Chapter 10

3.5K 54 13
                                    

RESORTS WORLD MANILA, 1 AM

AND then it was over. Anne was so relieved that Santi Arcega's by-invitation fashion show has finally concluded. Halos isang taon rin niya iyong pinaghandaan kaya naman laking pasalamat niya nang sa wakas ay natapos na iyon. The event was followed by a vibrant party at the pool deck.

Sa buong okasyon, hindi mapigilan ni Anne ang tumingin-tingin sa paligid. Punung-puno ng iba't-ibang klase ng tao ang lugar – artista, designers, politicians, photographers, mga elitista, modelo at iba pa. Pero hindi siya interesado sa mga iyon.

Isang vintage at classy lace gown ang suot ni Anne Natalie nang gabing iyon. It was made of satin and ivory fabric, strapless, with a black flower-patterned lace overlay. A grosgrain ribbon is bow-tied in the waist area, which accentuates her curves more. She indeed looked like a runway model with her noir stilettos and black satin clutch which she designed herself.

Muli, inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar. Halos lahat ng tao roon ay kilala niya, pero wala ni isa sa mga ito ang gusto niyang makita. Naroon si Cess na abala sa pakikipag-usap sa mga dati nilang naging kliyente, na kanina pa siya tinatanaw, ang kanyang mga kasama sa design school sa New York, si Oren na masayang nakikipaghuntahan sa mga kaibigan nito. At si Cesar, na mas piniling makasama siya nang gabing iyon kaysa sa out of town trip nito kasama ang pamilya.

Tiningnan ni Anne si Cesar na noon ay abala sa pakikipag-usap sa mga ka-trabaho nito at kaibigan. Mabuting tao si Cesar, hindi lamang ito magalang sa kanya kundi maging sa ibang tao. At minsan, hindi niya maiwasang isipin na bakit nga ba hindi niya mapilit ang puso na tumibok para rito?

Naging matagumpay ang event ng gabi'ng iyon. Her designs and creations received fantastic response from everybody and she's confident that her collections will be sold out in a matter of days. At dapat ay masaya siya para sa sarili dahil ang uri ng tagumpay na tinatamasa niya ngayon ay pangarap ng lahat ng tulad niya. Pero hindi. Para bang isa lamang iyong ordinaryong gabi, parang katulad lang ng mga nakaraang parties and fashion events na dinaluhan niya kung saan kailangan niyang makipagplastikan sa mga taong hindi niya gusto. Pero iyon na ang buhay niya, iyon ang ginusto niya kaya wala na dapat siyang inirereklamo pa.

"So, are you happy now?"

Nilingon iyon ni Anne at nakita niya si Cess na dala ang dalawang baso ng red wine. Inabot nito ang isa sa kanya bago naupo sa kanyang harapan. She looked lovely with the haltered black chiffon dress. Her 4-inch red stilettos made her look just like a runway model.

"Guess not," sabi pa nito, iiling-iling. "This was supposed to be your happiest day, Anne but look at you, para kang pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura mo dahil kay Cherrie Smith, hindi ba?"

"Oh Cess, please."

Umiling ito at natawa. "Huwag mo 'kong ma-Oh Cess please, oh Cess please, Anne Natalie. Ano ba kasi talagang balak mo?" Sa pagkakatao'ng iyon ay mahina ang pagkakasabi nito dahil may mga taong parating. Kimi itong ngumiti sa kanila at ipinagpatuloy ang paglalakad. "Dahil kung sasabihin mo sa akin na tinulungan mo si Cherrie sa modeling career n'ya just because of your kind heart, I don't buy it."

Inubos ni Anne ang laman ng baso at kumuha ng isa pa sa dumaang maliit na waiter sa harap nila. "Then don't," natatawa niyang sabi.

"Hindi ko na talaga alam kung ano ang tumatakbo diyan nasa utak mo. You became so unpredictable eversince you saw West again. You've already seen them together, at obvious naman na masaya na siya kay Cherrie. So what else are you trying to do?" mariin nitong tanong.

Sa totoo lang, hindi talaga niya alam. Napailing siya dahil kahit siya sa sarili niya ay hindi niya alam ang sagot. Nang makasama niya sina West at Cherrie sa dinner ilang buwan na ang nakararaan, pinilit niyang magpakatatag pero sumuko rin ang puso niya pagkatapos. Mahirap pala, nasabi niya sa sarili, na makita ang mahal mong may kasamang iba. Kailangan na ba niyang sumuko?

When Anne Meets West Again (ebook under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon