AFTER 6 MONTHS
MALAKI ang ngiti ni Cess nang abutan niya ito sa boutique nang umagang iyon. Kakaiba ang aura nito, at tila may nagbago rito – ah, pinagupitan nito ang hanggang-baywang na buhok, at pinakulayan iyon.
"'Lookin' great," bati niya sa kaibigan. Inilapag niya ang mga dalang gamit sa ibabaw ng mesa at agad na nagtungo sa workshop. Kasunod niya roon si Cess na maganda pa rin ang ngiti.
"Thank you," masaya nitong sabi. "Anyway, may dalawang breakfast meeting ka ngayon, isang 8:30, at isang 10 am. Then, lunch with Mr. Cobarrubias at 2 pm and dress rehersals for the fashion show at 5 pm," nakangiting sabi ni Cess habang hawak ang isang maliit na notepad.
Tumangu-tango lamang si Anne habang inaayos ang mga naka-display na accessories doon sa mannequin. "So Cess, how have you been?"
Natigilan si Cess. "I-I'm good. Bakit?"
"How are you and...Cesar?"
Hindi nakaligtas sa mga mata ni Anne ang pamumula ng pisngi ng kaibigan. Bahagya siyang natawa.
"A-ano ba 'yang sinasabi mo? E okay naman kami, lagi naman kaming okay."
"Oh come on, I know everything, Cess," abot-tainga'ng ngiti niyang sabi. "I've never seen him this excited for a girl for a long time."
Kiming napangiti si Cess at naupo sa upuang nasa harap ng mesa niya. "M-may sinabi ba siya sa'yo?"
"Marami. But to cut the story short, he likes you. A lot," natatawa niyang sabi. Pero noon pa man, pansin na ni Anne ang lihim na pagtingin ni Cess kay Cesar at siguro nga, kinailangan lang na alagaan iyon para tuluyang mahinog. "I'm happy for both of you, Cess. Sabi ko na nga ba noon pa, kayo talagang dalawa ang bagay sa isa't-isa e. Pareho kayong grabe magmahal."
"Sus, akala mo siya hindi."
Natawa silang dalawa dahil doon. "Kaya nga mag-best friend tayo, hindi ba?" sabi pa niya. "By the way, are you set for Vigan next month?"
"Ha? Bakit? Anong meron?"
"Hindi ka pa nagbubukas ng email?" Naupo na siya at nagsimula nang harapin ang mga papeles na nakatambak sa kanyang mesa. Tiningnan niya si Cess at kinunutan ng noo. Napailing si Anne at may kinuha sa loob ng bag. Isa iyong maliit na envelope na kulay light brown. "Nothing formal. Sa vacation home nina West."
Nanlaki ang mga mata ni Cess nang mabasa ang laman noon. "Anne! Ikakasal na kayo? Bakit parang ang bilis naman yata? Buntis ka ba?"
Malakas ang naging tawa niya. "Of course not! E bakit pa ba patatagalin, doon rin naman ang punta noon."
"Kung sa bagay. Sa dinami-rami ng pinagdaanan ninyo, dapat nga noon pa kayo ikinasal." Nakatingin pa rin si Cess sa hawak na imbitasyon na para bang hirap na hirap siyang basahin ang kakarampot na detalye'ng nakasulat roon. "Wow, may vacation home sila West sa Vigan?"
Tumangu-tango siya. "Apparently. I've seen the pictures and it's amazing."Isang two-storey old-fashioned stone house na pagmamay-ari ng pamilya ng yumaong ama ni West. Bihirang-bihirang gamitin iyon ng pamilya at madalas ay pinapaupahan na lamang sa mga kakilala na gustong magbakasyon doon. After seeing the pictures of the place for the first time, Anne immediately felt that it was perfect for their wedding and the honeymoon.
~~
"I COULD sit here with you forever."
Inakbayan siya ni West bilang pagsang-ayon sa sinabi niyang iyon. Nakaupo sila sa wooden bench na nakaharap sa palubog na araw. Mataas ang kinalalagyan nila, nanunuot na sa kalamnan ang lamig na dulot ng hangin. Mula roon sa viewdeck ng bahay bakasyunan nina West ay tanaw nila ang maliliit na ilaw ng buong siyudad.
BINABASA MO ANG
When Anne Meets West Again (ebook under PHR)
Romance(RAW/UNEDITED) released in digital form by Precious Hearts Romances Bilang isang matagumpay na accessory designer sa bansa, wala nang mahihiling pa ang isang tulad ni Anne Natalie kundi ang makawala sa mga alaala ng isang lumang pag-ibig. At ngayon...