MDC 4: BOSS

8K 278 36
                                    

MDC 4: BOSS

Anong oras na wala pa rin siya? Ang hirap naman palang magka asawa ng famous 'laging wala! Makakaisang anak lang kami pag ganito siya ka-busy. Sayang naman ang kagandahan ko at kaguwapuhan niya kung 'di namin pararamihin.

Nakatanaw lang ako sa labas ng gate, ang daming stars nakaka-missed sa bahay na maingay na tila laging may giyera, kahit kasi magkakalapit kami kung mag-usap nagsisigawan. Malaki rin ng bahay na 'to. Kung palagi siyang wala, nakakalungkot.

Sana 'man lang dalawa kaming kinuha niya para may kak'wentuhan ako. Ang masama pa sa bahay na 'to walang kapitbahay, mamaya may magnanakaw at baka pag-fiestahan pa nila ang kagandahang lupa ko!

Papasok na sana 'ko sa loob nang makita ko na may papalapit na ilaw ng sasakyan. Nakumpirma ko na si Claude 'yon dahil iyon ang dala niyang sasakyan. Tumalikod ako at inayos ko ang buhok kong nakalugay, naglagay ng lipstick na mula sa bulsa ko, siyempre handa ako!

Ayan! may red lips na 'ko, Mwa-ha-ha-ha!

Haharap na sana ako sa kanya nang makarinig ako nang sunud-sunod na busina! Siste! Nahulog ang lipstick ko! Nakakainis naman tapos tila 'di mapakali at paulit-ulit pa rin ang pag-busina kaya halos takbuhin ko ang gate para ipagbukas siya.

Akala ko ba maid lang ako rito? Bakit parang pati pagiging guard trabaho ko rin?

Nag park na siya sa parking lot ng sasakyan. Napapikit ako nang makita kong nasagasaan niya 'yung lipstick ko, paking tape naman, oh! Five hundred bili ko do'n!

Bumaba na siya ng sasakyan, lalapitan ko sana siya pero sa pagsara niya ng pinto tila masisira na 'yon.n

"Sir, Claude!" energetic pa 'ko sa pagtawag sa kanya. Pero pag close na kami, sisingilin ko na 'yung five hundred kong lipstick! Walang crush, crush sa utang!

"Why?" malamig na tugon niya sa 'kin, nang lingunin niya 'ko.

Nakakunot pa ang noo niya pero mananatiling ang guwapo-guwapo niya.

"Ten minutes lang makakain ka na, iinitin ko lang ang baka," sa sarap kong magluto pati pangalan niya baka makalimutan niya.

"Baka?" siya.

"Baka, Cow?"

"Are you saying that I'm stupid?" galit niya 'kong hinarap.

Baka ang pinag-uusapan namin 'di ba? Totoo nga ata ang balitang nag droga 'to! Baka lang sinabi ko may pag 'stupid? Praning pala 'to, mukhang high na high pa.

"You said I'm stupid!" humakbang siya palapit sa 'kin.

Ano raw? Ang layo naman ng baka at cow sa stupid!

"Wala naman akong sinabing Stupid ka!" pinagdiinan ko pa yung stupid para madama niya.

Nangunot ang noo niya at nang tila may naalala, napailing siya at nangiti.

"Good night, Snow."

Napanganga ko dahil sa pagbabago ng mood niya.

"Hindi ka ba kakain ng baka na niluto ko?" medyo pasigaw 'yon dahil nasa hagdan na siya. Ang haba-haba kasi ng binti kaya ang bilis maglakad.

Nilingon niya 'ko, "I'm not eating meat, except chicken,"pagkasabi niya no'n nagtuloy na siya sa taas, diretso sa k'warto niya.

Halos lumaglag ang panga ko sa sinabi niya. Aba! Siya pala ang stupid pinahirapan ako magluto at maghanap ng baka na 'yan! Nakipagbungguan pa 'ko sa palengke tapos sasabihin niya na hindi siya kumakain ng meat except chicken?

Hindi ako papayag na hindi n'ya 'yon kainin! Pinasarap ko nang husto 'yon at halos ubusin ko ang gas para lang mapalambot nang husto, tapos aayaw siya? Kung saksakin ko kaya ng kutsilyo ang lalamunan niya?!

My Devil Crush!( Renfield Syndrome )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon