Chapter 11

1.7K 34 10
                                    


"BABY, are you okay?"

Ngumiti lamang si Anne bilang tugon sa tanong ng ama at hinalikan ito sa pisngi. Nadatnan siya nitong nag-iisang nakaupo doon sa kanilang hardin, nakatanaw sa malawak na kalangitan. Hindi siya makatulog dahil sa mga nangyari, at dahil sa labis na pag-aalala. Gustuhin man niyang puntahan si West sa tinutuluyan nito para makausap ito at makumusta, hindi niya nagawa dahil siguradong naroon ang nobya nito at ayaw na niyang makagulo pa. Sinamahan siya nina Cesar at Cess buong gabi, at sila na rin ang naghatid sa kanya sa bahay. Malaki ang pasasalamat niya sa mga kaibigan, lalo na kay Cesar na hindi pa rin nagsasawa na damayan siya, kahit pa ilang beses na itong nabigo nang dahil sa kanya.

"No more headaches?"

Umiling siya. "I've been taking my meds, Dad."

"Pero hindi ka pa rin makatulog?" tanong nito sabay upo sa tabi niya. "It's almost dawn. Masyado kang napagod sa event ninyo kagabi, dapat nagpapahinga ka na ngayon. And you've been killing yourself with work. Nag-aalala na ang Mommy mo sa iyo. May problema ba?"

Humilig siya sa balikat nito. "I've done bad things, Dad. Terrible things."

"How terrible?" tanong nito sabay harap sa kanya. "Drugs? Nakapatay ka ba, anak?"

Natawa siya dahil alam niyang nagbibiro lamang ang ama. "M-may mga tao po akong nasaktan."

"Hindi mo naman siguro sinasadya na saktan sila, hindi ba?" Inakbayan siya nito at nakitingin na rin sa kalangitan.

"That's the worst part, Dad. Sinadya ko silang saktan."

Napabuntung-hininga ang doktor. "Is this about the nurse?"

Muli siyang napaharap rito. Simula noong magkahiwalay sila ni West ay hindi na siya nagbanggit pa tungkol dito sa kanyang mga magulang dahil natatakot siya sa maaring maging reaksiyon ng mga ito. "Paano ninyo-"

"Nasabi na sa amin ni Cess ang tungkol sa kanya noon pa. Alam namin na pinupuntahan mo siya noon sa Tagaytay at doon ka galing noong naaksidente ka pabalik ng Maynila."

Agad na nangilid ang luha ni Anne, lalo pa nang maalala niya ang mga nangyari.

"Kaya kami nagalit nang husto sa nurse na 'yon noon. Dahil sa kanya, nanganib ang buhay mo at muntik ka nang hindi makalakad. Siguro naman, naiintindihan mo kami kung bakit gano'n na lang ang pagtanggi namin na magmaneho ka ng sarili mong kotse."

Dahil sa sobrang sama ng loob ay nagmaneho siya pababa ng Maynila kahit pa sa gitna ng napakalakas ng ulan. Kinailangan siyang dumaan sa maraming surgical procedures, treatments at therapies bago tuluyang muling makapaglakad nang maayos.

"Noong sinabi sa amin ni Cess na nakita mo uli siya, gusto kitang komprontahin at pagsabihan pero ang sabi ng Mom mo, hayaan ka na naming gawin mo ang kung ano mang makapagpapasaya sa iyo...at ang nurse na iyon ang magpapasaya sa'yo, tama ba?" mahinahon nitong sabi.

Hindi napigilan ni Anne na yakapin ang ama bilang pasasalamat. She's never been close to his Dad at mabibilang lamang sa daliri ang mga pagkakataon nilang nakakapag-usap sila nang tulad nang ganito. "Thanks, Dad."

"Siya ba ang sinasabi mong nasaktan mo ngayon?"

Marahan siyang tumango. "Dahil sa mga ginawa ko, alam kong nasaktan ko siya at ang girlfriend niya. And I meant it to happen, Dad. I wanted it to happen. Galit na galit ako sa kanya na gusto kong maramdaman niya 'yung sakit na naramdaman ko noong naghiwalay kami."

"Pinagsisisihan mo ba 'yung ginawa mo?" pagkadaka'y tanong ng kanyang ama.

"Y-yes...no...I don't know."

Ang ama naman niya ang natawa at muli siya nitong inakbayan. "Anak, talagang mayroon tayong mga bagay na nagagawa kapag nagmamahal tayo. Kahit pa nga alam nating makakasakit tayo ng iba, wala na tayong pakialam kasi nga, nagmamahal tayo. Ang importante, alam nating nakasakit tayo at pinagsisisihan natin kung ano man ang nagawa natin. You may not be able to undo all those bad things that you've done, but still, you can ask forgiveness."

Kung maaari lang sana, gusto niyang baguhin ang lahat. Siguro, hindi na lang niya tinulungan si Cherrie sa modeling career nito at hinayaan na lamang niya si West na maging masaya sa piling nito.

But the damage has been done. Her decisions and actions created a chain reaction, which lead to what she was feeling now – guilt and emptiness. And she's got to do something about it.

~~

When Anne Meets West Again (ebook under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon