Chapter 25

909 14 2
                                    


Reese's POV

Pigil hinga kong hinawakan ang pintuan ng board room. Hindi ko alam kung paano ako kikilos matapos ang nangyari noong isang gabi.

Grabe naman kasi ang tama ng alak, nakakalimot.

Isang malaking katangahan ang rumesponde sa halik nya. Sa ginawa kong iyon, para ko na ring binawi ang sinabi ko na tigilan nya ako. Sa pagkakataong 'to, ako na talaga ang magulo.

May meeting ang board ngayon. Hindi naman ito ganoong kabigat. Pag-uusapan lang ang gagawing activity ng foundation ng kompanya.

Taun-taon ay tumutulong kami sa mga kapus-palad. Malaking fullfilment ito para sa akin. Parang pasasalamat na rin sa Diyos kasi dinala nya ako sa kung nasaan ako ngayon.

"Good morning everyone," bati ko. Binati naman nila ako, maliban sa kanya. Pinipilit kong umiwas ng tingin sa kanya pero parang may magnet sa mga mata nya, ang lakas ng attraction, napapatingin pa rin ako.

Nakatitig lang sya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nya. O kung nakikinig man lang ba sya o nakatitig lang sya sa akin, nakamasid sa bawat kilos ko.

Inis na inis ako. Dahil sa mga ganitong kilos nya ay nagugulo ang relasyon namin ni Damien. Nasa Spain sya ngayon for a project at 6 days from now pa ang balik nya sa Pilipinas. Noong umalis sya, umiyak ako. Akala ko kasi ayaw nya na sa akin. Pero sabi nya, kunin namin ang ilang araw na iyon para magpalamig, mag-isip. Ilang beses na rin kaming nag-aaway, siguro kailangan namin ng konting space, konting oras para sa mga sarili namin.

At aaminin ko, tama sya. Pero kinakain ako ng takot. Paano kung...ang konting araw na umalis sya ay sapat na para maagaw ako ng iba?

**

Natapos ang meeting nang maayos. Napagdesisyunan naming sa isang home for the aged sa Tagaytay pumunta para tumulong.

Sa buong oras ng meeting ay hindi ako mapakali. Maayos nga ang naging takbo ng usapan pero nagpapanic naman ang loob ko. Ang dami kong gustong sabihin kay Spencer. Gusto kong sawayin sya sa kakatitig sa akin dahil pakiramdam ko ay matutunaw na ako. Isa pa, alam kong nahahalata rin naman sya ng ibang board members. At hindi maganda iyon. Alam naman ng lahat na may boyfriend ako --- si Damien. Si Damien na mahalaga sa akin.

Habang nasa office ako, naisipan kong magbukas ng personal account ko sa yahoo. Nagulat na lang ako dahil may email doon na kakareceive lang 2 minutes ago mula kay dad. Agad ko itong binuksan.

Subject: Soon
Message: I'll be in the Philippines soon.

Ganyan lang kaikli. Pero ang dami ko nang naramdaman. Una, nasaktan ako. Sobrang cold ni dad sa akin. Hindi ko alam kung may ginawa ba akong mali o ano para maging ganoon. Ni hindi nya ako nagawang kamustahin. Kung tatawag sya, palaging tungkol sa kompanya na lang ang tinatanong nya. Hindi man lang nya ako matanong kung kumusta na ba ako, o kung okay lang ba ang buhay ko dito sa Pilipinas. Pangalawa, natatakot ako.

Alam kong magkikita sila ni Spencer once na dumating sya dito sa Pilipinas. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Will they find the way to be father and son again or will they kill each other with their deadly stares?

**

"Ms. Preston, okay na po lahat. Pupunta na po ba tayo sa Love for the Old?" Tanong sa akin ni Lax, sya yung pinag-asikaso ko ng charity event na ito.

"Sige. Okay na naman lahat diba?" Sagot ko sa kanya. Ngumiti sya sabay thumbs up. Maaasahan talaga itong si Lax.

"Ay, wait. Sasama po ba si Mr. Preston?" Bigla nyang tanong. Kinabahan naman ako. Sasama nga ba sya?

Captivating Aphrodite (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon