutan sa kanya, dahil siya ang karibal ko kay Claude, sila ni Suzy! Pero bakit mukhang siya ang tinawagan ni Claude para sabihing may sakit siya?

"Ako na 'yong magluluto," presinta ko.

Baka lamunin na siya ng ref, wala pa rin siyang maisip na gagawin. Kanina pa bukas ang ref.

"Thanks, ikaw muna rin ang tumingin kay Tiffi, hindi gusto ni Claude si Tiffi sa k'warto niya."

Naalala ko 'yong Shihtzu niya na nasa paanan niya.

Iniwan niya 'ko na malalim ang iniisip.

"Hey, may relasyon ba sila, Tiffi?!" duro ko sa aso na nakatingin sa 'kin. "Sumagot ka! May green blood cells ba sila?"

"Uror!" sagot ni Tiffi.

"Anong uror?!"

"Pati aso, pinapatulan mo,"

My Devil Crush!( Renfield Syndrome )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon