Chapter 43

36.5K 823 327
                                    

Frances P.O.V.

"Kakausapin ko si Migs." seryosong sabi ko at I'm sure madilim na ang mukha ko.

Pinigilan ako ni Louise pero inalis ko lang ang pagkakahawak nya sa braso ko saka ako nagmamadaling pumasok ng bahay nila para hanapin ang lalaki na yun.

Ilang sandali pa ay nakita ko sya sa may living room nila at kausap ang ilang kamag anak nila.

Lumapit ako sa kanya at saka bumulong "Migs, can we talk?"

Lumingon sya sa akin at biglang lumaki ang ngiti ng makita ako. Naasar ako kasi akala ba nya ay maloloko pa nya ako?

"Sure France."

Niyaya ko sya sa may area ng bahay nila na walang masyadong tao, tinulungan ko pa sya itulak yung wheelchair nya. Gusto ko na nga siya itulak sa damuhan sa sobrang inis ko pero nagpigil lang ako.

Pumunta ako sa harapan nya saka nanlilisik ang mata ko na tumingin dito .

"Totoo ba na wala kang amnesia?"

Natigilan sya at halatang nagulat sa sinabi ko, pero ilang sandali lang ay sumagot na din siya.

"France I'm trying to forget what i saw that night, gusto ko lang bigyan ka ng chance na magbago ang isip mo. Alam ko naman na phase lang yan nararamdaman mo kay Louise, mawawala din yan" he firmly said na lalong lang nagpagalit sa akin.

"What are saying??" hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Ano ang karapatan nya diktahan ang dapat ko maramdaman?

"Alam ko naguguluhan ka lang sa nararamdamam mo sa kanya, na marerealize mo din na ako talaga ang taong nararapat sa'yo"

"What??!!" pakiramdam ko nababaliw na si Migs sa pinagsasabi nya.

Hinawakan nya ako sa kamay saka tumitig sa akin.

"France i love you so much...tayo lang para sa isa't isa at hindi si Louise."

Asar na inalis ko yung kamay nya "Migs...ilang beses ko ba uulitin sa'yo ito, si Louise lang ang mahal ko at mamahalin ko wala ng iba pa."

Umiling siya "Nalilito ka lang sa nararamdaman mo sa kanya."

"Ganun Migs? Bakit mas ikaw pa ang nakakaalam sa nararamdaman ko kaysa sa akin? Alam ko na mahal ko si Louise...hindi ako naguguluhan, nalilito at lalong hindi ito phase. Please yan ang ipasok mo sa utak mo!" sabi ko habang naggigigil na sa inis.

Mula sa lungkot ay nakita kong napalitan ng galit ang expression ng mukha nya.

"Paano kung malaman ng magulang mo ang relasyon nyong dalawa, sa tingin mo ba papayag sila dito? Sa tingin mo ba hindi nila kayo paghihiwalayin?"

Ako naman ang natigilan sa sinabi nya, naanticipate ko na naman yun. Alam kong hinding hindi matatanggap ng parents ko ang relasyon naming dalawa ni Louise kapag nalaman nila.

"Problema na namin yun Migs, wag ka na lang makiaalam sa amin!" Asik ko sa kanya.

Hindi sya sumagot.

"Please lang, ayokong masira ang friendship nating dalawa. Hayaan mo na lang kami ng Louise."

Hinawakan nya ulit ako sa kamay, pero this time mas marahas.

"No France, hindi ka mapupunta kay Louise. Hindi mo sasayangin ang buhay at kinabukasan mo sa kanya!"

Pagkatapos nun ay binitawan nya na ang kamay ko at nagmamadali inikot na ang wheelchair nya paalis. Naiwan lang ako dun nakatulala at puno ng inis dito. Ang kulit nya kasi, ang hirap pakiusapan.

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon