Minsan naman masipag ang GZ katulad nitong sumunod na araw—maaga silang umalis at hindi ko man lang naramdaman na nawala na sila, kompara noong mga naunang araw na kapag may pupuntahan sila ay daig pang hinahalughog nang demonyo ang bahay! Kasama rin ni Takumi si Tiffy, lagi naman, anak niya 'yon, eh.
"Wow, naman..." hindi ko napigil ang ngiti dahil nakahanda na ang breakfast ko.
Hindi ko alam sino ang nagluto sa kanila, wala na ring hugasan kaya naman masipag na sila para sa 'kin ngayong araw, hindi na tamad ang GZ!
Chineck ko ang cellphone ni Claude na ipinagpalit niya sa 'kin, halos umikot ang mata ko nang makita kong maraming missed call si Suzy. Hindi ko nga sinasabi kay Claude, hindi naman siya nagtatanong!
Nag vibrate naman ang cellphone ni Jammie sa bulsa ng short ko. Nangiti ako dahil internet load ang ibinigay ng beshy, Jammie ko.
"Thanks, beshy! Ilista mo muna sa tubig, ha?"
Tumatawag siya kaya nasagot ko dahil wala naman si Claude.
"Yuki!"
Halos magimbal ang mundo ko nang marinig ko ang sabay-sabay na hiyaw ng mga beshy ko, boses pa lang nila alam na alam ko nang kumpleto sila.
"Yuki, namimiss ka na namin, chikahan mo naman kami!"
Iyon na nga, nagkuwento na ako sa kanila dahil nagtitiwala naman ako at nakokonsensiya na rin lalo pa at itong mga lukaret na kaibigan ko lang naman ang karamay ko kapag kailangan ko. Nagtitili sila at halos paulanan ako ng loving mura dahil sa mga ikinuwento ko. Tuwang-tuwa naman ako na naiinggit sila, madalas kasi nila akong iniinggit kapag concert na! Ngayon, ako ang pinakalamang!
Nang matapos kaming mag-usap at nagkasundo na sikretong malupit 'yon, tumawag na ako sa bahay at bungad kaagad ni mama ang mga salitang...
"Aba! Nakita kita sa T.V, pero kahit piso wala kang maipadala! Ipagkakalat ko sa mga kapitbahay na muchacha ka no'ng singer na iyon at 'di sila dapat
pero ni piso wala kang maipadala.Ipagkakalat ko sa mga kapitbahay na muchacha ka lang naman nung singer na 'yon at hindi totoo na ikaw ang long time jowa niya!"
"Ano, ma?!" malakas na sigaw ko. "Anong long time jowa?"
"Aba, wala ka bang T.V. diyan? Usap-usapan ka sa mga balita 'no! Ikaw raw 'yong jowa no'ng Claude na 'yon na binabalik-balikan sa Pilipinas!"
Chismosa rin 'tong nanay ko, eh.
Pero si Suzy kaya 'yon? Noon pa may ganoon nang usap-usapan. Ibig sabihin ako ang napagkamalan? Dapat ba akong matuwa ro'n?
"Ano magpapadala ka na ba?!"
"Aba, parang death threat 'yan, ma! Pasalamat ka kinahuhumalingan nila ako dahil sa sobrang kagandahan ko! Saka ipakalat mo na jojowain ako ni Claude kasi napakaganda ko, 'wag kang magkalat ng pangit na news!"
"Good, madali ka naman pa lang kausap." Tila nag peso sign na ang mata ng nanay ko.
"Baka naman Yuki umuwi kang buntis dito at ginaya mo pa 'ko! Aba, malalagot ka talaga sa 'kin—"
"Mother, ang guwapo nila!"
"Putragis ka, Yuki!"
Natawa ako kasi mukhang nagalit siya talaga.
"Ayaw mo 'non? Guwapo ang ama, napakaganda ng ina, puwedeng artistahin ang anak 'di ba?"
Tila nakalma si ina.
BINABASA MO ANG
My Devil Crush!( Renfield Syndrome )
General FictionHindi gusto ni Yuki na maging TEAM BAHAY at TEAM IYAK at TEAM ASA SA PHOTO NI BES para makita ang long time crush niyang si Claude. Kaya naman kahit maging muchacha nang isang 'di kilalang tao, ay nagpursige siyang puntahan, kahit pakiramdam niya ma...