PROLOGUE

474 13 5
                                    

"Mas mabuting lumayo-layo ka muna kina Andie at Drake, oo nga't sabi mo hindi ka na manggugulo but I doubt it. I can't trust people like you"

"Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa'kin? Oo nga't naging kontrabida ako sa lovelife ng pinsan mo pero natuto na ako Paolo!", sagot niya kay Paolo. Aaminin niyang may kasalanan siya pero tapos na iyon di pa ba sapat na isinuko na niya si Drake at iniinsulto siya ng lalaking to.

"Mas mabuti ng mag-ingat baka samakalawa tinutuklaw mo na naman iyang si Drake"

Malutong na sampal ang iginawad niya kay Paolo bago ito tinalikuran. Andito sila ngayon sa surprise engagement party ni Drake kay Andie. Yeah she's the villain in their so cold love story pero tanggap na niyang hindi na magiging kanya si Drake. Kasalanan niya kung bakit ito nawala sa kaniya pero di niya masisisi ang dalawa kasi alam niyang tunay itong nagmamahalan.

Hanggang sa matapos ang party ay di na niya kinausap si Paolo, hindi niya kayang makita ang pagmumukha nito. Though she's an antagonist tao pa rin siya may damdamin at nasasaktan, at wala itong karapatang maliitin siya.

*****

Hindi agad nakahuma si Paolo dahil sa lakas ng pagkakasampal ni Railey sa kaniya, alam niyang masakit ang mga binitawan niyang salita pero hindi niya talaga maiwasang mag-init ang ulo 'pag kaharap niya ang dalaga.

Nandito sila ngayon sa lugar kung saan balak ni Drake na magpropose kay Andie. Nagulat nga siya ng malamang andito rin si Railey para tumulong, malaki talaga ang inis niya sa dalaga kaya di niya mapigilan ang sariling pagsalitaan ito ng masakit.

His cousin had no idea about this at ilang linggo na rin niya ito nakikitqng matamlay at walang gana. Ngayong buwan ang due ni Andie pero di pa rin ito nakikipag-ayos kay Drake. She's like a sister to him kaya nasasaktan siyang makita ang pinsang bagsak na bagsak na para bang ang anak na lang nito ang dahilan para manatili itong nagpapakabuhay.

Kahit na may kasalanan si Drake ay tinanggap nila ito for the sake of Andie, tinulungan nila itong maisagawa ang surprise proposal nito kay Andie kaya heto sila ngayon abala sa preparation. Drake's planning to propose to Andie next week kaya titiisin niya munang makitang bigo ang pinsan kasi alam niyang there's a brighter future that will come along to her with Drake.

********

Mula ng nagkasagutan sila ni Paolo ay iniiwasan na niyang magkakrus ang landas nila ng binata sa mga araw ng paghahanda nila sa sorpresa ni Drake. Tinitingnan niya lang sa malayo ang binata, actually she has a plan to befriend him pero dahil sa nangyari mukhang malabong maging magkaibigan sila ng binata. Aware siya sa galit nito lalo na't mahal nito ang pinsang si Andie na sinaktan niya at hindi niya ito masisisi kaya minabuti niya munang umiwas para wala ng gulo.

Noong una niyang nakita ang binata nang minsan niyang pinuntahan si Andie ay humanga na siya sa angking kakisigan na taglay nito. Pero mukhang womanhater ito kaya kahit di pa sila nagkagulo ni Andie ay mainit na talaga ang dugo nito sa kaniya.

She was the anatagonist sa istorya ng pag-ibig nila ni Drake at Andie kaya siguro masama ang tingin ng ibang tao sa kaniya. Wala siyang pakialam sa sinasabi ng iba pero pagdating kay Paolo ay tagos sa puso ang sakit na dala ng bawat matatalim na salitang binibigkas nito sa kanya.

A/N: sorry guys kung natagalan itong pagpublish ng story na ito, marami akong iniisip na sobrang nakakapagwalang-gana sakin but right now I'm trying my best to make this story a good one at sana magustuhan niyo ito.

A little cheer for me😊lovelots and KEEP SAFE mga bebe.

FATED TO BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon