Chapter 6

1.3K 14 0
                                    


ADAM'S POV

Days have been worse. Palaging wala sa bahay si Reese. When she's here, she talks about his barbie-boyfriend. Yes. I call him that because that's how I see him. He's a pretty guy who's so perfect in the eyes of Reese. I frowned at the thought.

Barbie nga sya pero at least sya ang mahal.

"How about you, Adam? How's our business?" Tanong ni daddy sa akin. We're having our dinner and Reese can't seem to shut her mouth talking about her guy. Aliw na aliw naman si daddy. For days, he stopped having problems about me dahil nagkaroon ng boyfriend si Reese. Maybe he thinks I am giving her up. At siguro nga tama sya sa sinasabi nya.

Napanghihinaan na ako ng loob.

"It's okay dad. Everything's smooth." tugon ko sa kanya. He just smiled at me. I missed my father, the man who calls me 'Acer'. We're not the same anymore...

* ding dong *

"Manang, please check who's there," utos ni Dad sa katulong namin.

Agad namang chineck ni manang kung sino ang nagdoor bell. Maya maya bumalik si manang kasama ang magandang babae-- si Britanny.

"Hi Tito, hi Reese, hi baby," bati ni Britanny. Agad namang umirap si Reese. Nagbeso si dad at si Britanny while Reese ignored her.

As I said, kilala ng family ko si Britanny as my girlfriend. That's why she is so welcome to the premises.

"Baby, I'm sorry hindi ko na natawag sayo na pupunta ako dito ha. Kasi naman, sila Ariana nag-aya kanina tapos ang aga naman umuwi. Eh miss na rin kita eh," Britanny smiled at me sweetly. My dad grinned, sobrang masaya siguro ito dahil finally malayo na kami ni Reese considerig I have Brit as my girl and Damien as Reese's.

"It's okay baby. Join us," at inutusan ko si manang na ipaghain si Brit. Hindi alam ni Reese kung anong pag irap ang gagawin nya. Daig pa ni Brit ang may ketong dahil parang diring-diri sya na makita ito o marinig. Hindi ko na lang pinansin iyon.

Kumain lang kami at nagkaroon ng kwentuhan nila dad. While Reese remained to be quiet.

"Nagpropose na ba sa iyo 'tong si Adam?" Sabi ng dad na natatawa tawa pa. I grinned at my father. On the other hand, nabilaukan si Reese. Nagkanda tapon yung tubig habang umiinom ito para mawala yung nakabara sa lalamunan. Ang resulta, nabasa ang suot nitong pang-itaas.

"Ugh!" Himutok nya. Hinanap ng mga mata nito si Brit at inirapan na naman. Nahuli ko namang ngumisi si Britanny. They're having their cold war again.

"Excuse me, dad! Ugh!" And she left us. Probably to change clothes.

REESE'S POV

UGH!!!!!!!

I really hate her! Ang pampam nya! Finally I get to leave that area! Kanina ko pa gustong umalis sa hapagkainan pero di ko magawa because I know dad will give me lectures!

Nakakainis iyong Britanny na yon! Kung makalingkis kay Spencer! Kulang na lang maghalikan sila don! Hindi ba naiilang si daddy? Parang tuwang-tuwa pa ito! Nakakainis!!!

Nagpalit ako ng damit at dinampot ang cellphone ko. I dialled Mary's number.

"Hello?" Mary finally answered.

"Bakit ang tagal mo sagutin?" I irritately asked. Kainis talaga!

"Wow ha. Bakit ba ang init ng ulo mo? Sorry na. May inaayos lang kasi," paliwanag nya. I cleared my lungs and told her what happened.

"HAHAHA! Para kang tanga!" What? Ito ba ang makukuha ko pagkatapos ko syang kwentuhan ng kalandian nung Barney na yon? Ako pa yung mukhang tanga?!

"What? Watch your mouth Mary!!!" I replied. Kaasar!

"Malamang maglalandian sila! Magsyota sila eh! Sayang taken na pala ang kuya mo, huhuhu hahaha!" She faked a cry and then laughed. Siraulo talaga! Bakit ba ito pa natawagan ko!

"Kung kayo nga ni Damien kulang na lang mags3x sa harapan namin ni Aly eh!" And she laughed again! Ghad! Pag nagkita talaga kami pagmumumugin ko 'to ng holy water! 20 times!!!

"Omg! Kadiri ka! Bye na nga!" And I ended the call. Narinig ko pa na tumatawa-tawa pa ang bruha.

I lie down at my bed. And hugged the pillow. Mary has a point. They are allowed to do those, may relasyon sila. Ako lang yata ang may problema.

Pero bakit?

Captivating Aphrodite (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon