Chapter 15

886 10 0
                                    

A/N: Dinugo ako sa pag eedit ng project namin sa Advanced Physics juice colored. Limang oras straight sa computer.

Eto na. Bye.

~

Reese

"Tito Tim and Damien left early. May aasikasuhing business daw si Tito tapos si Damien di namin makausap. Nag-away ba kayo nun? Namumugto yung mata, mukhang tanga," bungad sa akin ni Mary habang kumakain ng sandwich. Kakarating ko lang dito sa kitchen ng rest house namin sa Boracay.

"I don't know..." tanging sagot ko. This vacation was supposed to ease our stress. Bakit parang lalo pa yatang bumigat.

"Confirmed. Tingnan mo yung mata neto 'Ry, parehas sila ni Damien!" Sabi ni Alyanna. Hays. Dapat talaga nagshades ako bago bumaba.

"Break na kayo?!"

"Ano ka ba Mary! Di pwedeng LQ lang? Gusto mo agawin si Damien no? Landi neto!" saway ni Alyanna.

I just continued making my coffee. Napangiti ako. Kahit ang bigat ng problema ko napapagaan nila ang loob ko. Yung mga simpleng usapan nila na parang baliw, pinapangiti ako.

"Gaga! Team Adam ako! Nasaan na ba yung kuya mo? Nako ha lahat na lang nawawala!" Nawawala? Nasaan si Spencer?

Spencer.

Bumilis ang tibok ng puso ko. 

Mas lumakas ang tibok ng puso ko. Bumaba si Britanny mula sa hagdan. Naalala ko ang encounter naming dalawa nitong nakaraan.

"Lahat ba ng tao dito sa inyo mugto ang mata? Jusko! Kaloka!" eksaheradang bigkas ni Mary. Napatingin ako kay Britanny. Mugto rin ang mga mata nito.

Did they fight?

Napapikit ako ng mariin. Wag naman sana.

But at the back of mind, I'm wishing.

Oh my God. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.

"A-Adam, h-he's taken," nanginginig at nauutal na sabi ni Britanny. Lahat kami ay napako sa mga pwesto namin. Nakatitig ako sa kanya. Nabitawan ko ang hawak kong mug.

"M-men took him last n-night, they t-tortured him!" And she broke down. Umiyak sya. Paulit-ulit nyang sinasabi ang salitang sorry and I don't get it. Mary and Alyanna comforted her. I can't seem to find my brain this moment.

What does she mean Spencer's missing? Tortured him? Men?

Dali-dali akong lumapit sa kanya. I'm so furious! Bakit hindi man lang sya nagsalita kagabi? She is so stupid!

"Damn you! Bakit hindi ka humingi agad ng tulong?! Do you even care? Ano bang iniisip mo?! Now where the fck are we gonna look for him?!" I said habang pinagsasasabunutan ko sya. My friends were trying to stop me but I don't care! Anong klaseng girlfriend sya?

"Kasalanan mo 'to Reese!" She said after she managed to escape my madness. "You are the one who's responsible for this so don't act as if you care!" And she left swiftly. Napaiyak na lang ako.

Halo-halo ang nararamdaman ko. Galit, takot, sakit, pangamba. At sobrang natatakot ako.

Hindi ka pwedeng mawala, Spencer. May kailangan ka pang malaman.

*

"Wala pa ring lead." Sabi ng isang pinsan ko. We're all gathered at the resthouse's sala. Naitawag na namin ang nangyari kay Daddy at naireport na sa pulisya pero wala pa din.

Kanina pa iyak ng iyak si Brittany. And I decided to stay strong. Walang magagawa ang mga luha ko. Hindi masasalba ng mga yun si Spencer.

"Let's pray for Adam," suhestyon ng pinsan kong si Winona. Sobrang lakas ng faith ng pinsan kong ito sa Diyos.

Nagrosaryo kaming lahat at nagdasal. It's already 11 pm at wala pa rin. Wala pa ring balita. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

Sabi ko magiging malakas ako eh. Pero hindi ko na kaya. Kinakain ako ng takot. Sobrang bigat ng loob ko. Ang daming tanong sa isip ko.

Paano kung napahamak na nga sya ng tuluyan? Kailan sya babalik? Sinong may pakana nito?

Ang sama-sama naman nyang tao. Kinamumuhian ko na sya kahit hindi ko pa sya nakikilala.

Magdasal na syang wg ko syang makilala dahil magsisisi sya sa oras na nalaman ko ang katauhan nya.

Spencer doesn't deserve this. He is a smart, independent, kind, hardworking and more beautiful adjectives to describe with. Wala syang ibang ginawang masama. He's not even deserving to cry or what. Happiness is the only thing he deserve.

All along akala ko masaya sya. Pero naaalala ko, nung gabing hinalikan nya ako, sinabi nyang mahal pa rin nya yung babaeng yun. Mahal na mahal pa rin. At sobrang nasasaktan sya ng pagmamahal na yun.

I feel so insecure with that woman whoever she is. Mahal na mahal sya ng ganoong klase ng lalaki; perpekto.

Sana ako na lang talaga yun.

I don't wanna admit it. Pero ngayon, inaamin ko na. I love my brother. I love him not just as a little sister, but as a woman.

Captivating Aphrodite (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon