" Mom may nag ring ng doorbell, baka si kuya"
"Just open it may niluluto pa ako dito sa kusina. Ano ba kasi ang ginagawa mo", sigaw ng mama niya galing sa kusina.
Sa totoo lang wala naman talaga siyang ginagawa, tinatamad lang talaga siya ngayon para humara sa kung sino man ang nasa labas ngayon.
Malungkot na siya noong una but now she's in agony para siyang namatayan; it feels like her heart died two days ago. Yes two days ago ang kasal nina Paolo and Jurielle pero hindi na siya nakibalita tungkol doon. Gustuhin man niyang ipaglaban ang pagmamahal niya kay Paolo ay huli na ang lahat he is already happy with someone else; isinuko na niya lahat ng pag-asang meron siya.
For the meantime ay hindi muna siya hinahayaan ng tita Lessandra niya na maexpose sa social media and she changed her contact number. Gusto na niyang mawala lahat ng may koneksiyon sa kanila ni Paolo and that also includes her bestfriend Andie.
Marahil ay nagtataka na ang kaibigan kung bakit hindi niya ito kinakamusta at ang mga inaanak niya. Nami miss niya ang mga ito ngunit kailangan muna niya ng panahon para maging handa ulit; sasabihin niya rin sa kaibigan ang lahat-lahat. Sa ngayon ay ayaw niya munang manggulo at wala rin siyang balak manggulo pa sa buhay ni Paolo in the future pero tiyak na magugulo ang lahat kapag nalaman ng lahat ang tungkol sa anak nila.
Masyado siyang nalunod sa pag i-emote niya kaya nalimutan niyang may nag ring ng doorbell, she snapped and hurriedly went downstairs para tingnan kung sino ang bisita. Siguro ay si tita Lessandra na niya ang nagbukas ng pinto sapagkat hindi na muli pang tumunog ang doorbell.
To her great surprise hindi inaasahang bisita ang nadatnan niya sa ibaba, parang gusto niyang kurutin ang sarili para iconfirm kung nanaginip lamang siya.
She was going to pinch herself to confirm but she felt something landed on her forehead; it was her kuya ACE pinitik siya nito sa noo. Kilalang- kilala na siya ng kapatid at siguro alam na nito ang gagawin niya dapat kaya inunahan na lang siya nito.
"Aray huh, masakit yun", reklamo niya sa nakakatandang kapatid.
"Alam ko na kasi kung anong balak mo, matulungin akong tao kaya tinulungan lang kita. Akala mo siguro panaginip lang ito no?", pang-aasar ni ACE sa kaniya.
"Tumigil ka nga. Anong ginagawa ng isang iyan dito?"
"Ehh ano pa nga ba para sa'yo. Dinala ko siya para sa'yo"
She was surprised pero naguguluhan at the same time. Paano nangyaring nandito si Paolo sa bahay nila ehh kakakasal lang nito two days ago dapat na sa honeymoon pa ito. Di ba iyon ang ginagawa ng mga bagong kasal. Honeymoon?
Di pa man niya nakikita ang mukha ng bisita ay alam na niyang si Paolo iyon; tandang- tanda niya lahat ng features ng lalaki kahit ang kasingit- singitang bahagi nito ganyan niya kamahal ang binata este kasal na nga pala so lalaki nalang hindi na binata.
"Mom bakit kayo nagpapasok ng kung sino-sino?"reklamo niya kay Lessandra na kasalukuyang may inihahanda pa sa kusina.
"Kuya nababaliw ka naba alam mo namang kasal na iyan diba ba't mo siya dinala dito? Ayoko ng gulo ibalik mo iyan sa asawa niya",sya namang bulong niya sa kuya niya.
Ngunit sa halip na sagutin siya ng tita Lessandra niya ay tinawag nito ang kuya niya. "ACE halika nga dito tulungan mo ako dito sa kusina, Rai asikasuhin mo ang bisita"
"Mommy naman ehh"
"Sige na kapatid chance mo na ito huwag mo ng sayangin baka magsisi ka"
BINABASA MO ANG
FATED TO BE YOURS
Roman d'amour"Your past don't define who you are, may kakayahang magbago ang isang tao. Ang nakaraan ay nakaraan; di mo ma kailangan pang ungkatin kung di naman kinakailangan" Paolo Montemayor is one of the young businessmen and was adored by so many, he was eve...