---Ang simula---
"Move!" malakas na sigaw ni Frances habang nagmamadaling hinawi ang mga estudyanteng nakaharang sa kanyang dinadaanan.
"What the..?!" Sasagot pa sana ang isang girl na naitulak nya, ngunit nang mapagsino kung sino siya ay tahimik na hinila ang kapwa estudyante saka sila tumabi sa gilid ng hallway.
Well, sino ba naman ang hindi mangingilag sa isang Frances Montejar? She's the Brentwood High's popular Queen bee. She's pretty, rich, powerful ...and a total bitch.
Her family is the reigning political dynasty in their town at bukod dun ay pag aari nila ang Brentwood High, kaya sino nga naman estudyante ang nasa tamang pagiisip ang gugustuhin bumangga sa kanya.
Because practically, she ruled the school.
Natanaw na ni Frances ang pinto ng cafeteria at marahas na binuksan ang main door.
Biglang natahimik ang maingay na cafeteria na puno ng estudyante, ang lahat ng mata ay napatutok sa napakagandang nilalang na mabilis na naglalakad palapit sa 'popular table'.
Lahat ng mga mata ay mababanaag ang paghanga. Her dark brown waist-long hair long, hour glass figure, flawless white skin and with deep brown piercing eyes.
She looks so edible in most guys lustful eyes... may sumipol pa hindi nakapagpigil, pero ng tinitigan ni Frances ay natarantang nagtago sa likod ng kanyang kapwa estudyante.
In their 'popular table' kabilang ang mga pinakakilala at pinakamayayang estudyante ng Brentwood High.
Nandyan si Nathan, mula sa pamilya ng mga doktor at may ari ng pinakamalaking hospital sa kanilang bayan at sya ang captain ng basketball team.
si Amanda, anak ng kilalang business tychoon, ang co-head cheerleader, of course Frances as the head cheerleader.
Kasama din nila sina Tiffany at Tracy, ang kambal na anak ng kilalang mag asawang lawyers, may ari din ng malaking law firm.
Lastly si Enzo, ang anak ng pangalawang pinakamayaman na haciendero sa kanilang lugar at kilalang "bad boy" ng eskwelahan.
"Hi babe, aga aga mukhang mainit ang ulo natin ah?" nagpapacute ang ngiti na bati ni Enzo. Alam ng lahat na may malaking pagkakagusto si Enzo kay Frances. Pero hindi pinapansin ng huli ang nararamdaman nya. Bukod dun ay intimidating din ang dating ni Frances, tipong alam mong mataas ang standard, kaya di maiiwasan mangilag sa kanya ang ibang kalalakihan na gusto mang manligaw sa kanya.
"May nasagap kasi akong balita." nakasimangot na sabi ni Frances habang umuupo sa tabi ni Amanda, na nuon ay kumakain ng tuna salad with ceasar dressing for lunch.
"What's that girl?" Curious na tanong naman ni Tiffany.
Bumuntong hininga muna si Frances bago sumagot "Babalik na pala dito si Migs..".
Mabilis na napatayo si Tiffany at hindi makapaniwalang tumingin kay Frances "Migs as in Juan Miguel Fuentebella, as in your Ex?!" Exaggerated pa na sabi nito.
Curious na napatingin sa kanila ang ibang estudyante, bakit naman kasi ang OA ang reaksiyon nitong si Tiff?
Tinignan lang ni Frances ng masama ang tsismosang estudyante at mabilis pa sa alas kuwatro na bumalik ang attention nila sa pagkain.
"Yeah, sya na nga." napayuko na sabi nya habang nilalaro ang kutsara sa kamay nya.
"That jerk? Akala ko matagal na sya nabaon sa yelo ng New york?" tatawa tawang sagot ni Enzo, kaso bigla sya siniko ni Amanda kaya biglang natahimik.
"Wow, it has been like what? 2 years na ba mula ng umalis ang pamilya nya papuntang US?" Komento naman ni Nathan habang sumubo ng malaki sa kinakain nyang shawarma. May naiwan pang sauce sa bibig nito.
"Eww gross!" sabi ni Frances sa sarili nya ng mapasulyap sya kay Nathan. Palibhasa malaking tao kaya ang laki din ng subo.
