Chapter 7

2.4K 49 0
                                    

"I BROUGHT you something," masayang bati ni Anne kay Doc Orencio sabay taas sa hawak na isang kahon ng paborito nitong chocolate cupcake.

"It's only Tuesday, dearie, ano'ng ginagawa mo rito?" nakangiting tanong ni Doc Oren nang makita nito si Anne sa pinto ng clinic nang araw na iyon. "Teka, ako ba talaga ang pinuntahan mo o may gusto kang makita?" Tumayo si Oren at binuksan agad ang dala niya. Medyo gabi na noon, at kalalabas lamang ng huling pasyente nito para sa araw na iyon.

"Gusto lang talaga kitang bigyan ng cupcakes, masama ba 'yon?"

"Ito ba talaga ang dahilan kung bakit ka narito?" balik tanong nito. Wala pang isang minuto ay naubos na ni Oren ang isang malaking cupcake, at kumuha agad ng isa pa. "O isang nurse?" kumikindat-kindat na sabi ni Doc Oren.

Alam niyang namula ang buo niyang mukha, na hindi nakaligtas sa mga mata ng pinsan. Inirapan na lamang niya iyon dahil ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol doon. Mula sa pagkakatayo sa harap ng mesa ay naupo siya sa mahabang upuang kahoy para sa mga pasyente. "Ang totoo, ito ang dahilan kung bakit kita pinuntahan. Naisip ko baka interesado ka." Iniabot niya ang isang maliit na itim na envelope sa pinsan.

"Oh my! Santi Arcega Fashion Event!" Pasigaw na sabi ni Oren. Agad nitong binuksan ang sobre at binasa ang detalyeng nakasulat sa itim na papel na naroon.

"That VIP invite entitles you a backstage pass to meet Santi in person!" nakangiti niyang sabi.

Halos mapatalon si Doc Oren sa narinig. Ang pagiging fashion designer kasi ang isa sa mga pangarap nito sa buhay at si Santi Arcega ang isa sa mga idolo nito. "You are an angel, Anne!" Niyakap siya nito nang mahigpit. "Naku dearie, ano ba ang need mo? Sabihin mo lang, ibibigay ko! Gusto mo'ng malaman ang schedule ni nurse West sa ospital? Kung ano'ng oras siya pumapasok at umuuwi, ang cellphone number niya, kung saan siya nakatira?"

"O-of course not!" natatawang tugon ni Anne. Umiling-iling lang siya, kahit pa nga gustong-gusto talaga niyang kunin ang numero ng binata at malaman ang schedule nito at kung saan ito nakatira. Muli, hindi niya napigilan ang pamulahan ng pisngi lalo na nang maalala ang nangyaring halik sa pagitan nila West kahapon. Natawa naman si Doc Oren dahil doon, at tila kinilig rin.

Sa totoo lang, ang binata talaga ang dahilan kung bakit siya naroon sa ospital ngayon. What happened to them yesterday was magical, but awkward at the same time, lalo na nang biglang dumating si Cesar sa eksena. She didn't know how to react on the situation kaya naman wala siyang nagawa kundi ang magsinungaling at ipakilala si West bilang isang ordinaryong nurse na ipinadala ni Doc Oren para sa kanyang check-up at ngayon, sigurado siyang sasama ang loob ni West dahil doon.

Ano na nga ba ang mangyayari? Ano na nga ba ang susunod na mangyayari pagkatapos ng lahat? Hinalikan siya ni West at tinugunan niya ang bawat halik nito. Imposibleng walang ibig sabihin iyon...o wala nga ba?

Pagkatapos maubos ang mga nakapilang pasyente sa clinic ay magkasabay na silang lumabas ni Doc Oren ng clinic. Madilim na noon at maraming tao sa lobby. Hinatid siya ng pinsan sa labas ng ospital at sinamahan siya nito sa paghihintay sa driver niya.

"Natawagan mo na ba si Mang Ben?" tanong ni Doc Oren nang ilang minuto na silang naghihintay ay hindi pa rin dumarating ang driver ni Anne.

"Yeah, I've been calling him pero hindi sumasagot," pagsisinungaling niya. Ang totoo, hindi pa niya tinatawagan ang driver dahil ayaw pa niyang umuwi. "You go ahead, hihintayin ko na lang siya rito."

"Are you sure okay ka lang dito?"

Tumango siya. Muli niyang tiningnan ang kanyang cellphone at nagkunwari'ng nag-text roon. Nagulat pa siya nang bigla siyang kilitiin ni Doc Oren sa tagiliran. Sinundan niya ng tingin ang ininguso ni Oren. Si West ang tinutukoy nito, na galing rin sa loob ng ospital at palapit sa direksiyon nila. Pipigilan sana niya ang pinsan pero kinawayan na nito ang binata.

When Anne Meets West Again (ebook under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon