Chapter 5

1.3K 19 0
                                    


"Yes, Randy. Don't let anyone know about this," rinig na rinig ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig sa telepono. Ang kausap nya ay si Mr. Randy Damasco. Ito ang kanang kamay nya sa lahat ng bagay.

"Alam ko ang risk nito, Randy. Pero as you can see, I cannot risk my family's happiness. Okay na yun. Okay na sila, okay na kami..." Okay na sila? Kami? Hindi ko maintindihan si daddy. Nakinig pa ako.

"Yes. But making one of them adopted doesn't mean hindi ko sya mahal. Basta. Do not let anyone know this. This is a secret between us, Damasco." And with that, my mouth fell. For pete's sake. Adopted...ang isa sa amin? Adopted si Reese?

I don't know what to feel that time. Should I be happy we can be more than brother and sister o malungkot once she figure out that she is adopted?

Nawala ang mga iniisip ko nang tumambad sa harap ko si dad. He looked so nervous.

"Totoo ba, dad?" Those words escaped my mouth. Mas lalong kumaba ang mukha ni daddy. "Totoo ba na..ampon-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad akong hinawakan ni dad sa braso. I was trembling.

"Yes. And that will not change a thing. Magiging masaya pa rin tayo ng kapatid mo." Sabi ni dad. Wala na akong nasagot. Then I realized that dad hugged me and a tear got out of my eyes. Hindi dahil sa malungkot ako. Pero dahil masaya ako. Ngayon pwede ko ng mahalin ng walang pangamba si Aphrodite.

Days passed and things changed. I became sweeter and more vulgar about my feelings for Reese. I do not know if she feels it, but she looks so naive, so clueless. Halos lahat na nahahalata ito. Sabay kaming umuuwi, lagi ko syang binibigyan ng flowers, at nag eeffort ako. But she's still the same.

Until one night, dad called me to his office. He was furious. Ibinalibag nya sa table nya ang mga pictures namin ni Reese. Nung pagsabay namin ng uwi, pagbibigay ko ng flowers and chocolates sa kanya at iba pa. I can't believe it! Pinapasundan nya kami sa mga tauhan nya!

"Tell me, Adam Spencer, what the hell are these?" And he pointed out the pictures. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"TELL ME WHAT ARE THESE!!!" Halos mapatalon ako sa sigaw ni dad. Galit na galit sya!

"Me and Reese..." yan lang ang nasagot ko.

"What the f*ck. Don't give me b*llshit answers, Adam. Ano 'to?" For the first time, dad cursed me. Gusto kong lumabas sa office nya. He's so mad and I am not used to it, kahit pa lalaki ako. Close kami, and this talk never crossed my mind.

"Mahal ko sya..." I finally got to spill what my heart says. Napasabunot sya sa buhok nya. Frustration and madness was all over his aura. Parang gusto nya akong ibalibag sa apat na sulok ng opisina nya.

"I love her, dad!" Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas para magsalita. "Matagal na. Takot na takot ako, na kasalanan ang ginagawa ko! Kapatid ko sya! Pero sa nalaman ko, hindi ba pwede na? Hindi ko naman sya totoong kapatid!" And the unexpected happened.

My father, Timothy punched me.

Halo-halo ang nararamdaman ko. Takot, galit, lungkot, confusion. Bakit? Yan lang ang nasa isip ko.

"What are you thinking...Adam?" His voice was low and dangerous. "Kapatid mo sya! Hindi ka ba natatakot sa Diyos?!" Sumigaw sya muli. Pinilit kong bumangon mula sa sahig. Pero hindi ko kaya. Masyadong malakas ang pagkakasuntok ni daddy.

"I don't understand...hindi ko sya tunay na kapatid," nanliliit ang boses ko. Kasabay nito ang pagpatak ng luha ko.

"From now on, lalayuan mo sya. At kung hindi? I'll do it for you. ADAM. OKAY NA MAGKAPATID KAYO. Pero eto? Hindi! Stop this nonsense!"

Kasabay noon ang pagtawag nya sa ilang tauhan nya. At ilang minuto ang nakalipas, may dalawang tauhan ang pumasok sa office. Itinayo nila ako at inilabas sa office ng ama ko, that I now consider as a hell.

For five days, dad locked me up in a room. Hinahatiran ako ng pagkain but I refused to eat. Paglabas ko, nagharap ulit kami. Sinabi nya muli na hindi kami pwede ni Reese. At sa pagkakataong yun, hindi ako nagmatigas. He treats me well again, but it's not the same. He became stiff over me. At nalaman ko na lang, na palagi nya kaming pinapasundan ni Reese wherever we go.

We grew up like that. Me, trying to stay away but still gets attracted everytime she's near. Tapos babantaan ako ni dad, papagalitan, sasaktan.

But I never learned.

Dahil kahit ilang beses nya akong murahin, saktan, ikulong at ilayo, hindi mawawala ang pagmamahal ko kay Reese. Hindi bilang kapatid pero bilang isang lalaki. Bilang si Adam.

Captivating Aphrodite (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon