MDC 3: VUISITOR
Nananaginip ba 'ko? Siya ba talaga si Claude?
Tiningnan niya 'ko mula paa hanggang ulo habang nakataas ang isang kilay.
"Claude?" na-e-excite kong tanong sa kanya.
"Who are you?"
Grabe naman ang lamig ng boses niya lalo na 'yung kilay niya mas mataray pa yata sa kilay ko.
"Ako? Yuki," pati tagalog ko mali-mali na na sa sobrang starstruck.
Nakatitig lang ako sa mukha niya na parang manequin, katawan na hindi naman iyong nag uumapaw sa abs dahil slim lang pero iba ang appeal niya, nadaig pa iyong mga lalaki na naka-trunks sa boracay, bes!
"And then?" tanong pa niya na 'di pa rin ngumingiti.
Humalukipkip pa nga siya.
"And then?" Tanong ulit ko.
Ano bang dapat kong isagot? Ano ba! Nagba-blangko ang isipan ko!
"Stupid," bulong niya, iyon talaga ang narinig ko 'Stupid' kahit mahina pa 'yon!
"My maid?" 'di na siya ganoon kataray medyo bumaba na rin ang kilay niya.
"Y-Yes!" naumid ang dila ko doon.
Siya ba talaga si Claude? Kahit walang sweldo okay lang!
Kinikilig na 'ko, kinikiliti na 'ko ng imahinasyon ko na si Claude ang kaharap ko!
'Di ko maipaliwanag kung gaano ko masisiraan ng bait nito dahil gusto ko na mag headbang sa sobrang saya!
"Come in,"aniya, na nauna na sa loob ng bahay.
Hindi ko magawang i-appreciate ang buong kabahayan kasi sa likod niya ko nakatingin ang slim niya. Para siyang babae, kahit nakatalikod siya ang gwapo niya!
Siya na ba talaga si Claude? Ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?
Kumakabog nang husto 'yung dibdib ko, p'wede ko ba siyang yakapin at bigyan ng halik sabay takbo?
"Understood?" iritang hinarap niya 'ko.
May sinabi ba siya? Bakit may understood agad? Wala naman akong narinig? Ganoon ba 'ko kaabala sa pag-iisip kung siya si Claude at nabingi na 'ko?
"Ulitin mo na lang," Nginitian ko pa siya nang husto pero hindi niya pinansin ang ngiti ko.
Inulit na lang niya ang sinabi niya nang nakaharap sa 'kin kaya malaya kong namamasdan ang pagbuka ng manipis at mamula-mula niyang labi.
Pinagtatanggal niya 'ko ng mga sirang dahon ng halaman, pinagdidilig, pinaglilinis, maliban sa k'warto niya bawal pasukin, buksan, silipin, linisin panatilihin nakasara, tango lang ako nang tango at nananakit na ang leeg ko kaka-oo sa kanya.
"Claude?" subok ko kung siya nga 'yon, 'di pa nga bumubuka bibig niya grabe na ang kabog nang dibdib ko, excitement ba 'to o kaba na baka mali lang ako nang akala?
"You're mistaken, keep your nonsense question with yourself. Your voice is a li'l bit irritating so will you please speak when it's only needed?"
Naupo siya sa sofa. Nagdekwatro pa at kinuha ang isang magazine sa glass table. Parang gusto nang bumagsak ng panga ko dahil mukhang 'di ko gusto ang tinatakbo ng isipan ko. Miyembro ba siya ng pederasyon?!
Hindi talaga siya si Claude? Hindi talaga? Sa ganda kong 'to sinungitan niya?
So it means, talaga hindi babae ang tipo niya, kahit maghubad ako sa harap niya wala siyang pakialam at baka hambalusin pa niya 'ko?
BINABASA MO ANG
My Devil Crush!( Renfield Syndrome )
General FictionHindi gusto ni Yuki na maging TEAM BAHAY at TEAM IYAK at TEAM ASA SA PHOTO NI BES para makita ang long time crush niyang si Claude. Kaya naman kahit maging muchacha nang isang 'di kilalang tao, ay nagpursige siyang puntahan, kahit pakiramdam niya ma...