Yes, Juan Miguel Fuentebella was her ex-boyfriend and also her childhood sweetheart. Sabay sila lumaki at nagkaisip, malapit na magkaibigan kasi ang pamilya Fuentebella at Montejar.
Pagmamayari ng pamilya nina Migs ang pinakamalaking sakahan sa kanilang lugar, meron din silang malawak na manggahan.
Doon sila madalas maglaro ni Frances noong mga bata pa sila, kasama ang isa pa nila kalaro na si Luis. That cute boy with dimples, saglit na napangiti si Frances ng maalala nya yun.
Madalas na nagbabahay bahayan pa sila tatlo noong mga 4 years old pa lang sila. Pinag aagawan sya nina Migs at Luis kung sino ang magiging asawa nya. Pinagjajack en poy na lang nya yun dalawa, para manahimik. Kung sino ang manalo sya ang tatay.
Si Luis ang madalas manalo kaya laging luhaan si Migs noon.
After a year umalis ang pamilya ni Luis nagmigrate na sa ibang bansa kaya lagi ng masaya si Migs at nasolo na nya si Frances, hangang sa lumaki na sila at naging magkasintahan.
Naputol lang ang pagbabalik alaala nya nang muling magsalita si Tiffany. "I thought stay na sila sa US for good?" Nagtatakang tanong nya.
"Baka nagsawa na sila sa US kaya babalik na uli dito sa Pilipinas" si Amanda na sumagot while checking her newly manicured nails.
"No, I heard his grandfather is sick daw.." sabat ni Tracy na nakaupo sa dulong upuan.
"Oh I see, kaya pla bigla mapapauwi ang buong pamilya." sabi ni Tiff sabay kiss kay Nathan, magboyfriend ang dalawa..Mga 2 years na din ang relasyon nila. Naalala ni Frances ang naiwang sauce ng shawarma sa labi ni nathan na ngayon ay dinilaan ni Tiff.
"Eww gross talaga to dalawa na to kahit kailan." naisip nito while mentally rolling her eyes.
Dati kasi ay nahuli silang dalawa sa girls comfort room na may ginagawang kababalaghan habang puno ng chocolate sauce si Tiff, kung bakit sya ganun...ayaw na malaman pa ni Frances.
Sa kanilang grupo, sina Tiff at Nathan ang pinakawild at masyadong affectionate sa isat isa. kabaligtaran naman ni Tracy na may pagkaconservative at tahimik. Samantala may pagkasnob at bitchy naman ang bestfriend nyang si Amanda. Habang si Enzo ang takaw gulo at napakaplayboy, papalit palit ng girlfriends.
Naputol lang ang usapan nila ng tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang tanghalian.
Sabay sabay na silang tumayo, tumabi pa sa kanya si Enzo saka umakbay. Hinayaan na lang ni Frances ang sweet gesture na yun, sabagay good catch din naman si Enzo.
He's ruggedly handsome with his sexy messy hair and boyish smile. Kaya madalas sila napagkakamalan magkarelasyon ni Enzo, at ang tinatawag na "it couple" kasi they really look good together, they compliment each other..The school's "bad boy" and the school's Queen bee....perfect combination ika nga nila.
Pero sa grupo nila, alam nilang lahat ang real score.
Mabilis na nahawi ang hallway na nadadaanan nila, of course, dadaan ang mga Royalties. Walang sino man sa buong Brentwood High ang gusto nasa "bad side" sila ng Royalties.
Yun last na napaginitan nila ay ang pobreng estudyante na si Ely. Dating boyfriend ni Tracy, kaso ng nahuli nilang niloloko si Tracy.
Bugbog sarado kina Nathan at Enzo, isang buwan nanatili sa ospital bago napatalsik pa sa Brentwood at hindi na nagawa pang maghabla sa takot sa babanggain nya.
Kaya simula nun nobody wanted to mess up with then, kasi naman..para ka na din naghukay ng sarili mong libingan.
BINABASA MO ANG
My Ex-boyfriend's girl
Fiksi RemajaFrances Montejar was determined to win back her childhood ex-boyfriend, Miguel "Migs" Fuentabella. But when Migs came back from the US, Frances felt surprised and dismayed because he came back with an excess baggage -- a new girlfriend, Louise Lavap...