CHAPTER 1

239 12 0
                                    

"Fuck", frustrated na bulong ni Paolo sa hangin, kanina pa siya tawag ng tawag kay Jurielle pero hindi siya sinasagot ng babae.

Jurielle Amber Swovski is a half Australian- half Filipina actress and one of his friends. Kahit magkaibigan sila'y hindi niya maiwasang masaktan emotionally ang babae lalo na't hayagan nitong ipinapakita ang pagkagusto sa kaniya na siya namang ginagatongan ng ama niyang si Lander Montemayor.

Business partner ng ama niya ang ama ni Jurielle kaya ito boto sa kanila at alam niyang connected ang intensiyon nito sa business at wala siyang paki roon. May sarili siyang negosyo at maraming pera kaya hindi niya kailangan ang koneksyon sa mga Swovski para palaguin ang business niya because his already a successful businessman.

Kaibigan lang ang tingin niya sa babae at hindi na hihigit pa, he is not gay pero talagang minsan sa tanang buhay niya ay wala siyang natipuhang babae kahit marami ang nagnanasa sa kaniya. He can have every girl he wants pero wala talaga hindi pa niya nakikita ang babaeng bibihag sa mailap niyang puso.

Kanina lang ay di niya maiwasang pagsabihan ng masama si Jurielle kasi nakukulitan na siya dito. The girl is giving him chills mas naging clingy ito sa kaniya at obsessed one of the traits na ayaw niya sa babae. Nadala lamang siya sa inis kanina kaya di niya mapigilang masaktan ang dalaga nang mapagtanto niya ang nagawa ay huli na, nakaalis na ang dalaga kaya heto siya ngayon sinusubukang makipag-ayos after all she is still his friend.

Baka magsumbong na naman iyon sa daddy niya lagot talaga siya. Both their fathers think of getting them engage and Paolo always rejected that idea, he doesn't want to have a loveless marriage and he'll do whatever it takes para hindi magtagumpay ang mga ama nilang itali silang dalawa sa isang pirasong papel.

Ilang beses na niyang tinawagan ang babae ngunit hindi nito sinasagot ang kabilang linya kaya pagod na ibinagsak niya ang katawan sa kanyang upuan sa opisina and loosen his tie to relax, mababawasan ang kaguwapuhan niya kung magpapaapekto siya sa nangyari kaya babaliwalain na lang niya katulad ng lagi niyang ginagawa.

Pasok sa kabilang tenga labas sa kabila, sanay na siya sa panenermon ng daddy niya though nakabase ito sa Australia he always have the time to call and scold him everytime na magsusumbong si Jurielle na lalong nagpapainis sa kaniya.

Ipinikit niya ang mata para magpahinga ng biglang tumunog ang cellphone niya and it was Andie his lovely cousin who's calling.

"Hello"

"Hi Pao uhm, malapit na ang birthday ni Natalia I hope this time you're coming sa bahay lang naman namin idadaos ang handaan eh, please sige ka magtatampo talaga ako 'pag hindi ka pumunta at saka sasabihin ko kay Natalia na di mo siya love",sabi ni Andie.

" No I'm not my gorgeous cousin, blackmail ka diyan sasabihin ko lang naman kay Natalia na di mo siya love ehh kaya hindi ka pupunta",defensive na sagot nito.

"At hindi mo pala ako binablackmail sa lagay na iyan Andie huh. Ganito nalang isisettle ko muna ang mga schedule ko and take a one week leave starting two days before Natalia's birthday to make sure I won't fail to attend the party. Happy?"

"Copy that sire, kapag hindi ka pupunta lagot ka sa'kin and I assure you that you'll enjoy your one week leave here with your pamangkins. Love you Pao wala ng atrasan iyan huh ok bye² take care then", then Andie ended the call.

Andie as always makulit kung maglambing, wala namang problema if he take a one week leave masyado na siyang nagigimg workaholic and it's better to take a break siya naman ang may-ari ng kompaniya kaya he can take a leave whenever he wants. Wala lang talaga siyang mapagkaabalahan besides business kaya siguro focus siya sa trabaho.

Masyadong complicated ang pagkakaroon ng lovelife kaya hindi pa siya nagkakaroon. Ayaw niyang matulad sa pinsan niyang matindi ang pinagdaanan bago nakamit ang happy ever after nito at hindi rin siya ha!dang isugal ang puso; isa pa wala pa rin siyang babaeng natitipuhan. Maraming babaeng nakapaligid sa kaniya yet no one has ever make his heart skid faster and make his world spin in a slow motion.


💋 💋 💋

Kakatapos lang ng shoot ni Railey para sa isang magazine ng iabot sa kaniya ng PA niya ang phone niya, it was a long distance call from Andie.

"Hello Andie napatawag ka?"

"Kailan ka uuwi ng Pinas malapit na ang third birthday ni Natalia I hope makakapunta ka mukhang nagugustuhan mo na ang France may idinidate ka na ba diyan?", agad na bungad sa kaniya ni Andie.

"Haha sort of I'm in love with France already if you have some time you can have avacation here and I'm willing to be your tour guide kaso mahal ang professional fee ko mayaman naman kayo ehh kaya alam kong keri lang",biro niya kay Andie.

" Baliw to pwede libre na lang? Magkaibigan naman tayo ehh hehehe. Ano na makakapunta ka ba?"

"Ako pa ba I will clear my schedule para makapunta sa birthday ng inaanak kong nagmana sa'kin"

"Echusera mas maganda pa anak ko sa'yo mana sa mommy"

"Eto naman ang damot",reklamo niya sa kaibigan.

Despite all the troubles they've been through naging magkaibigan pa rin sila ni Andie naging ninang pa nga siya ng anak nitong si Natalia.

Lahat sila nakapagmove on na sa nangyari except one person, si Paolo Montemayor; pinsan ni Andie. Ewan niya ba sa lalaking iyon ang laki ng galit sa kaniya hanggang ngayon ay di pa rin niya malimutan ang huling pag-uusap nila ni Paolo that night noong nagpropose si Drake kay Andie.

So far sa nagdaang birthday ng inaanak niya'y lagi siyang andoon ngayon pa ba siya aayaw and one thing hindi rin naman niya nakikita si Paolo during those times kaya sana naman ngayon ay wala rin ito dahil hindi pa siya handang pakisamahan ito at alam niyang ganoon din ang magiging trato sa kaniya ng binata.


A/N: Paolo's coming and Railey's coming what do you think will happen?

FATED TO BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon