Chapter 37

45K 901 43
                                    

Louise P.O.V.

Pagdating namin sa loob ng bahay ni Frances ay umakyat na kami ng kwarto nya, tulog na ang mga magulang nya kasi ay late na din naman.

"Mine dito ka matutulog diba?" Hopeful na tumingin siya sa akin.

Napangiti ako "Oo Mine, tatawag lang ako sa amin para magpaalam."

Pagdating sa kwarto nya ay iniabot nya sa akin ang wireless phone nila 

"Call ka na." sabi pa nya.

I dialled our landline number sa condo at si Alexis ang nakasagot.

"Hello?" mahinang boses na sagot nya.

"Hey cuz...ok ka lang ba dyan?" mula ng makalabas ako sa ospital ako ay napansin kong naging sobrang lungkot ni pinsan, madalas nasa condo lang siya at nagkukulong sa kwarto nya. Actually last week lang sya lumipat sa unit namin, nagulat man ako ay hindi muna ako nagtanong.

Parang wala din naman kasi plano si Cuz na sabihin kung ano talaga ang nangyari sa kanila ni Jayden...yun chinitang kasama nya sa unit.

"Yeah...wala si Tito dito." maikling sagot nya.

"Ganun ba pakisabi na lang sa kanya na dito ako magsleep kina Frances." bilin ko sa kanya.

"Ok cuz ingat ka dyan.." sagot nya saka ibinaba yun phone.

"Si Alexis ba yun?" tanong ni Frances, magkatabi kami nakaupo sa edge ng kama nya.

"Yeah...nahihiwagaan ako sa nangyayari kay cuz Mine." pumaling ako sa kanya.

"Bakit? Dahil bigla syang lumipat sa unit nyo ng hindi sinabi kung anong dahilan?" Sabi nya sabay hinila ako pahiga sa kama nila. I kicked my shoes off bago ako umayos ng higa sa tabi nya.

"Yup, and ayaw nya ikwento kung anong nangyari dun sa chinita chick na kasama nya dati." sagot ko habang nakayakap na sa waist nya.

"You know what Mine, kaninang umaga nakita ko sa newspaper ni Dad yun nasa front page kamukha ng girl na nakita natin sa unit nya dati. Ewan ko lang din baka kahawig lang." sabi naman nya saka sumiksik sa crook ng neck ko.

"Kilala ko si Alexis magsasabi yan sa akin pag ready na siya."

Saglit na katahimikan ang namayani sa amin.

"Mine..?" Tawag ko sa kanya.

Pero sa halip ay mahinang hilik ang narinig ko. Napangiti ako habang tumungo at halikan sya ulo.

"Goodnight Mine." mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya saka ako pumikit.

**********************************

Kinabukasan pagmulat ng mata ko ay nakasmile na gf ko ang nabungaran ko.

"Good morning Mine.." bati nya saka ako kiniss sa pisngi.

"Good morning too Mine..bakit sa pisgi mo lang hinalikan?" I said pouting my lips.

"Haha syempre may morning breath pa tayo eh." natatawang sabi nya.

Ang ganda ganda pa din nya kahit bagong gising, ang fresh ng itsura kahit wala pang hilamos.

I caressed her face "Mine tinulugan mo ako kagabi." saka ko sya tinitigan.

Hinawakan nya ang kamay ko na nasa mukha nya saka nya hinalikan.

 "Sorry Mine ha napagod ako kagabi eh."

"Ok kaya pala."

"Alam mo ba napanaginipan ko yun mga nangyari kagabi." biglang nalungkot ang mga mata nya.

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon