CHAPTER 26

116 9 2
                                    


Three months later...........

All invitations were already sent to the persons who are invited to their wedding, oo nagdesisyun siyang pakasalan si Jurielle para sa kapakanan nilang lahat; para sa kapanan ng magiging baby nila.

Ikakasal na sila ni Jurielle sa susunod na linggo, dalawang buwan lang nilang inayos lahat ng preparasyon para sa kasal dahil nais ng mga magulang nilang maikasal sila sa lalong madaling panahon habang di pa masyadong halata ang tiyan ni Jurielle.

Their wedding will be simple, hindi siya pumayag ng isang engrandeng kasal it's not as if ikakasal sila dahil mahal nila ang isa't-isa, ikakasal lang naman sila out of responsibility para sa magiging baby niya and purely out of business yun lang.

Yeah you read it right may halong business, ayaw naman talaga niyang magpakasal sa dalaga ngunit inipit sila ng pamilya nito; ang their business is at stake.

Two months ago nang malaman ng ama ni Jurielle na ayaw niyang pakasalan ang anak nito ay tinakot sila ni Mr. Swovski na ipu-pull out nito lahat ng shares ng mga Swovski sa lahat ng negosyo nila ang they happened to be one of the biggest share holders at paniguradong manganganib ang negosyo nila.

Ng malaman ng ama niya ang tungkol sa bantang ito ni Mr. Swovski na ama ni Jurielle ay muntikan na naman itong atakihin sa puso. Hindi ito makapaniwala na sa lalim ng pinagsamahan nila ay masisira lamang ito dahil sa pagkakamali ng mga anak nila.

"Dad everything will be ok, papakasalan ko na si Jurielle na siya naman talagang dapat kong gawin dahil siya ang ina ng magiging anak ko"

"But you don't love her, ayokong mapilitan ka, mahirap makulong sa isang kasal na walang pagmamahal na namamagitan", puno ng pag-aalalang saad ng kaniyang ama.

"Dad ito na yun diba? Ito na yung pangarap mong Makita akong maikasal at magkaroon ka ng apo bago ka...", di niya magawang isatinig ang susunod na mga salita. Mahirap man tanggapin but he knows his dad has only a few months left and the least he could do ay huwag ito bigyan ng sama ng loob sa mga natitirang araw nito sa mundo.

"Pero nilinaw ko naman sa'yo na gusto kong makita kang maikasal sa babaeng mahal mo. Yes the thought na magkaka apo na ako sa'yo somehow excites me but seeing you suffer alone para sa kabutihan ng lahat ..." di na niya pinatapos pa kung ano ang sasabihin ng ama niya at baka mag-iyakan pa sila nakakahiya naman.

He made a selfless decision, nakita na rin naman niyang masaya si Railey kasama ang bagong boyfriend nito so ano pang silbi, wala na rin naman siyang dapat ipaglaban kaya susubukan na lang niyang kalimutan ang dalaga. Susubukan niyang mahalin si Jurielle para na rin sa kapakanan ng magiging anak nila.

*************************************

A mail was sent to her address, seeing where it came from nagdadalawang-isip siyang buksan iyon. The sender was Jurielle, no wonder how she got her address maybe justv pulled some connections here and there and then boom alam na nito kung nasaan siya at sana lang hindi nito malaman ang kalagayan niya.

Ayaw niya munang buksan kung ano ang laman niyon kaya itinabi muna niya ito kasama ng mga magazines at dyaryo sa centertable ng kaniyang sala. Sakto namang dumating ang manager niya .

Apat na buwan na ang tiyan niya kaya medyo malaki na at halata kapag nagsusuot siya ng mga fitted na damit. Ayaw niyang may iba pang makaalam sa pagbubuntis niya kaya madalang lamang siyang lumalabas ng bahay at ang manager na lamang niya ang bumibili ng mga kakailanganin niya.

She was busy peeling some apples when her manager found the mail she had set aside. "Ows, what's this from your devil half sister?", tanong nito habang hawak-hawak ang bagay na isinantabi niya.

"I don't know maybe some shits to annoy me, basta ayokong basahin iyan", she said while rolling her eyes and continue peeling apples.

"What?!", sigaw ng manager niya habang nanalalaki ang mata at tinatakpan ang bibig habang nakatingin sa isang papel na may mga magagandang disenyo. Para itong nakakita ng multo sa reaksiyon nito. She was surprised with the sudden outburst of her manager at muntikan pa siyang masugatan ng kutsilyong ginagamit niya pang slice.

"Ano ba nanggugulat ka ehh, ano ba kasing meron. Makakaanak ako ng di oras dahil sa'yo ehh. Ano ba kasi iyan?"

"Akala ko ba hindi ka interesado dito, huwag mo na lang tingnan" bago pa nito mailayo ang papel sa kaniya ay naabot na niya ito gayon na lamang ang biglang pananahimik at buntong-hininga nito ng simulan na niyang basahin sa papel which is an invitation card pala.

It was a wedding invitation card, naramdaman niyang sumikip ang dibdib niya sa mga pangalang naka- imprinta doon. Guess tama si Jurielle she succeeded in having Paolo and now they're getting married. She hurriedly run into the bathroom and turn the faucet on at doon humagulhol ng iyak, she always thought na napaka OA ng mga taong ginagawa ang ganito tuwing umiiyak lalo na sa mga pelikula pero ngayon siya naman ang gumagawa nito.

Nasa labas ng bathroom ang manager niya na labis ang pag-aalala at tinatawag siya para palabasin. Iyak lang siya ng iyak hanggang sa bigla siyang makaramdam ng paghilab sa tiyan niya, sumasakit ang balakang niya na para bang mapapaanak siya. She felt a liquid running down her thighs and when she look down she saw that it was blood.

"No not my baby,no tita help me call 911 please",paghingi niya ng tulong sa manager niya.

Narinig niyang sinubukan nitong buksan ang pintuan ng banyo, fortunately hindi niya iyon inilock dahil alam naman niyang hindi siya nito susundan dahil alam nitong kailangan niya ng konting panahon para iproseso lahat ng pangyayari.

Hinawakan niya ang tiyan niya praying that nothing bad will happen to her baby,umiiyak pa rin siya doble na ang sakit na kaniyang nararamdaman ngayon emotionally and physically."Hang in there baby, huwag mo iwan si mommy ikaw nalang ang meron ako, ikakasal na si daddy mo sa tita mo",kausap niya sa anak niyang nasa kaniyang sinapupunan.

Nilapitan siya ng manager niya, agad siya nitong niyakap nang makita ang sitwasyon niya balewala na rito kung mamantsahan din ito ng dugo. "Tita yung baby ko , di ko kayang mawala ang baby ko"

"Hushh sweetie the ambulance will be here soon, magpakatatag ka para sa'yo at sa baby ok, andito lang ako di kita iiwan tahan nab aka mas lalo pang mapasama ang kalagayan mo", pang-aalo nito sa kaniya na tila isa siyang batang nagmamaktol habang himas-himas ang likod niya para pakalmahin siya.

Naramdaman niyang unti-unting nawawala ang sakit na nararamdaman niya then everything went black.

FATED TO BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon