Chapter 48

3.5K 66 1
                                    


Frances P.O.V.

Kinabukasan maagang maaga pa lang ay dinaanan na ako ni Louise sa bahay, napag usapan kasi naming mag jogging kami ngayon.

Suot ang running shoes at pink Nike tempo track shorts at top ko ay bumaba na ako ng bahay, nagtext na kasi sya na on the way na daw sya.

Naabutan ko ang parents ko sa ibaba na nag aagahan. Lumapit ako sa kanila at bumati.

"Magjogging lang po kami ni Louise." paalam ko sa kanila.

"Ok anak see you later." sabi ni Dad. Nagkiss ako sa kanila bago na ako lumabas ng bahay. Sakto kakapark lang ng kotse ni Louise paglabas ko. Lumapit agad ako sa kanya.

"Mine good morning." bati nya pagkababa ng sasakyan. Nakasuot sya ng blue Adidas striker shorts and also blue training tank top.

"Mine...you look hot." puri ko and she kissed me sa cheek.

Nagsmile sya "But not as hot as you." sabay tingin nya sa katawan ko.

Natatawang kinurot ko lang sya sa pisngi "Tara na nga." aya ko. Nagstretching muna kami bago namin sinimulan ang pagtakbo.

Dito lang kami mag jogging sa park malapit sa subdivision namin.

"May premyo ka kapag mauunahan mo ako." naghahamon na sabi nya sa akin. Sheez ang yabang palibhasa alam nyang kahit anong gawin ko ay hindi ko sya maaabutan. 

Ang bilis kaya nyang tumakbo kasi napaka athletic nya. Varsity player pa din siya ng volleyball sa UP.

"Hmmp yabang ah kala mo mauunahan din kita!" saka ko binilisan ang pagtakbo ko. Nakauna ako sa kanya ng konti.

Tawa lang sya ng tawa sa akin at bago ko pa namalayan ay nakita ko na lang na nauna na syang tumatakbo sa akin.

Whoa! Paano nya nagawa yun?? Ang daya daya nya talaga nagmamaktol na sabi ko. Pinilit kong binilisan ang takbo ko pero hindi ko kaya, nagsisimula na akong hingalin. Grabe naman.

Lumingon sya sa akin habang nakangiti ng pang asar.

"Bwisit!" sigaw ko.

Pagliko namin sa corner ay nakatingin pa din sya sa akin --- pero pareho kaming nagulat nang nakita ko na merong bumangga sa kanya na isang babae na mabilis na tumatakbo.

"Oh shit!" narinig kong sigaw nun girl at saka sila sabay na natumba ni Louise. Mabilis akong lumapit sa kanila at pareho silang tinulungan na tumayo.

"I'm sorry" sabi nun girl na may Australia accent pa yung pagkakasabi nya.

"It's ok.." todo smile naman si Louise sa kanya, paano dang ganda nun girl na mestisa tapos ang sexy sexy pa. naka sports bra kaya sya at exposed yung abs at flat stomach nya.

Pasimple kong kinurot si Mine ko na nakalimutan na ata na nandito pa ako.

"Ouch!" OA na sigaw naman nya saka tumingin sa akin, pinanlakihan ko sya ng mata kaya wala sya nagawa kung hinid magkamot sa ulo.

"I'm sorry ha, may hinahabol lang kasi ako.." hingi nya uli ng paumanhin habang nakatingin sa likuran namin. Hinahanap nya siguro yung sinasabi nya na hinahabol daw nya.

"Ok lang miss ingat ka na lang next time." ako na ang sumagot. Asar na hinila ko si Louise palayo sa kanya.

Nang makalayo na kami dun sa girl "Ikaw Mine ha tutusukin ko na yang mata mo!" pagtataray ko sa kanya. Nakakainis, nagawa pa nyang magflirt dun sa girl na yun kahit kasama pa nya ako. Paano na lang kung hindi diba? Panigurado nakipagkilala na siya dito.

"Mine naman.." sagot naman nya at hahawakan sana ako sa kamay, mabilis kong iniwas yung kamay ko. Inis pa din ako sa kanya!

"Sorry na please.." malambing na sabi nya uli, this time ay yumakap pa siya sa akin.

Tinulak ko sya pero hindi malakas "Eww ano ba pawisan ka na."

Biglang nag iba yung expression ng mukha nya, parang biglang nagtampo.

 "Ganun? Nandidiri ka na sa akin kasi may pawis ako?"

"Oo kaya wag mo akong yayakapin!" tumalikod na ako at saka nagsimula uling tumakbo. Dun na siya sa girl na mestisa at sexy na yun!

At nung akala ko na nakakalayo na ako sa kanya ay nagulat ako ng may biglang humila sa akin papunta sa gilid ng park. Sisigaw sana ako pero mabilis nyang natakpan ang bibig ko.

Pagtingin ko ay si Louise, mukhang galit na din sya. Aba sya pa ang may ganang magalit ngayon!

"Mine please huwag ka ng magalit. I said i'm sorry Ok" sabi nya habang unti unting inaalis ang pagkakatakip sa bibig ko.

Nakayakap sya sa waist ko na halos magdikit na yung mga katawan namin. Mabuti na lang at maaga pa dito at konti lang ang taong nagjojog sa area.

"Nakakainis ka kasi!" singhal ko sa kanya. Sa totoo now na lang uli ako nakaramdam ng selos, last na yung sa malanding si Nathalie.

"Kaya nga nagsosorry na ako, promise hinding hindi na ako titingin sa iba." sabay taas pa ng isang kamay nya.

Medyo nakalma ako ng makita ko yun sincerity nya "Promise?" tanong ko.

"Promise cross my heart, hope to die." may pa effect pang nagsign ng ekis sa tapat ng puso nya.

Natawa na ako habang hinawakan ko yung kamay nya para ibaba. Hindi na ako nakapagpigil ay niyakap ko sya ng mahigpit.

"I love you so much Mine..." bulong ko.

"I know, obvious naman na patay na patay ka na sa akin." sabay tawa pa nya ng malakas.

Inis na kumalas ako ng yakap sa kanya "Ang kapal mo na ngayon ha!" singhal ko ulit. Kukurutin ko sana sya kaso mabilis na syang nakatakbo palayo.

"Catch me if you can!" sigaw nya mula sa malayo. Rinig ko pa yung malakas na tawa nya mula dito sa kinakatayuan ko.

Hayyz kakainis kana Louise ka!

Habang nakatanaw ako sa kanya ay pakiramdam ko ay wala na ata akong mahihiling pa sa ngayon.

I got all i need now. Masaya kami ni Louise at kahit paano ay tanggap na din ng parents namin yung relasyon namin.

And who would have thought na maiinlove ako sa dating girlfriend ng ex-bf ko? Madalas ay mapaglaro talaga ang tadhana...oh well not that i'm complaining though :)

Nagsimula na din akong tumakbo ng mabilis para habulin sya. Lagot sa akin ang babae na yun kapag naabutan ko sya!

_________________________

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon