CHAPTER 31

153 6 0
                                    


Ipinaliwanag ng kuya niya lahat kung paanong hindi natuloy ang kasal ni Jurielle at ni Paolo, pero hindi pa siya handang tanggapin muli si Paolo sa buhay niya. Hindi siya sigurado kung magiging tahimik ang buhay niya kapag itutuloy nila ang naudlot na pinagsamhan nina Paolo.

Months passed pero hindi pa rin tumutigil ang binata na suyuin siya; alam na ng lahat ang tungkol sa pagbubuntis niya at nariyan pa ngang napasugod sina Andie sa France ng malaman nito ang kalagayan niya at ilang araw ng nandoon sa bahay niya at hindi pa bumabalik sa Pilipinas.

"Bes alam kong masakit para sa'yo ang nangyari sa inyo ni Paolo pero alang- alang sa magiging anak mo baka naman may konting puwang pa diyan sa puso mo at bigyan mo ng pagkakataon si Paolo", saad ni Andie sa kaniya.

"Karma na siguro to sa'kin. Pinagbabayaran ko na lahat ng nagawa ko sa inyo noon ni Drake", sagot niya sa kaibigan at muli ay napahagulhol na lamang siya habang niyayakap siya ni Andie.

"Huwag mong sabihin iyan matagal na iyon anu ba naiintindihan naman kita ehh. Alam kong mahal mo pa si Paolo kaya why not take the risk again kahit para nalang sa baby niyo. Alam mo naman ang feeling ng hindi kumpleto ang pamilya diba? Gusto mo bang maramdaman din iyon ng magiging anak mo?", muli ay payo ni Andie sa kaniya.

" Masakit pa rin ehh, hindi ko na alam kung saan magsisimula. Natatakot na ako sa pwedeng mangyari in the future, at alam kong di kami titigilan ng mom ko at ni Jurielle. Paano kung bigla na naman siyang bumitaw sa akin?"

"Eto naman kapag ginawa ulit sa'yo yun ni Paolo ako ang una- unang makikipagkalimutan na magpinsan kami hu-huntingin ko siya para sa'yo. Basta pag- isipan mo ng mabuti nandito lang kaming mga nagmamahal sa'yo, we have your back whatever happens"

Since dumating ang kaibigan niya sa kanila ay wala na itong ibang inatupag kundi siya at ang pagpapayo sa kaniya. Nandiyan naman ang tita Lessandra at kuya ACE niya pero iba talaga kapag may kaibigan kang kasangga mo sa lahat ng pinagdadaanan mo sa buhay.

Habang nag-uusap sila ni Railey ay umeksena ang magaling niyang kapatid.

" Guys may ichichika ako makinig kayong mabuti, ay teka muna tatawagin ko si mommy. Mommmyyyy lika dito may ichichika ako sa inyo kakatapos lang naming mag-usap ni Jack", tawag nito sa inang nag-aayos ng hardin.

"Kuya yung totoo beki ka ba?", tanong ni Railey sa kapatid.

"Uy hindi ahh, makahinala naman to. Sa guwapo kong to beki ako naku naman", sagot nito na umaastang parang bakla.

"Oh at ano naman ang ibabalita mo sa amin at mukhang excited na excited na excited ka?", tanong ni Lessandra sa anak.

" So here's the news hindi ko nga alam kung matutuwa ako o malulungkot para kay Jack ehh but yung pregnancy scheme ni Jurielle is fake; yung mga documents like ultrasound at pregnancy test were all forged. Nalaman nila lahat yun ng sinabi ni Jack na papakasalan niya si Jurielle para sa magiging anak nila kaya napilitan si Jurielle na aminin lahat ng kasinungalingan niya", pagkukuwento ni ACE sa kanila.

"Ehh tanga naman pala 'tong si Paolo ehh, akala ko ba matalino yun?", disappointed na sabi ni Andie.

"Lahat naman tayo ay napaikot ni Jurielle ehh, una pinalabas niyang buntis siya at si Paolo ama para pakasalan siya nito; tapos ngayon di I naman pala totoo",saad naman ni Lessandra.

"Yeah mommy has a point at alam naman natin lahat na napilitan lang si Paolo na pakasalan si Jurielle dahil pinagbantaan ng mga Swovski ang pagpull out ng mga shares nito sa kompanya ng mga Montemayor", pagtatanggol ni Railey kay Paolo.

FATED TO BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon