ACE POV

121 8 0
                                    


Naninibago man ako sa pag imbita ng kapatid kong si Railey na puntahan namin siya sa France ay sumama nalang ako kay mommy, tutal bakasyon na rin ito para sa akin. Something feels off ramdam ko iyon dahil ngayon lang nangyaring si Railey mismo ang tumawag para papuntahin kami sa France after how many months na hindi siya nakipag communicate sa amin after she returned sa France.

Pagkalapag ng eroplanong sinasakyan naming I was expecting na si Railey ang susundo sa amin pero wala akong Railey na nakita sa airport, akala ko pa naman makikita ko siya dito. I saw a man holding placards with my mom and my name

written on it kaya nilapitan ko ang lalaki, "Did Railey sent you to fetch us? Where is she?", tanong ko dun sa lalaki.

"Uhm sir I'll tell you while on the way tayo sa bahay ni Railey. By the way ako nga pala ang manager niya", ayun English English pa siya marunong naman palang magtagalog ang isang to. Pero in fairness huh naikuwento na kasi sa akin ni Railey ang tungkol sa bakla niyang manager pero di ko inexpect na he is different from other gays na nagbibihis at umaaktong parang tunay anala babae.

"Hi madam Lessandra I heard a lot about you from Railey pasensiya na po at ako ang sumundo sa inyo di po kasi pwedeng magmaneho si Railey kasi maselan ang kalagayan niya", baling nito sa mommy ko habang naglalakad kami papuntang sasakyan na gagamitin namin papuntang bahay ni Railey.

"Wait did I heard you right? Bakit maselan ang kalagayan ng anak ko anong nangyari sa kaniya? Nasaktan ba siya habang nagtatrabaho?nasugatan ba siya?", and there goes my pranisng na mommy. Bilib din ako kay mommy kasi kahit na nasaktan siya dahil sa kataksilan ni daddy at nagbunga iyon which is si Railey tinanggap niya pa rin ang kapatid ko na parang anak na rin niya. Tingin ko nga mas mag-ina pa sila kesa sa tunay na ina ni Railey eh; ako naman wala namang problema sakin ang kapatid kong yun kasi si such a sweet and loving sister simula ng ipinakilala siya sa akin ni mommy ipinaliwanag nila sa'kin ang lahat and I never blamed her kung bakit muntikan ng masira ang pamilya namin at siniguro din iyon ni mommy.

"Mom relax andiyan ka na naman sa pagiging OA mo ehh baka nagkasprain lang?"

"Buti sana kung sprain lang kaso hindi ganoon. Maam and sir promise me no violent reactions tayo huh baka maaksidente tayo kapag nagkaganoon. Gusto sana ni Railey na siya ang magsabi sa inyo sa personal but I'll give you a briefing kasi baka mag-iiyak na naman iyon doon mamaya at may masama na namang mangyari sa kaniya", nagsisimula na akong kabahan sa kung anuman ang sasabihin ng isang to habang si mommy naman ay aligaga dito sa tabi ko.

While on our way he told us kung anong maabutan naming sitwasyon ng kapatid ko. "A few days ago dinala naming si Rai sa hospital kasi muntikan na siyang makunan"

"Makunan?!", sabay na gulat naming tanong ni mommy sa manager ni Railey.

"Yes, she almost lost her baby Railey is 4 months pregnant now ayaw niya sanang sabihin sa inyo. Given na maselan ang pagbubuntis niya kailangan niya ng inang aalalay sa kaniya alam naman nating di maganda ang relasyon nila ni Beatrice kaya pinilit ko siyang ipaalam sa inyo ang tunay na kalagayan niya", pagpapaliwanag niya sa amin.

Sabi ko na nga ba masama ang kutob ko kung bakit niya kami pinapunta dito, di ko alam kung anong magiging reaksiyon sa nalaman ko, magiging Masaya ba ako o ano? Ewan di ko alam.

"eh nasaan ang ama ng dinadala niya? Di naman sa ayaw naming kami ang magiging katuwang niya sa pagbubuntis pero diba dapat andiyan yung ama ng bata kapag ganitong sitwasyon?", nagtatakang tanong ni mommy sa manager ni Rai.

FATED TO BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon