Chapter 47

61.1K 1K 198
                                    

Frances P.O.V.

Ilang araw pa din akong naconfine sa hospital pagkatapos kong magkamalay. Under observation pa daw ako sabi ni Dad, gusto lang nilang matiyak kung talagang Ok na ako.

Dinalaw din ako ni Matteo pagkatapos nya makarecover. Mabuti na lang at hindi din siya napuruhan sa aksidente. Pareho kaming swerte at himalang maituturing ang nangyari. Naareglo na din nina Dad ang may ari ng sasakyan na nabangga namin.

Nagpasalamat ako sa kanya pero humingi din ako ng despensa kasi dahil sa akin ay nadamay pa siya sa nangyari. Sabi nya ayos lang daw yun kasi nakita nya na naging maayos na kami ng parents ko at natutuwa naman daw sya at may magandang nangyari pagkatapos ng aksidente.

Pinauwi ko muna si Louise sa Manila dahil ayokong lumiban pa siya sa klase, ilang araw na din kasi syang absent sa kakabantay sa akin. Noong una ay ayaw nyang umalis pero dahil sa pagpipilit ko ay napapayag ko din siya. Basta daw lagi nya akong tatawagan at mag uusap din kami thru skype.

As for Migs, bumalik na din sya ng Manila. Laking tuwa ko nang nalaman na nakauwi na sya sa kanila at si Dad pa mismo ang nagpaalis sa kanya at nagsabi na wala ng kasalang magaganap pa sa aming dalawa.

Naging malamig pa din ang pakikitungo ko kay Mommy, siya ang nagbantay sa akin noong umalis si Louise. Up to now kasi ay hindi ko pa din matanggap yung nagawa nya, imagine pinilit nya akong ipakasal sa iba para lang malayo ako ng tuluyan sa mahal ko. Hindi ko pa din kasi lubos na maintindihan ang rason nya.

Si Dad ang madalas na kausap ko, medyo ok na din siya at nagpapahilom na lang ng sugat nya. He's under theraphy right now para makapaglakad na siya ulit. Kapag nakakapag usap kami ay pinapaliwanag nya sa akin na kaya lang daw nagawa ni Mommy yun ay dahil mahal nya ako. Maiintindihan ko din daw yung kapag dumating na yung time na maging ina na din ako. Pero sa ngayon ay talagang masama pa din ang loob ko sa kanya, alam ko naman na eventually ay mapapatawad ko din sya. Pero mas gusto ko kasi kapag nakipagreconcile na ako sa kanya ay yung totally nakamove on na ako.

May 1 buwan pa kami nanatili doon sa province bago na nila napagpasyahang bumalik ng Manila.

Ang laki ng tuwa ko ng makita ko ulit si Louise. Nakaabang na agad siya sa labas ng bahay namin at mukhang kanina pa siya nandoon. Alam nya kasi na ngayon na yung balik namin nainform ko na siya kagabi pa. Saglit lang naman ang byahe sa eroplano kaya halos wala pang 2 oras ay nandito na kami sa bahay.

"Mine!" patakbo syang lumapit at saka ako niyakap ng mahigpit.

Napangiti ako dahil halatang sobrang namiss nya ako, namiss ko din naman sya eh. Gabi gabi iniisip ko na sana dumating na yung time na ganito, yung makabalik na kami sa bahay at magkasama na uli kaming dalawa.

"I miss you..." bulong nya sa akin habang nakayap pa din.

"Namiss din kita" naiiyak na sabi ko. Ang tagal naming nagyakapan doon, parang wala isa man sa amin ang may gustong bumitiw.

"O tama na yan at pumasok muna tayo" si Dad pala kanina pa nakatayo sa likuran namin. Medyo maayos na syang nakakalakad pero mabagal pa nga lang at kailangan pa din na may nakaalalay sa kanya.

Mabilis akong kumalas ng yakap kay Louise at bumaling sa kanya "Haha sorry Dad" . Hinawakan ko yung kamay ni Louise at sabay na kaming pumasok sa bahay.

Kasunod namin sina Dad at Mommy tapos yung mga kasambahay dala yung mga gamit namin.

Pagpasok sa loob ay lalo akong natuwa, luminga linga ako sa paligid. Sobrang namiss ko yung bahay namin, paano naman ang tagal din namin nawala dito. Maayos at malinis pa din ang buong paligid wala pa ding pinagbago.

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon