Chapter 4

2.6K 60 0
                                    

AFTER THREE YEARS...

MATAGAL-TAGAL na ring nakatanaw sa labas ng bintana ng kanilang mansion si Anne at mula sa kanyang kuwarto sa ikaalawang palapag ay tanaw niya ang mangilan-ngilang sasakyang dumaraan, mga bata'ng nagbibisikleta at ilang ibon na dumadapo sa sanga ng malaking puno sa di kalayuan.

Binuksan niya ang malaking sliding glass door at doon sa terasa ipinagpatuloy ang pag-inom ng kape. Maganda ang sikat ng araw, masarap sa pakiramdam ang hampas ng hangin. Pang-ilang beses na nga ba niyang ginagawa ang ganoon bago pumunta sa kanyang boutique? Ilang bukang-liwayway na ba ang nakararaan mula nang muli siyang makabalik ng Pilipinas?

Tatlong buwan na rin simula nang makauwi siya mula sa tatlong taong pamamalagi sa New York at mas matagal pa roon niya pinipilit ang ama na makabalik na sa sariling condominium unit. It's not that she didn't want to live with her parents but she missed her freedom. Noong nasa New York siya, puwede siyang pumunta kahit saan, kahit kailan niya naisin pero ngayong nakabalik na siya sa Pilipinas, kailangan pa siyang ihatid at ipasundo ng kanyang ama sa boutique araw-araw.

Ilang sandali pa ay narinig niya ang katok sa pinto at ang pagbukas niyon.

"Anne Natalie, kanina ka pa hinihintay ng Daddy mo sa ibaba," seryoso'ng sabi ng kanyang ina. Matangkad itong babae, kasing puti niya, kasing ganda. Pareho rin silang mahilig itali ang mahabang buhok. Kamukhang-kamukha raw niya ito, mula mahahabang legs, hanggang sa mapupulang labi, at mapuputi at pantay-pantay na ngipin. Bago ito maging Mrs. Purificacion Lagdameo-Claveria, kilala ito bilang isa sa mga sikat na modelo sa bansa.

"Ihahatid niya ako?" tanong niya rito, isang tanong na alam naman niya ang sagot. Dala ang kape, muli siyang pumasok sa loob ng kuwarto at isinara ang pinto. Kinuha niya ang mga gamit sa kama at pagkatapos ay humalik sa pisngi ng ina.

"Of course."

"But mom, I can actually drive myself to the boutique," nakasimangot niyang sabi.

Iling lamang ang itinugon nito. Ilang beses na siyang nagsabi sa mga magulang na kaya naman niyang pumunta sa boutique nang mag-isa pero ilang beses ring tumanggi ang mga ito, lalo na sa ideya niya'ng magmaneho ng sariling sasakyan. Hindi na siya nakipagdiskusyon pa dahil alam niyang wala rin siyang mapapala. Sinabayan siya ng ina sa pagbaba sa malawak na hagdan at nakita niya mula roon ang kanyang ama, nakangiti.

"Good morning my baby, how are you today?" tanong ng kanyang ama matapos siyang halikan nito sa pisngi.

"I'm fine, Dad."

Yeah, his dad still calls her 'baby', though she's already twenty-four. Matangkad ito sa kanya ng tatlong pulgada, mestizo, medyo maputi na ang buhok, ang bigote at ang balbas.

"Headaches?" tanong nito na matamang nakatingin sa kanya.

Umiling siya.

"Nausea?"

Muli, umiling siya.

"Fever?"

At umiling siyang muli. Kasunod nito si Nanay Biring, ang kanilang mayordoma. Hindi pa siya ipinapanganak ay naninilbihan na ito sa kanilang pamilya at parang lola na rin ang turing niya rito. Dala nito ang mga gamit ng kanyang amang doktor, maganda ang ngiti nang salubungin siya. Halos puti na rin ang buhok nito at mayroon nang linya ang mukha.

"Have you been taking your medications?"

"Yes, Dad." Bumuntung-hininga si Natalia.

"Good, very good."

Sabay nilang binuksan ang magkabilang pinto ng kotse, at sabay silang nagpaalam sa ina. Bumaba na sila sa malawak na hagdan patungo sa itim na kotse na nakaparada sa tapat ng kanilang malaking pinto. Bumuntung-hininga si Anne. Ganito na lamang ang eksena nilang mag-ama sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

When Anne Meets West Again (ebook under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon