Dalawang araw bago ang kaarawan ng pamangkin niya ng dumating siya sa bahay ng pinsan niyang si Andie at doon ay nakita niya ang taong labis niyang kinamuhian. For the past 3 years ay kinimkim niya sa puso niya ang galit sa taong minsan ng sumira sa buhay ng pinsan niya, saksi siya sa lahat ng hirap na pinagdaanan ng mag-asawang Andie at Drake dahil sa babaeng iyon, kaya mahirap sa kaniya ang magpatawad.
Nakita niya si Railey na tumutulong sa paghahanda ng mga kakailanganin para sa darating na party.
'Ang kapal naman ng mukha ng babaeng ito, ang lakas ng loob magpakita rito after what happened three years ago, what the hell is wrong with this woman?!', saad niya sa kaniyang isipan.
Isang nagngangalit na titig ang iginawad niya sa babae nang di sinasadyang mapalingon ito sa kinaroroonan niya, bumalatay ang pagkabigla sa magandang mukha ng dalaga.wait.what? did he just said na maganda siya? hmnn totoo naman pero masama naman ugali anong silbi ng pagkakaroon ng magandang mukha?
Ang pinakamalala ay parang umakto itong wala lang, na parang walang nangyari noong una na mas lalong nagpalalim sa inis na nararamdaman niya para sa dalaga. Ramdam niyang iniiwasan siya nito kaya ng makakuha ng tiyempo ay sinadya niyang banggain ang dalaga.
"Uhm hi, I'm sorry", hinging paumanhin nito sa kaniya.
" Tskk, lalampa lampa kasi ehh tumingin ka nga sa dinadaanan mo at ng masigirong wala kang taong NASASAGASAAN", mataray na sagot niya at sinadyang diniinan ang salitang nasasagasaan. He wanted to make her suffer, gusto niyang usigin ito ng konsensya nito, gusto niyang makita itong nahihirapan at lumuluha kaya hanggang andito siya'y gagawin niyang impyerno ang buhay ng dalaga.
Though everyone had move on from what happened between her and his cousin, hindi pa rin niya malilimutan ang sakit na naidulot nito sa pamilya nila. Parang kapatid niya na rin si Andie, pareho silang nag-iisang anak ng mga magulang nila kaya ganoon sila kalapit sa isa't isa. Unang kita palang niya sa so called bestfriend ng pinsan ay masama na ang timpla nito sa kaniya at kahit kailan ay hindi niya kailanman nagustuhan si Railey na umaaligid kay Andie.
"Andie ano bang nakain mo at inimbita mo pa ang babaeng iyan?", inis na tanong niya sa pinsan.
" Insan lagi namang andito si Railey remember she's one of Natalias' godmothers. Ikaw lang naman itong ngayon lang nakaattend sa birthday party ni Natalia ehh tskk"
"That villain made you suffered so much yet you still accepted her?!"
"Insan kung marunong magpatawad ang Diyos gayundin ako and I know that there will come a time mapapatawad mo rin siya", sabi ni Andie sa kaniya while patting his shoulders wearing a wide grin on her face.
"What's with that face Andie, anu na naman iyang nasa isip mo?"
"Alam mo insan bagay sana kayo kaso lang ang bitter mo mas mapait kesa ampalaya"
"Naman oh di ko nga matagalan ang presensya ng babaeng iyan tapos sssabihin mo bagay kami, nagbibiro ka ba?", sabi niya at muntikan ng masamid sa iniinom niyang tubig.
" Oh relax lang ito naman oh guilty agad, may gusto ka kay Railey ano?", pagkasabi ni Andie nun ay agad na pinanlakihan niya ito ng mata telling her to stop at naintidihan naman iyon agad ng pinsan at nagpeace sign ito.
"Enjoy huh? Tang*na paano ko maiienjoy ang pagbabakasyon ko kakarating ko pa lang sirang-sira na. Napakabait naman kasi ng pinsan ko", ani ni Paolo sa isip niya.
Hiling nalang ni Paolo na sana Hindi masyadong magkukrus any landas nila ni Railey and he promised to himself to behave at wag na masyadong magpapaapekto sa presensya ni Railey.
Nais na sanang magpahinga ni Paolo ng biglang mag ring ang cellphone niya. "Hi mom, napatawag ka?",tanong niya sa kabilang linya.
"Bakit bawal na ba akong tumawag sa baby ko? Di naba ako love ng baby Pao ko? "
"Mom, malaki nako I'm not a baby anymore, bakit ka nga tumawag"
"Kasi nga kakamustahin ko lang sila , kumusta na ba sina Andie?"
"Ako di mo'ko kakamustahin inuna mo pa talaga sila kesa sakin na anak mo?"
"Malaki ka na diba kaya mo na sarili mo, bahala kana dyan",pamimilosopo ng ina sa kaniya. Napangiti nalang siya sa tinuran ng ina, nakakahiya man aminin pero mamas boy siya, ang mama ang kakampi niya simula pa noong bata pa siya, kapag pinipressure siya ng ama ay eto ang nakaagapay sa kanya at tagapagtanggol niya.
Ilang minuto rin silang nag-usap mag-ina bago siya magpahinga, mabigat ang pakiramdam niya dahil sa byahe kaya madali lang siyang nakatulog.
A/N : nabanhaw nko 😂sana may magbabasa pa rin hehehe sensya na nawala ako ng ilang buwan. Lovelots readers😘
BINABASA MO ANG
FATED TO BE YOURS
Romance"Your past don't define who you are, may kakayahang magbago ang isang tao. Ang nakaraan ay nakaraan; di mo ma kailangan pang ungkatin kung di naman kinakailangan" Paolo Montemayor is one of the young businessmen and was adored by so many, he was eve...