Chapter 30

47.3K 1K 31
                                    

Frances P.O.V.

"Leila??" Magkahalong takot at pagtatakang naibulalas ko. Ano ang ginagawa ni leila dito? Bakit sya may dalang baril? Paano nya nalaman nandito kami. Ang daming tanong ang naglalaro sa isip ko.

"Yes ako nga Montejar, buti naman naaalala mo pa ako? Your nemesis! Alam mo ba dahil sayo nagkahiwalay kami ni Marco?!"

Galit na sigaw nya habang nakatutok pa din ang baril sa akin. Oh my gosh balak nya talagang barilin ako.

"Leila please put down your gun pagusapan natin 'to." sabi ni Louise na bakas din ang takot at pagkabigla sa kanyang mukha. Ilang hakbang lang ang layo nya kay Leila. Tila nais nya na ito lapitan pero nagaalangan siya dahil sa armas na dala nito.

"You shut up Lavapiez!" Baling ng attention nya kay Louise habang galit na winawagayway ang baril.. saglit na itinutok kay Louise ng napansin nya na hahakbang ito palapit sa kanya. Tumigil sa paglapit si Louise habang nakataas ang dalawang kamay.

"Because of your sweet little girlfriend over here..because of her I'm so fuckin' miserable right now!" Sigaw nya habang ibinalik ulit ang pagkakatutok ng baril sa akin.

Parang estatwa akong nakatayo sa pwesto ko. Hindi ako makagalaw, naninigas na sa takot. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa pangyayari.

Makikiusap ba ko? Magtatapang tapangan? Mukhang wala na din sa tamang uliran si Leila. Malikot ang mata, magulo ang buhok pati ang damit nya tila ilang araw nya na suot, madumit na ito.

"So kayo dalawa masaya habang ako nagdurusa?! Hindi ganun yun Montejar, dapat pareho tayong magiging miserable!" nababaliw na turan nya maya maya naman ay tumatawa.

Halos maiyak na ko sa takot ng mga oras na yun.

Nanginginig ang boses na nagsalita ako "Hindi ganun yun Leila, may chance pa din kayo ni Mr. Agustin alam ko mahal ka nya." pangungumbinsi ko sa kanya, kailangan ko lakasan ang loob ko. Hindi ako dapat panghinaan.

"Stop that bullshit!" Sigaw nya na halatang hindi kumbinsido. Lalong hinigpitan nya ang hawak sa baril. Sa kanyang mata mababakas ang matinding galit sa akin dahil sa nangyari sa kanila ni Mr. Agustin. Ako ang sinisisi nya sa paghihiwalay nila at pagtapon sa kanya ng magulang nya sa probinsya.

"Iniwan na ako ni Marco, pinili nya ang pamilya nya at nagpakalayo layo. At dahil sayo yun! Thanks to you Frances ..iniwan na ako ng nagiisang taong nagmamahal sa akin!!" Sa pagitan ng sigaw ay sumisilip ang luha sa kanyang mga mata. Medyo nakakalma na sya.

Dahan dahan nya ibinaba ang baril na kanina ay nakatutok sa akin. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, ang kanina'y pagkapoot ang mababakas sa mukha nya ngayon ay napalitan ng lungkot at pangungulila.

Sinamantala ni Louise yun "Marami nagmamahal sayo Leila, nandyan ang mga kaibigan mo...ang pamilya mo." sabi nya bago sya dahan dahan lumalapit dito. Tila tinatanya pa nya kung kaya nya ng talunin si Leila.

"Wala...wala ng nagmamahal sa akin iniwan na ako ng mga plastik kong kaibigan, iniwan din nila ng nalaman nila ang nangyari..mga wala silang kwenta!! maging mga magulang ko itinapon nila ako parang basura, itinuring nila ako kahihiyan!" nang maalala ang ginawa ng magulang sa kanya ay biglang bumalik ang galit sa mukha nya, nagbabaga ulit ang mga matang tumingin sa akin.

Dahil sa tatakbo sa susunod na election ang ama ni Leila ay malaking kahihiyan at pagkasira sa pangalan nga naman ang eskandalong pinasukan niya.

"Ikaw! Lahat nasa yo na..meron kang kaibigan, pamilya na nagmamahal sa'yo at si Louise! Dapat sa'yo mawala, hindi ka nababagay mabuhay. Isasama kita sa impiyerno!" saka itinutok na ang baril sa akin at akma kakalabitin ang gatilyo.

My Ex-boyfriend's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon