MDC11: RENFIELD SYNDROME

5.9K 222 10
                                    

Ginagamot ko 'yong ginawa ni Claude sa braso niya. Mawawala rin 'tong gawain niya na 'to, napipigilan niya 'to, tingin ko kung hindi naman siya makakaramdam ng nakaka-down na emotion, hindi niya 'to ginagawa.

Iniisip ko na 'tong Renfield Syndrome niya ay hindi pa gano'n kalala, sariling dugo pa lang niya ang iniinom niya? Hindi pa rin ako sigurado dahil tinikman niya 'yong dugo ko no'ng nakaraan. Nagsimula lang 'tong RS niya dahil sa isang traumatic experience.

Sa pagpapasok niya sa 'kin, alam ko na handa na rin siyang gamutin ang sarili niya, it takes time to heal, but atleast he's moving forward, if only I could stay with him... Magta-trabaho talaga 'ko at magpapa-promote para lumaki ang sahod ko at magawa ko siyang puntahan sa iba't ibang bansa.

"Isasama kita kahit saan ako magpunta. Sasama ka ba, sa 'kin, Yuki?" ang hinahon niya sa mga salitang 'yon.

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Isasama mo 'ko?" turo ko sa sarili ko.

"Sasama ka ba? tanong rin ang sagot niya.

"Claude, ano bang nararamdaman mo para sa 'kin? Iyong totoo, hindi ko naman kailangan ng sugar coated words—"

"I like you, Yuki. Special like?"

Natawa ko, "May special like pala?" tiningala ko siya.

Nangiti naman siya.

"I don't know if this feeling is considered love, but I want you by my side. I want you, mine. You're the only woman that I want beside me, everyday." Sa iba siya tumingin dahil mukhang hiyang-hiya siya.

"Mahal mo na 'ko, maniwala ka, ako talaga ang para sa 'yo," kinindatan ko siya nang binalingan niya 'ko nang tingin.

"Mukha ka na talagang palaka," Natatawang hinaplos niya ang ilalim ng mata ko.

"Ikaw ang may kasalanan kung bakit namamaga 'yong mata ko," ang liit na nga ng paningin ko. Ang sakit na ng mata ko. Pero gumaan naman ang pakiramdam ko.

"Kidding a side. H'wag mong pilitin na mahalin ako kaagad, chill ka lang, hindi pa tayo matagal na nagkakasama, marami ka pang time na maging heels over head sa 'kin," nginitian ko siya.

"Claude, babe. Hindi ka nag-iisa, kasama mo 'yong band mo, iyong family mo, at ako. At hindi kami mapapagod, lalo na 'ko, sobrang mahal na kita, e!" simangot ko. "Ang swerte mo, nagustuhan kita, ang daming tambay ang patay na patay sa 'kin sa lugar namin, tapos ikaw ang gusto ko kahit palagi kang may menstruation araw-araw."

Muli niya 'kong hinalikan sa labi, at mas malalim 'yon pero hindi naman nagtagal na.

Bitin!

Ngayon ko lang naramdaman 'yong feeling na masaya ko kahit hindi ako sigurado sa nararamdaman niya para sa 'kin, pero alam ko na sinusubukan niyang magtiwala sa 'kin, after all, hindi pa kami matagal magkakilala. Hindi gano'n kadaling magtayo ng mataas na tore ng tiwala sa loob lang ng isang buwan—it takes times. Mas magiging matibay ang tiwala habang tumatagal, iyon ang gusto ko, para naman hindi kami madaling masira ng kahit na ano pang problema.

Siguro, mas madali ko lang siyang minahal dahil noon pa man, attracted na 'ko sa kanya at ilang taon ko rin 'yong dinala. Pero alam ko na 'yong Claude sa poster at sa mga music videos, ang front niya, at itong nasa harapan ko ang totoong siya. Masaya 'ko na ipinakita niya 'to sa 'kin...

Tumatakbo ang panahon, katulad ng oras, hindi 'yon napipigilan ng kahit na sino. Kagaya nang 'di mo p'wedeng idikta ang pagdilim at pagliwanag ng kalangitan. Kalahati niya ang sumabay sa agos na 'yon, habang ang kalahati niya ay tinigilan nang oras, sa panahon kung saan nangyari ang pinakamasakit na bahagi ng buhay niya.

My Devil Crush!( Renfield Syndrome )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon