Ngayong wala na siya sa trabaho she can feel peace na though she's in her first trimester and experiencing morning sickness at cravings bukod doon ay wala na siyang problema. Pansamantala niya munang kinalimutan ang problema sa ama ng baby niya at itutuon muna niya ang pansin sa pagbubuntis, saka di naman mahirap ang sitwasyon niya ngayon dahil sa bawat araw na nagdaan ay andiyan ang manager niya at ang boyfriend nito na AfAm para tulungan siya everytime she needed help like kung may ipapabili siya para sa paglilihi niya.
Di naman siya masyadong nahihirapan sa paglilihi kasi mayroon namang Filipino Market sa lugar nila, like kung gusto niya ng manggang may bagoong mabibili lamang nila doon. She isn't the type na mahilig sa buko pero madalas niyang hinahanap ito ngayon utos daw ng bata ika nga nila.
"Ohh ayan na iyang balot na order mo, jusko naman sa lahat-lahat ng ipaglilihi mo iyun pang sa Pilipinas lang madami; buti nalang talaga at may kakilala ako ditong Pinoy din na nagbibusiness ng Pinoy foods", reklamo ng kakarating lang niyang manager.
"Ayoko na niyan nagbago na isip ko", kaswal na sagot niya rito.
Nakita niyang nanlaki ang butas ng ilong nito at dilat na dilat ang mga mata nito dahil sa inis pero talaga naman kasing ayaw na niyang kumain ng balot. "Seryoso?! Matapos kung pinaghirapang hanapin iyang balot na iyan ngayon aayaw ka ang sama mo naman"
"Kung gusto mo ikaw na lang kumain niyan alam ko namang paborito mo iyan ehh kaya sa'yo nalang ok. Pasensiya na huh kung napeperwisyo kita wala lang talaga akong ibang malalapitan", matamlay na saad niya rito. Sa totoo lang nahihiya na siya sa manager niya pero nag insist pa rin ito at sobrang grateful siya na lagi itong nasa tabi niya sa tuwing may pinagdadaanan siya baka nga kung hindi lang ito bakla eh mafall siya rito kaso kabaro ehh tsaka may iba na rin naman siyang mahal.
"Sus ito naman ok lang yun, sino pa bang magtutulungan eh tayo lang naman kaya huwag ka ng mahiya alam ko namang may kakapalan yang mukha mo ehh", pagbibiro nito bago nilantakan ang balot na medyo mainit-init pa. Kung di lang siya naglilihi ngayon eh baka nakikipag-agawan pa siya dito kaso yung baby niya di paman lumalabas eh sigurado siyang nagmana it okay Paolo napaka pihikan tsaka pabago-bago isip."Baby huwag masyado pahirapan si mommy huh, tayo lang kasing dalawa wala si daddy ok", nakangiting bulong niya habang himas-himas ang tiyan .
*********************************
"Paolo lumabas ka!", alingawngaw ng isang di pamilyar na boses ng babae sa buong kabahayan ng mga Montemayor.
"Sir ayaw po papigil ni Mrs. Swovski", tarantang ani ni Manang Ester ang katulong nila sa bahay.
"Nasabi niya ba kung ano kailangan niya manang?",tanong niya kay Manang Ester.
"Ewan ko diyan sir galit nag alit gusto ka daw makita, sinabi kong nagpapahinga ka ayaw magpapigil at nagsisigaw"
"Sige manang bababa muna ako", ani niya sa katulong na kasalukuyang naglilinis sa labas ng kuwarto niya.
Pagkababa niya ay nakita niya si Tita Beatrice galit na galit at ang mga magulang niya na tila nagtataka sa inaasta ng ginang; nakita rin niya sa tabi nito si Jurielle ngunit nakatungo lamang ito at ni hindi ito bumati sa kaniya na kaswal nitong ginagawa noon. Before he could utter a word Beatrice instantly crosses the gap between and slaps him in front of everyone.
Natigilan ang lahat dahil sa ginawa ni Beatrice, siya man ay nagtataka kung bakit ginawa ng ginang iyon. "How could you do this to Jurielle? You knew how she felt about you but I still couldn't believe that you'd take advantage on her", nanginginig sa galit na saad ng ginang sa kaniya.
BINABASA MO ANG
FATED TO BE YOURS
Romans"Your past don't define who you are, may kakayahang magbago ang isang tao. Ang nakaraan ay nakaraan; di mo ma kailangan pang ungkatin kung di naman kinakailangan" Paolo Montemayor is one of the young businessmen and was adored by so many, he was eve...