Pasado alas 10 na ng makabalik sina Drake at Andie sa ospital, just like normal days parang wala sa ospital ang dalawang babae. Nagkukulitan sina Railey at Andie ng biglang sumingit si Paolo,"Andie uwi muna ako maliligo lang tsaka babalik rin ako mamaya"
Di pa nga nakakasagot ang pinsan niya ay nagsalita na si Railey,"Salamat naman at uuwi ka na. You can go na di ka naman kailangan dito ehh"
"Talaga lang huh, eto tandaan mo may utang ka pa sa'kin"
"Ano bang gusto mo at ng mawala na utang ko"
"Not now Railey,but soon I'm just waiting for the right timing",saad niya sa dalaga and playfully wink at her.
Nang makaalis na ang binata ay seryoso siyang kinausap ni Railey,"Rai di ba parang sumusobra na kayo sa mga inaasal niyo sa isa't-isa?"
"Aysus wala lang iyon alam mo na, lagi naman kaming ganyan simula't sapul"
"Pero kahit ganiyan iyan si Pao, nag-alala talaga siya sa'yo. He even donated his blood to you, and ohh another thing is naikwento ko sa kaniya yung tungkol sa parents mo"
"You..you told him?He donated his blood to me?",di makapaniwalang tanong niya sa kaibigan.
"Yeah, kasi nakita kaniyang umiiyak nung nalasing ka kaya ayon naikwento ko sa kanya pinagdadaanan mo"
"He saw me crying tangina di na talaga ako maglalasing I swear"
"I just hope that you two can be friends",sabi sa kaniya ni Andie.
Wala namang problema sa kaniya kung magiging magkaibigan sila kaso parang imposible naman kasi para silang aso't pusa, laging nagbabangayan. But she'll give it a try nagkasama naman na sila ng isang gabi sa iisang kwarto di naman sila nagpatayan kaya why not try to be friendly to him.
Naalala niya wala palang nakakaalam ni isa sa pamilya niya na nasa ospital siya palibhasa wala namang pakialam sa kaniya ang mga magulang niya, maliban nalang sa Tita Lessandra niya na asawa ng ama niya at half brother niya na anak ng kaniyang ama sa Tita Lessandra niya.
"Uhmm bess nadala mo ba yung phone ko"
"Oo, may tatawagan ka?"
"Oo,tatawagan ko sina tita at kuya"
Mula ng dumating siya sa Pilipinas ay di niya nakamusta ang mga ito. Itinuring nanrin siyang parang tunay na anak ng Tita Lessandra niya kasi matagal na itong gustong magkaanak ng babae pero di na nasundan ang kuya niya. Kahit anak siya ng babaeng nagbigay lamat sa relasyon nito ng ama niya ay hindi iyon naging hadlang para ituring siya nitong anak, katunayan nga ay parang ito ang kadugo niya at ang kuya niya. Kahit under ito ng ama niya ay itinatanggol siya nito sa tuwing pinapagalitan siya ng ama noong bata pa siya kaya napamahal na rin ito sa kaniya. Ang kuya niya naman ay likas na matigas ang ulo at laging sinusuway ang kagustuhan ng ama nila, her brother is into racing at wala itong pakialam sa negosyo. Kaya minsan siya ang napagdediskitahan ng ama niya like ipapakilala siya sa mga anak ng mga kasosyo nito which is labag naman sa kalooban niya. Nais ng ama niya na makapangasawa siya ng mayaman at negosyante rin para makatulong rin sa business nila pero focus muna siya sa modelling career niya, one of the reason kung bakit ayaw niyqng manatili sa Pilipinas.
Mag-isa na lamang siya sa kuwarto dahil may inasikaso sa mga negosyo nila ang mag-asawang Drake at Andie. Hinihintay niya ang Tita Lessandra niya, ng tawagan kasi niya ito at sabihing nasa ospital siya ay labis itong nag-alala kaya nagpumilit itong puntahan siya but she told her not to tell her dad. Lumilipad ang kaniyang isipan when someone knock on the door.
"Come in",when the door sprang open she saw her Tita Lessandra holding a basket of fruits."Oh hi tita",nakangiting bati niya rito.
