Chapter 13

62.5K 1.5K 277
                                    

Frances P.O.V.

Maaga akong ginising ni Manang Lory kinabukasan, tamad pa ko bumangon.

Dumating na daw pla si Mom kanina at gusto nya sa sabay sabay na kami mag agahan.

Mabigat ang katawan kong bumangon, para akong zombie naglakad at kumilos.

Naghilamos, nagtoothbrush saka nagsuklay ng buhok. Nang Napansin ko na mas humaba na pala ang hair ko, naisip ko paputulan mamaya.

Pagbaba ko sa dining area ay naabutan ko sina Mom and Dad na sabay nag aagahan.

Tila meron silang masayang pinagkekwentuhan.

"Hi Dad, hi Mom." masayang bati ko habang naupo sa tabi ni dad (syempre Daddy's girl eh!)

Kumagat ako ng bacon habang nakikinig sa usapan nila.

"Iha alam mo ba nakauwi na pla ang Tito Bernard mo?" Baling sakin ni Dad.

"Hmmm tito Bernard?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo yun kababata ko taga kabilang bayan, kilala mo yun. Ang anak nya yun ang kasa kasama nyo maglaro nina Migs noong mga bata pa kayo." paliwanag pa nya.

Saglit akong nagisip? Kababata? Sino nga ba bukod kay...

Ahhh si Luis!

"Ah opo Dad naalala ko na po si Tito Bernard, kasama nya po ba si Luis?" Excited na tanong ko. After all these years hindi na maimagine na magkikita uli sila ni Luis. Ano na kaya itsura nya ngayon?

"Oo iha, kakabalik lang nila galing US to take care some business." sagot ni Mom.

"Naalala mo ba nun mga bata kayo, kung ano anong kalakohan ang ginagawa nyo, eto naman si Migs ay madalas umiiyak at nagsusumbong." natatawang kwento ni Mom.

Napatawa naman ako dun.

Paanong hindi iiyak si Migs nun eh lagi syang talo sa jack en poy para kunwari maging asawa ko.

Come to think of it nga naman, hindi pala si Migs ang 1st love ko.

It was Luis.

Pumalit lang si Migs nang umalis na sina Luis para magmigrate sa US.

Bigla tuloy ako naexcite makita siya ulit.

"Pupunta kaya sila sa birthday party ni Gov, later Dad?" Hopeful na tanong ko.

"I think so iha, sa pagkakaalam ko invited sila."

Napangiti ako ng malaki.

Nagmamadali ako magbreakfast at nagpaalam sa kanila pupunta pa ko ng parlor mamaya, gusto ko kasi new look ako pag nakita ni Luis.

Pagkaligo ko ay nagpasama na ko sa driver namin papuntang parlor sa may bayan.

Pinabawasan ko ng konti yun buhok ko saka pinalagyan ng style. Naisipan ko din palagyan ng hi lites.

Pagkatapos ko magpaparlor ay feeling ko lalo ako gumanda. Dali dali ako umuwi ng bahay para magprepare para sa party mamaya.

7pm daw yun party, meron pa ako 3 oras para mag ayos. Dumating na din make up artist na nahire ni Mom para mag ayos sa aming dalawa.

Nilagyan nya ako ng eyeliner, mascara, medyo dark color na eye shadow, blush on and red lipstick. Sunod nya na sana aayusin ang hair ko, kaso sinabi kong kakaparlor ko lang kaya nilagyan nya lang ng konting style yun hair ko na bagay naman sa red cocktail dress ko.

6:30 ay nakaayos na kami ni Mom, knowing Dad kasi ayaw kasi nun nahuhuli sa anumang event na pupuntahan. Sumakay na kami sa van bago dumaresto na sa venue.

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon