Frances P.O.V.
Pagkatapos ng isang oras na pagstay sa hospital ay sa wakas ay hinayaan na din ako ni Migs na makauwi sa amin, pinahatid ako ng Mom nya sa driver nila.
Habang nasa byahe ay pumikit muna ako, hindi ko na tuloy namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay namin.
"Ma'am nandito na po tayo."
Dumilat ako at saka luminga linga. Nagpasalamat muna ako kay Kuya driver bago ako bumaba ng sasakyan.
Sinalubong ako ni Mommy pagpasok ko.
"How's Migs iha?"
Humalik muna ako sa kanya "He's ok Mom, he's already in the process of recovery."
"I heard he has amnesia?"
"Yes po, pero selective lang daw po sabi ng Doctor."
"Oh, poor Migs, tomorrow i'll visit him bago man lang siya lumabas ng hostipal."
"Ok po, aakyat na po ako, gusto ko na po magpahinga." paalam ko saka humalik ulit sa kanya.
Pagdating sa kwarto ay agad kong tinawagan si Louise.
isang ring lang ay sinagot nya na agad ito.
"Mine ang tagal mo." reklamo nya.
"Kakauwi ko lang Mine" sagot ko habang humihiga sa kama.
"Miss na kita..."
Napangiti ako "Ilang oras pa lang miss na agad?"
"Lagi ka na lang dun sa mokong na yun." halata ang selos sa boses nito.
"Mine...napag usapan na natin diba? Bukas pupunta ulit ako dun kasama si Mommy."
"Wala ka na time sa akin." this time nagtatampo naman sya.
"Promise ko kapag Ok na si Migs, babawi ako sayo. But this time please understand me." pakiusap ko sa kanya. Nahihirapan na din ako sa situation ko, pakiramdam ko ay nasa gitna ako ng naguumpugang bato.
Saglit natahimik si Louise sa kabilang linya.
I checked my phone kung naka call pa ba siya o nawala na siya sa kabilang linya.
"Mine?"
"Mine stay ka lang sa line hanggang makasleep tayo." sabi nya sa malambing na boses.
"Ok...I love you so much Louise." napangiti ulit ako, buti naman hindi na sya nagtatampo.
"I love you too.."
Unti unti ng bumibigat ang mata ko dahil na din siguro sa pagod at hindi ko na namalayan na nakatulog na ako habang hawak pa yun phone ko.
***************
Pag gising ko kinabukasan ay tinignan ko agad yun phone at nakita ko na lowbat na ito. Kinuha ko yun charger saka ito kinargahan.
Inaantok pa ako na naglakad papunta ng bathroom at saka naligo.
Pagkatapos maligo at magbihis ay bumaba na ako, naabutan ko yun parents ko na nag aagahan.
Lumapit ako sa kanila at saka humalik. Bago nagpaalam na papasok na.
"Hindi ka na kakain?" tanong ni Dad.
"Sa school na lang po." sagot ko at saka lumabas na. Sa school na ako mag breakfast kasabay ng girlfriend ko.
And speaking of Louise ay kinuha ko yun phone saka sya tinext na magkita kami sa may parking area para sabay ng kumain sa may cafeteria.
BINABASA MO ANG
My Ex-boyfriend's girl
Teen FictionFrances Montejar was determined to win back her childhood ex-boyfriend, Miguel "Migs" Fuentabella. But when Migs came back from the US, Frances felt surprised and dismayed because he came back with an excess baggage -- a new girlfriend, Louise Lavap...