"Nginingiti-ngiti mo diyan may atraso ka pa sa'kin. Ikaw talagang bata ka ano na naman bang ginaqginawa mo at napunta ka dito",puno ng pag-aalala ang mga mata nito habang papalapit sa kanya. She spread her arms and they hug each other tightly.
"Sorry na po. Alam ko naman pong busy kayo tsaka ilang araw palang naman po akong nandito ehh"
"Kahit na, sana man lang inabisuhan mo ako bago ka umuwi",may halong patatampo na turan nito."By the way yung kuya mo hahabol na lang mamaya nasa race track kasi siya baka nagpupustahan na naman iyon at ang mga kaibigan niya"
"Sorry napo andito ka na naman ehh. Nagkita na naman tayo and also I bought you the latest na ipinalabas na bag ng paborito mong brand"
"Talaga,thank and I miss you very much. Dalas dalasan mo naman pag-uwi alam kong nagtatampo ka sa daddy mo intindihin mo nalang,ganyan talaga pag tumatanda", sabi nito sa kanya habang hinahaplos nito ang buhok niya.
"Alam mo tita ang swerte na niya sa iyo ehh, I wonder bakit nagloko pa siya"
"Ganyan talaga ang buhay siguro minalas lang ako sa napangasawa ka but I'm blessed enough to have you and your kuya, kasi kung di nagloko daddy mo wala sana akong baby girl ngayon",Lessandra said and then pinch her cheeks.
"Tita naman ang laki ko na baby girl pa rin",angal niya rito.
"Ayy basta you are still our beautiful baby girl, diba sabi ko sa iyo mommy itawag mo sa'kin dina kita tatawaging baby girl kapag mommy na itatawag mo sa'kin understood?"
"Oo nga naman baby girl she's our mommy", napalingon sila sa taong biglang sumingit sa kanilang usapan then Railey excitedly run out from the bed then jump into his arms hugging him tightly.
"Kuyaaaa buti naman dumating ka akala ko di mo ako bibisitahin"
"Mukang di mo na naman kailaingan pang iconfine ehh. Di nanga ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap mo ,do you miss me badly"ani nito habang nakadungaw sa kaniya at ginulo ang buhok niya. Then bigla nalang nawala ang ngiti sa mukha nito at pinitik siya sa noo.
"Aray naman kuya sakit nun ahh"
"Ahh mas masakit pa ba sa sugat mo diyan sa pulso?",sarkastikong tanong nito. "Bumalik ka doon sa higaan mo upo ka doon", siya naman ay tila batang sumunod sa utos nito. Her brother loves her so much but he can be scary sometimes lalo na kapag may mali siyang ginawa.
"Aheermm hello andito pa po ako. Ikaw Railey napakabias mo kanina pagdating ko ang tamlay tamlay mo pero noong itong siraulo ang dumating lakas makatalon ahh. Now tell us what really happened walang labis, walang kulang"
"Hehe, ganito po kasi nangyari.........."Ikinuwento niya sa dalawa ang buong pangyayari simula nang tumawag ang ama niya hanggang sa pagiging emosyonal niya at biglang pagkawala sa katinuan na nag-udyok sa kanyang laslasin yung pulso niya at ang biglang realization niya na di pa siya ready mamatay.
"Kita mo na may magpapakamatay bang ayaw mamatay tskk. May sayad ata sa utak tong baby girl natin mommy ehh", sabi ng kuya niya kay Lessandra.
"Luhh naging emosyonal nga diba tapos nakalimot noong sumakit na doon ko pa narealize upakan kita diyan ehh"
"Weeh sige nga kaya mo na ba ako huh. Baka maibitin lang kita patiwarik"
Nasa gitna sila ng pagkukulitan nila ng biglang bumukas ang pinto........
BINABASA MO ANG
FATED TO BE YOURS
Romance"Your past don't define who you are, may kakayahang magbago ang isang tao. Ang nakaraan ay nakaraan; di mo ma kailangan pang ungkatin kung di naman kinakailangan" Paolo Montemayor is one of the young businessmen and was adored by so many, he was eve...