Chapter 5

2.4K 53 0
                                    

MALAPIT nang dumilim nang magsimula na silang magligpit ng mga gamit. Pawala na rin ang mga batang nakapila at ang mga naroon na lang ay silang mga organizers, doctors at nurses. Sa kabuuan, naging matagumpay ang medical mission at kung si Anne ang tatanungin, ito na marahil ang pinaka hindi niya malilimutang medical mission sa buong buhay niya.

To see West face to face after a long time was something she never expected to happen, at least not in this lifetime. Oo, maraming beses na niyang napanaginipan ang tungkol doon pero hindi niya inaasahan na mangyayari nga. Kaya naman sobra ang naging kaba ng dibdib niya nang mamataan niya itong palapit nang nagliligpit na sila ng mga gamit.

And for Anne, that certain moment went slow motion. 'Yung parang sa mga pelikula...'yung tipong hinahangin ang buhok nito, kasama ng mga glitters at confetti habang naglalakad palapit sa kanya...

Pero totoong buhay iyon. Nagtulung-tulong ang grupo ni West na buhatin ang mga kahon ng gamot at iba pang ginamit nila para dalhin sa van. Nakatanaw lang siya habang abala ang mga ito, umaasa na lapitan siya nito at kausapin o kahit kumustahin man lamang, pero hindi iyon nangyari. Lumayo ito nang ganoon lang, nang walang sinasabi at hindi niya alam kung lalo siyang maiinis rito dahil doon.

"Oh my! Paano ba ito dearie Anne, may emergency sa ospital, hindi kita maihahatid," nakasimangot na sabi ni Oren sa kanya nang naroon na sila sa parking area ng orphanage at handa nang umuwi. Nakatingin pa rin ito sa hawak na cellphone.

"Don't worry, I'll be fine. Magta-taxi na lang siguro ako," sabi niya.

"Loka, as if papayagan kitang mag-isa!" sagot nito sabay labas ng dila nito. "Tawagan ko na lang si...no, wait, nevermind!" hindi naituloy ni Doc Oren ang sasabihin nang matanaw nito si West sa di kalayuan.

Wala na siyang nagawa nang kawayan iyon ni Doc Oren. Hinintay nila ang binata hanggang sa makalapit sa kanila. Alanganing ngiti naman ang sinalubong nito.

"West, may emergency kasi ako sa ospital and my cuz here needs a ride home. Okay lang ba kung isabay mo na si Anne?"

"S-saan po ba?" tanong nito pagkaraan ng halos isang minutong pag-iisip. Tinanong nito iyon nang hindi sa doktor nakatingin, kundi kay Anne.

"Sa The Draft, Makati area," nakangiting sagot ni Doc Oren.

Agad niya iyong sinalungat. "H-hindi na, cuz. Kaya ko namang umuwi mag-isa," todo tanggi niya habang nakakapit sa braso ng pinsang doktor.

Umiling ito nang maraming iling at pagkatapos ay kumindat sa kanya. "No way! E di ako ang nalagot sa Dad mo at kay Governor!"

Tatanggi pa sana siya pero tumango na si West. Hindi niya alam kung taos iyon sa puso o dahil wala na itong pagpipilian kundi ang tumango. Nagsimula nang sumakit ang kanyang tiyan dahil isipin pa lang niya na makakatabi niya si West sa isang sasakyan ay kakaibang kaba na ang nararamdaman niya – dahil sa napakaraming bagay.

"O sige, cuz, mauna na ako ha, text mo 'ko kapag nakauwi ka na, okay?" Isang halik sa pisngi ang ibinigay nito sa kanya. "At ikaw, West dearie, take good care of my cousin, okay?" baling naman nito kay West, na nginitian lang ng huli.

Ilang sandali lamang ay nagpaalam na si Doc Oren sa kanya at medyo nagulat pa siya nang makita si West sa tabi ng kotse nito, handa nang buksan ang pinto niyon para sa kanya.

At may kotse na ito ngayon?

Nang makapasok siya sa loob ay mabilis itong lumigid at pumasok na rin sa sasakyan dahil nagsimula nang lumakas ang patak ng ulan.

~~

WALANG nangahas na magsalita sa kanilang dalawa. Mabuti na siguro ang ganoon, naisip ni Anne, kahit pa gusto niyang magtanong ng maraming tanong. Tahimik lang siya, tahimik lang rin si West. Pareho silang nakikiramdam sa isa't-isa, kapwa naghihintay kung sino ang unang magsasalita.

When Anne Meets West Again (ebook under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon