Frances P.O.V.
"Seriously Frances, how do you feel na malapit na bumalik si Migs?" tanong ng bff ko na si Amanda habang inaayos ang buhok nito sa harap ng salamin. Kasalukuyan kaming nasa loob ng comfort room.
Nagpaalam muna kami sa teacher namin, sobra nakakabore na kasi sa klase. Lets just say ....Math lang naman ang least favorite subject naming dalawa ng bestfriend ko.
Saglit akong natigilan habang naglalagay ng strawberry flavored lip gloss at tumingin ako sa kanya mula sa reflection ng salamin.
"Honestly, hindi ko alam ang dapat ko maramdaman, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot..." matamlay na sagot ko.
Muli ay bumalik ang alaala ng huli naming pagkikita ni Migs.
-Flashback-
"France, para sa'yo din naman to. Ayoko matali ka sa isang relasyon na walang kasiguraduhan. Hindi ko alam kung kailan o babalik pa ba kami dito sa lugar natin.." malungkot na sabi ni Migs habang nakahawak sa kamay ko. Bakas sa itsura nya ang labis na lungkot at halatang naghihirap din ang kalooban.
Nakaupo kami sa labas sila ng bahay namin, sa may swing sa ilalim ng malaking puno. Tatlong araw na lang at aalis na ang pamilya nila Migs papuntang New york.
Halos maiyak iyak ako sa narinig. "No Migs! Sabihin mo nagbibiro ka lang!" masagang luha ang dumaloy sa pisngi ko.
We were both 15 during that time at 1st time lang namin magkakahiwalay sa buong buhay namin. Sanay ako na nandyan lagi si Migs pag kailangan ko...inaaliw ako kapag malungkot ako at tagapagtanggol sa mga nang aaway sa akin.
Kaya hindi ko malaman ang gagawin sa idea na aalis na siya ng tuluyan.
"I'm serious France.." si Migs lang ang inaallow ko na tawagin ako sa nick name na France, not even my friends, let alone my bestfriend Amanda..Si Migs lang ang may pahintulot ako,si Migs na mahal na mahal ko.
Tumalikod ang binata habang nakakuyom ang palad saka muling nagsalita "Ayokong.... " napabuntong hininga muna sya bago nagpatuloy "ayokong... matali ka sa akin, gusto ko maging malaya ka sa mga bagay na gusto mong gawin ng walang pumipigil sa'yo.." nakatungo ang ulo nito habang nagsasalita. Ramdam ko ang lungkot sa boses nya.
Tahimik pa din akong lumuluha, nakatakip ang dalawang kamay ko sa mukha habang humihikbi. Naiintindihan ko naman ang gusto iparating ni Migs, pero nasasaktan pa din ako...hindi ba pwede itry muna nila ang long distance relationship bago sya sumuko?
Hindi yun igigive up lang nya ng ganun ang lahat ng pinagsamahan nila.
Ang hina mo naman Migs! sigaw ng isip ko. Ang hina mo to give up on us without even fighting!!
Napalitan ng galit ang lungkot na nararamdaman ko kanina "I hate you Migs, I Hate you! Ayoko na sayo, ayokong makita ka pa!" nagbabaga sa galit ang mata ko, nababanaag ang sama ng loob.
Halatang nagulat si Migs sa narinig nya. Natulala lang sya napatingin sa akin, marahil ay hindi nya inasahan na sasabihin ko yun sa kanya.
Mabilis akong tumakbo papunta sa loob ng bahay at nagkulong sa kwarto ko. Kinakatok ni Migs ang pinto ng kwarto ko pero hindi ko na iyon pinansin...
Yun na ang huling araw na nakita kami ni Migs Fuentebella.
Bumalik ulit si Migs ng papunta na sila ng airport pero hindi ko na sya nilabas. Alam ko kasing masasaktan lang akong makita syang umalis.
Ilang araw din ako nagkulong sa kwarto. Hinahatiran lang ako ng pagkain ng kasambahay namin.
Maging ang mga magulang ko ay hindi na ako pinilit at inintindi na lang ang nararamdaman nya. Pagkatapos ng araw na yun ay wala na ako naging balita kay Migs..hanggang sa ngayon na lang ulit.
BINABASA MO ANG
My Ex-boyfriend's girl
Novela JuvenilFrances Montejar was determined to win back her childhood ex-boyfriend, Miguel "Migs" Fuentabella. But when Migs came back from the US, Frances felt surprised and dismayed because he came back with an excess baggage -- a new girlfriend, Louise Lavap...