Paglapag ng eroplano ay agad na nagpunta si Paolo sa hospital kung nasaan nakaconfine ang ama. His mother automatically embrace him as soon as she sees him, namamaga ang mga mata nito kakaiyak."Mom I told you naman diba don't cry so much magiging ok din si daddy, malakas kaya iyon",sabi niya sa ina to cheer her up. It hurts to see his mother like this but he needs to be strong para man lang sa kapakanan ng ina.
"Anak your dad, akala ko heart attack lang ang dahilan why he passed out but there's something else. Matagal na itinago ng daddy mo sa atin na may cancer siya and the doctor said he only have 8 months to 1 year na natitira".
No this isn't happening, di siya makapaniwala sa ibinalita ng ina tila nanlalambot ang tuhod niya at tinakasan siya ng lakas sa natuklasan. Gustuhin man niyang umiyak ay hindi niya magawa kasi baka lalo lang magdadalamhati ang kaniyang ina. Kung magiging mahina siya sa puntong iyon ay wala ng ibang masasandalan ang kaniyang ina kaya kahit na parang dinudurog ang kaniyang puso ay hindi niya hinayaang tumulo ang mga luha sa harap ng ina. Niyakap niya ang ina at hinaplos ang likuran nito to make her feel better, at iparamdam dito na di siya nag-iisa."Mom it's all right, we can get through this. We have to trust dad kaya niya ang laban na 'to".
Nang magising ang ama ay agad siyang kinausap nito."Son I'm dying. I'm sure you know na about my cancer, I'm sorry if I didn't told you earlier"
"It is okay dad, what's more important right now is for you to get well, kasi laging umiiyak si mommy ok?"
"I just want you to know that I love you and your mom very much if anything happens to me just...."
"Dad",putol niya sa kung anu pa ang sasabihin ng ama. "You sound like mamamatay kana talaga eh buti na lang wala si mommy dito kung hindi iiyak na naman yun para pa namang kambing yun kung umiyak",biro niya sa ama para pagaanin ang atmosphere ng kanilang usapan.
"I'm serious Pao. I have a favor to ask you"
"What is it dad?"
"Before I die I want to see you get married and have a son, can you do that?"
"Dad kung ipipilit niyo na naman si Jurielle sa akin ay hindi ko po magagawa iyon. Parang kapatid lang po ang turing ko sa kaniya at wala ng mas hihigit pa. You can ask me anything but not marrying Jurielle', paliwanag niya sa ama.
"No I'm not gonna push you to marry her anymore. I want you find someone and marry someone that you love. I will give you six months to find the love of your life."
"Six months erpats naman oh. Sino bang babae ang magpapakasal sakin kung six months palang kaming magkakilala?"
"Son, love isn't always about the amount of time you spent together, it isn't about your financial and social status. May iba nga diyan ilang taon nagsama naghiwalay pa rin, love requires trust,care and faithfulness. Please son I just want to see you marry the girl you love and spend time with my future grandson or grandaughter", mahinang sambit ng ama.
"Ok, pero kailangan mo munang magpagaling para makalabas dito, saka ko na hahanapin yung love of my life ko kapag ok ka na. Sa Pilipinas ko hahanapin iyon ok".
When his father talked about love isang imahebang lumitaw sa kaniyang isipan and it was Railey. He is still contemplating about his feeling towards Railey, ang alam lang niya ay gusto niyang protektahan ang dalaga, he wants her to feel important and he wants to care of her.
..................
Pakiramdam niya ay tila umusok ang kaniyang ilong at parang tinubuan siya ng sungay sa naging usapan nila ng kaniyang ina at kapatid. Kuwestiyunin ba naman ang pagiging kapatid at anak nito dahil lamang hindi niya kayang pagbigyan ang kanilang kahilingan samantalang ni minsan ay di siya nito itinuring na kapamilya.
They wanted her to push Paolo to Jurielle, kumbaga siya ang magiging bridge ng dalawa. They knew Paolo is her bestfriends' cousin, and she just found out na magkaibigan pala ang binata at ang kaniyang kapatid. Magkaibigan naman pala bakit idadamay pa siya samantalang kulang nalang magpatayan sila kung magkasama.
She sighed loudly while scrolling through her phone finding some resorts to be the best spot para makapag refresh siya. She plans on spending her remaining days sa Siargao malayo layo dito sa kabihasnan kung saan laganap ang mga taong toxic sa buhay niya. Susulitin lang niya ang ilang araw bago siya bumalik sa France.
She'd chosen the Nay Palad Hideaway resort in Siargao, she also had a few to do lists in her bucketlist pag andoon na siya sa Isla.
For a while she wanted to be herself without limits,hesitations and judgements by others.Bago siya lumuwas patungong Siargao ay naisipan niyang pumunta muna sa bahay nina Andie baka hanapin siya nito sa unit niya.
"Oh hi Rai napadalaw ka?",tanong sa kaniya ng kaibigan.
"Uhmm magpapaalam lang ako"
"What? di ba sabi mo next week pa balik mo sa France bakit magpapaalam ka na?"
"Wooeh relax, I just wanted to unwind di pa ako babalik sa France punta muna ako sa Siargao. Ano sama kayo?"
"Kung wala lang sana kaming masyadong gingagawa ngayon why not diba? Pasensiya na huh di kita masasamahan doon"
"No it's ok babalik rin naman ako dito bago ako pupunta sa France ok"
Kanina pa siya rito sa bahay nina Andie ngunit hindi niya nakita ang binata. She looked around the house pero hindi niya mahagilap ni anino ni Paolo, himala yatang hindi ito nangugulo sa kaniya.
"You're looking for something or someone", nakangiting tanong sa kaniya ni Andie.
"I'm just wandering why it feels so empty in here",tugon niya sa kaibigan.
"Ay nakalimutan ko palang sabihin sa iyo . Paolo left two days ago something emergency came up kaya napaaga ang balik niya"
"Paki ko doon"
"Just telling baka kasi siya yung hinahanap mo. Baka his absence make you feel empty dito", pasaring ng kaibigan sa kaniya.
"Luh hindi ahh, bakit ko naman hahanapin yung hudyong yun?"
"Miss mo no?",pangungulit pa rin sa kaniya ni Andie.
Kaya pala walang kutong- lupa na naninira ng araw niya bumalik na pala ang binata sa America."Tskk di man lang nagpaalam",aniya sa isipan.
"Ba't naman siya magpapaalam sa'yo, girlfriend ka ba niya?"
Di niya maintindihan ang sarili, she's missing Paolos' presence pero kung kasama naman niya ito'y lagi siyang naiinis. No one has ever made her feel a roller coaster of emotions like Paolo did. Guess she really needs to unwind kasi parang nawawala na siya sa sarili niya tsaka baka malutan niya rin itong di pamilyar niyang nararamdaman sa tuwing naiisip ang binata.
BINABASA MO ANG
FATED TO BE YOURS
Romance"Your past don't define who you are, may kakayahang magbago ang isang tao. Ang nakaraan ay nakaraan; di mo ma kailangan pang ungkatin kung di naman kinakailangan" Paolo Montemayor is one of the young businessmen and was adored by so many, he was eve...