Chapter 21

61.1K 1.2K 102
                                    

Frances P.O.V.

Pagkapasok namin sa loob ng resthouse nakahanda na yung lunch namin, nagluto sila ng sinigang na baboy at nag ihaw ulit ng fresh na isda. Nagdadala lagi ng bagong huling isda dito ang katiwala nila.

Tabi kami ni Migs naupo, habang si Louise katabi din ang mahaderang si Nathalie.

Habang kumakain napapasulyap ako kay Louise na deadma naman habang sumusubo lang, hindi man lang tumitingin sa akin.

Nakakainis. Samantalang kay Nathalie panay smile nya at usap nila.

Nang natapos na kami kumain nagkayayaan kami magvideoke sa entertainment room (yes may entertainment room ang resthouse, sosyal) ng resthouse.

May malaking flat screen tv dun at kumpleto sa equipment. May videoke player, meron din projector kung trip manood ng movies, may malaking speakers din nakalagay sa apat na corners ng kwarto.

Nagdala din sila ng chips, drinks, beer para may makain habang nagkakasayahan sa videoke.

As usual hindi na naman tumabi sa akin si Louise, medyo nag iinit na naman ang ulo ko kasi yun Nathalie na naman ang katabi nya.

May mahabang couch nakalagay sa center ng room, dun ako naupo at si Migs ay mabilis na tumabi sakin.

Unang kumanta si Tiff, ang napili nyang kantahin ay "This I promise you" ng N'sync. Habang kumakanta sya ay nakatitig sya kay Nathan, ang sweet ng dalawa maya maya ay nagkikiss.

Kami kaya ni Louise kailan pwede maging ganun? Parang malabo ata yun maging sweet kami kasama ang mga friends namin, nalungkot ako ng maisip ko yun.

Hindi ko namalayan na si Migs na pla ang kumakanta, kaya pala panay hiyawan nila kasi nakahawak pa pla siya sa kamay ko habang kumakanta ng "The man who can't be moved" ng The script.

Nakakatitig lang sya sakin hanggang matapos yun song. Hindi ko malaman ano ba dapat ko maging reaksyon, nafeel ko sa titig nya na mahal na mahal pa din nya ako.

Sobrang naguguilty ako kasi I don't want to lead him to something na alam ko na malabo ng mangyari...kasi iba na ang laman ng isip ko, iba na ang nagpapakilig sakin..iba na ang sinasabi ng puso ko.

Nagpalakpakan pa sila Amanda, Tiff at Nathan lalo na naka 100 ang score ni Migs.

Pilit lang ako nangiti, hindi pa din inaalis ni Migs ang pagkakahawak sa kamay ko. Hindi ko din tinanggal yun kamay nya, ayoko kasi mapahiya siya sa mga kasama namin at napakabait pa naman nya sakin.

Of course, alam na alam ko para kanina nya kanta yun, sinulyapan ko si Enzo habang kumakanta si Tracy. Kaso ang mokong busy pakikipagharutan kay Nathalie, super manhid talaga to si Enzo.

Nang matapos yun kanta nya, sa akin naman binigay yun mic. Naghanap ako sa songbook na magandang kantahin napili ko yung "Bakit hindi totohanin" ni Carol Banawa.

I was looking directly at Louise while singing, naramdaman nya siguro yun kaya napatingin din sya sakin.

Her gorgeous brown eyes were locked with mine..It was filled with so much emotions like I've never seen before..adoration, passion and .....love?

That very moment was so intense.

Ang puso ko parang sasabog na sa dibdib ko.

Nang matapos yun song saka lang natapos ang aming "titigan moment".. ang puso ko ayaw pa din bumalik sa normal na pagtibok nito. Napainom tuloy ako ng beer ng wala sa oras, napangiwi ako ng malasahan ko yun pait.

"That was good." nakangiting sabi ni Migs habang umiinom din ng beer.

"Thanks.." yun lang nasabi ko, parang wala pa din ako sa tamang wisyo.

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon