Chapter 12

62.3K 1.3K 106
                                    

Frances P.O.V.

Saktong 4pm ay dumating na si Amanda.

Kakatapos ko lang mag spray ng cologne, kinuha ang bag ko, saka dahan dahang bumaba. Bawal pa din magmabilis baka sumakit na naman ang paa ko.

Ang suot ko now, cute baby pink blouse na may print ni spongebob sa unahan (sue me, love ko siya eh) and my J brand skinny jeans, nagsuot din ako ng white nike cap. Wala trip ko lang.

Pagkakita nya sa akin ay tumayo na siya saka kami lumabas papunta sa sasakyan nya (see ako lang ang walang driving license sa aming lahat) which is isang bagong bagong Audi spyder.

Ganda ng wheels.

Kaiingit. Ako kaya kailan bibilhan ni Dad ng kotse?

Amanda was wearing a yellow tank top and a black capri pants with matching black wedges. She looks good, ang mahaba nyang hair ay nakatali in a messy bun.

Pagdating namin sa mall ay inisa isa namin lahat ng stalls. Sinimulan namin sa 2nd floor hanggang sa 4th floor.

I decided na isang red cocktail dress na lang ang isuot, may design siya na mga beads sa may bandang dibdib at knee length ang haba nya.

Habang si Amanda naman ay isang black dress na medyo mababa ang cut sa unahan. Pagkabayad namin sa counter ay naisipan na namin kumain.

Nagcrave ako sa pizza kaya niyaya ko sya sa yellow cab. Inorder namin ay New york's finest na 18 inches and isang order ng alfredo. Imagine nyo na lang pano namin mauubos yun ng kaming dalawa lang..(pwede naman itake out diba?:)

Anyway, habang inaantay namin ang masarap na pizza ay tinanong ako ni Amanda "Girl kamusta na pala ang plano mo kay Migs? Malapit naba maisakatuparan?" Maisakatuparan talaga? Naks naman what a term Amanda.

"Hmmm yeah.." umilap ang tingin ko "Oo naman, bukas nga eh siya ang gagawin ko escort sa dinner party." sabay tumingin ako sa labas, pinagmasdan ang mga nagdadaan na tao.

Nang may bigla akong napansin na pamilyar na pigura.

Nakatalikod siya pero alam ko siya yun, yun shoulder length hair na may curls sa dulo. Hindi ako pwedeng magkamali.

May kausap syang babae, pero ang babae sweet nakahawak sa kanya.

Nakaharap sa akin yun babae kaya nakita ko ang mukha nya, maganda at mukhang mestisa, ang sexy din ng suot na short shorts na maong.

Pero mas nakapukaw pansin sakin ay ang closeness ng katawan nila habang naguusap.

Nag init bigla ang ulo ko.

Mga taksil!

How dare she?!

Lagot sakin ang babae na yan pag nakita ko sa Monday.

Niloloko nya si Migs.

Pero teka... yun nga lang ba ang ikinagagalit ko?

Oo yun lang. period!

"Frances ok ka lang ba?" Agaw pansin sakin ni Amanda. Hindi ko napansin nakasimangot na pla ako habang nagbabaga ang tingin ko sa mga 'taksil' sa labas.

Nakatalikod siya sa labas kaya hindi nya nakikita ang tinitignan ko. Akmang lilingon siya, marahil susundan ang tinitignan ko nang biglang "New york's finest for Amanda." sabi ng crew, nandun na pla yun pizza namin.

Tinaas ni Amanda yun kamay nya para makita sya at mabilis naman lumapit.

Parang biglang nawalan ako ng gana, paglingon ko ulit sa labas wala na sila doon.

Nakakainis talaga, panira ng mood. Haliparot na babae. Makikita mo, makakatikim ka talaga sakin. Nagngingitngit na sabi ko sa sarili ko.

"Ano ba nangyayari sayo, parang bigla ka nawala sa mood?" nagtatakang tanong ng BFF habang nagiislice ng pizza sa plate nya.

"Wala naman girl, medyo napagod lang.." palusot ko. Buti na lang hndi nya nakita si Louise at yun kasama nyang makating babae kanina.

Nagyaya na din ako umuwi pagkatapos namin kumain.

Wala na ko sa mood na mag gala pa.

Hinatid ako ni Amanda sa bahay, dire diretso lang ako umakyat sa kwarto ko.

Ibinaba yun paper bag sa study table ko, saka nag bath at nagtoothbrush.

Nakakainis talaga. Paano nya nagawa yun? Makikita nya sa monday gigyerahin ko talaga sya.

Kung makapulupot yun babaeng makati sa kanya, akala mo sawa.hmmp!!

At gustong gusto naman nya kasi hindi nya inaaalis.

Nakakapagselos.

Selos talaga Frances?? At bakit ka naman magseselos huh??

Ah ewan ang sakit sa ulo.

Oh well matutulog na ko, may party pa ko pupuntahan bukas. Need mag beauty rest.

Itutulog ko na lang to.

Goodnight!

__________________


Highblood much Frances? Hehe

-Sointoyou06

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon