Chapter 10

990 14 0
                                    


REESE

Marami na ang lasing. We had some fun through the bon fire. Nagsisibalikan na sila sa cottages. Bukas sa Bora naman.

Naiwan kami ni Spencer. Wala si Britanny. He was holding the bottle of beer, looking far away.

Since kaming dalawa na lang ang nandito, nilapitan ko sya. He looks so wasted. Kanina pa kasi sya inom ng inom.

"Hey," bati ko. Tiningnan nya lang ako tapos tumungga ulit ng alak. Kumuha na rin ako ng alak at sinabayan syang uminom.

Tanging alon lang ng dagat ang naririnig ko at init ng apoy mula sa bon fire ang nararamdaman ko. Nabibingi ako sa katahimikan.

Parang ang layo-layo namin sa isa't-isa. We used to be partner in crimes. Hindi ko namalayang napapalayo na pala ako sa kanya sa maikling panahon. Nakakalungkot.

"Mahal na mahal ko pa rin sya,"

Napalingon ako sa kanya. Is he spilling some milk?

"S-sino?" I don't know why I am stuttering. Kinabahan ako bigla. I feel scared suddenly too. Hindi ko alam kung bakit.

"She's everything to me."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. I wanna freeze the moment para makapag-isip ng isasagot. I looked at him. He's still looking somewhere far away.

"Mahal na mahal ko sya eh, pero nilalayo sya sa akin," his voice broke and he bowed. Tiningnan ko sya. Tumataas-baba ang balikat nya, sign that he's crying.

"Tangina hindi ko maintindihan!" Sigaw nya. He punched the sand. Nilapitan ko pa sya at niyakap mula sa likod. Parang nababasag yung puso ko. Hindi ko kayang nakikita syang ganito.

"Sshh, Spence, tama na. Nandito lang ako," pag-aalo ko sa kanya. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya. I know he needs someone right now. At ako yun. Ako lang.

"Hindi ko kayang magmahal ng iba," hagulgol nya. Gusto ko na ring umiyak.

Humarap sya sa akin. He looked staight into my eyes. And i also did. I saw sadness, agony. Para syang batang nalulunod sa masakit na mga emosyon.

He cupped both of my cheeks. Slowly, he gets near. I can't look away. His eyes were looking intently at me. Parang tumatagos hanggang sa kaluluwa ko.

The next thing I knew was his lips' pressed against mine.

I think my heart skipped a beat. I lost all my senses. Nawala lahat ng nasa paligid.

I don't know what's happening...

3RD PERSON'S POV

Magkadikit pa rin ang mga labi ni Adam at Reese. Hindi ito gumagalaw. Magkalapat lamang. Ngunit nagwawala ang puso ni Adam. He can't believe this is happening! Parang nabuo lahat ng kulang sa kanya. Finally, he feels like he can do anything.

Mabilis ang pintig ng puso ni Reese. Hindi sya makapag-isip. Ngunit isa lang ang alam nya, kakaiba ang nararamdaman nya. Hindi nya mawari kung tama ba ito o mali dahil nagsisisigaw sa saya ang kaluluwa nya sa mga panahong iyon.

Lingid sa kaalaman nila, nasa hindi kalayuan lamang si Britanny. Nakamasid. Nagngingitngit. Naiyak ito sa sakit. Kinuyom nito ang palad at umalis.

Hindi lang si Adam at Reese ang may naramdaman...

Nabuksan din ang emosyong matagal ng binaon ni Britanny sa puso nya. Ang pagmamahal.

Mahal nya na si Adam. Ngayon nya lang naamin sa sarili.

At gagawin nya lahat para manalo sa puso ng binata.

Captivating Aphrodite (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon